Episode 9 UNFORGETTABLE MEMORY Enriel Sa condo ni Grieco ako tumuloy matapos akong manggaling sa contest. Sinilip ko ang labi ko sa salamin ng kotse at nakita kong parang namumula ‘yon, there was blood too. Pumutok kasi ang labi ko dahil sa suntok ni Kendra. Lintik! Nanununtok na pala siya ngayon. Dati ay sobrang hinhin niya na parang anghel kung magsalita, ngayon ay para siyang tigre. She’s a vixen but she amazed me. Isa pa, hindi ako naiinis sa mga isinusumbat niyang hinanakit. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil minsan ay minahal ko rin siya. Oh Kendra… Napasandal pa ako sa upuan at saka pumikit. A vision of her beautiful face came back to life inside my head. Isang imahe ng batang Kendra at isang matapang at palaban na 24 year-old na Kendra. She was so cute during h