Elijah "Nene!" tawag ko kay Nene mula sa makintab na hagdan, tumakbo ito ng mabilis pababa sa kinaroroonan ko. "Yes, senyorito! Nakuha ko na po ang mga gamit na pinapakuha niyo sa akin! Grabe sobrang hingal ko. Bakit hindi niyo na lang kaya lagyan ng elevator dito, Senyorito?" mausisa na suhestyon ni Nene. Sinamaan ko ng tingin si Nene. Kung may padaldalan man sa mansion na ito, si Nene na ang panalo, sa sobrang daldal niya hindi ka na makapagsalita pa. Nag-peace sign naman siya sa akin. "Suhestyon lang naman 'yon, Senyorito. Nasa inyo kung susundin niyo. Pero... Senyorito, 'wag kang magagalit ha? Pero mas maganda talaga kapag may elevator, malay mo masolo niyo si Ma'am Lani sa loob pagkatapos nag-brown out. Pero siyempre mas maganda kung ako at si Sir Edrick yung nakulong sa loob."