Ilang oras na ang nakakalipas magmula ng maisalba ni Gucci ang buhay ng estrangherong lalaking nakahiga na sa malayong sulok na bahagi ng kanilang lumang tahanan. Nakapikit ang mga mata nito at tila ba mahimbing lang na natutulog ng mga oras na iyon. Nilagyan ni Gucci ng dinikdik at kinatas na mga dahon ng damong pailaya ang mga sugat nitong visible sa kanyang mga mata. Bagay na natutunan niya mula sa kanyang Lola Gudencia. Marami itong mga galos at pasang nakuha, na sa hula ni Gucci ay mula iyon sa paghampas niya sa mga sanga ng puno bago siya tuluyang bumagsak pabulusok at pababa sa kanilang lugar. Labis iyong pinag-alala ng dalaga lalo pa at naiisip niya na baka nabalian ito ng mga buto sa kanyang katawan. Ang plano niyang dadalhin na ito sa clinic ay imposibleng mangyari sa gabing iyon