"Paano mo nakilala si Vander?" Nakasunod pa rin sa akin si Elijah. Sa pagkakataong ito wala akong maisagot na palusot. "Lani! Tinatanong kita?" mas lumakas pa ang boses niya. Big deal ba sa kaniya kung paano ko nakilala si Vander? Para matahimik na siya, nakahanap ako ng palusot na sana ay kagatin niya ang palusot ko na ito. Hinarap ko siya. Mahigpit pa rin ang pagkahawak ko sa scarf na medyo nakatakip na sa aking mukha. Ngayon nakaharap na ako sa kaniya. Hinihintay niya ang sagot ko. Nakapameywang muna ako bago ko ito sagutin. "Si Vander, nakilala ko siya sa bar." medyo naman alam ko kung saan palaging tumatambay si Vander, kaya yun ang palusot ko. "Siguro hindi niya na ako matandaan ngayon, matagal na kasi." dagdag ko pa. Baka kasi itanong pa ni Elijah kay Vander kung magkakila