Lailani "Doc, wala na po!" "Hindi nakaligtas ang baby, I'm sorry, Mr. Pulido" Mga katagang naririnig ko habang masakit ang katawan ko. Feeling ko nakahilata ako buong magdamag. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Kinakabahan ako sa mga naririnig ko. Bakit parang ang lungkot ng paligid ko. Namulatan ko si Papa kausap ang doctor. Teka, nasa hospital ba ako? Naalala kong nabundol ang kotse ko sa poste. Naalala ko bigla ang dinadala ko. Hinimas ko ang aking tiyan. Bakit wala na akong maramdaman? "Doc, Dad!" tawag ko sa mga ito. Lumingon sila sa akin at lumapit. Ako naman ay naiiyak na. "Ang baby ko?" naiiyak na tanong ko sa kanila. Lumapit sa akin si Dad tsaka niya hinawakan ang kamay ko. "Ikinalulungkot ko, Mrs. Feister. . . wala na ang baby niyo." sagot ng doctor. Nan