LIVING IN THE LAND LOCKED

2274 Words
"MAGANDANG araw po sa inyong lahat. Ako po si Lewis Roy. Nandito po ako para humihingi sana ng tulong kung okay lang po sa inyo." Panimula ng binata. "Ganoon din sa iyo Lewis Roy. Kung kaya ba namin ang tulong na sinasabi mo, aba'y bakit hindi. Anong klaseng tulong ba iyan, Hijo?" tugon ng punong-barangay na nilapitan ng binata. Nakatira siya sa isang apartment. Mas ninais niyang mangupahan upang makakilos siya ng maayos. Nais sana niyang makipanuluyan sa tahanan ng mga magulang ng dati nilang kaklase na si Debbie. Ngunit naisip din kasi niya na baka mapag-isipan siya ng masama at walang maniniwala sa kaniya kapag doon siya maninirahan. Halos tatlong linggo na rin siya sa probinsiya, at sa loob ng tatlong linggo na iyon ay wala siyang sinayang na panahon. He started with the captain of the barangay. Ito ang kinausap, kinaibigan para sa planong pagbukas sa loteng nakapangalan sa mga ninuno. "Ganito po kasi iyon, Kapitan. Magpapatayo sana ako ng building para sa negosyo. Kailangan ko po sana ang mga trabahador para isagawa ito. Huwag po kayong mag-alala dahil wala pong malulugi, magpapasahod naman po ako ng tama. May mga kakilala ka po bang maari kong pagtrabahuin, kap?" "Dito sa probinsiya ay marami tayong makukuhang mga karpentero. Pero hindi ba mas magandang sa mga construction company ka dumulog para naka-package ang lahat?" "Wala naman pong problema riyan, kap. may kaibigan at nga pinsan po akong engineer at sila po ang bahala sa designs. Ang sa akin lang po ay mga trabahador para masimulan po sana sa mas lalong madaling panahon." Wala naman kasing problema sa mga engineers at supplies. Dahil kabilaan ang mga construction companies ng pamilyang pinagmulan. High quality pa ang mga ito. "Sa ngayon, Lewis, ay wala pa akong maihaharap na karpentero. Ngunit hayaan mo at magtatanong ako sa mga makilala ko. Ipahanda mo na ang mga kakailanganin mo lalo na ang supplies para sa ipapatayo mong building. Oo nga pala completo na ba ang mga papeles ng building na ipapatayo mo?" "Opo, kap. Kumpleto po lahat ng dukumento niyan sa akin, at kagaya ng ibang negosyo bago ito magsimula ay permit na lang po ang kulang." "Mabuti naman kung ganoon, Lewis, upang maging maayos ang lahat. Saan mo nga pala gustong magpatayo ng building, Hijo?" "Diyan lang po sa bakanteng lote, kap. Doon po sa malapit sa petron gasoline station dito sa Poblacion." HINDI nalingid sa binata ang naging reaksyon ng kapitan sa narinig mula sa kaniya. Maaring wala itong ibang sinabi, ngunit nag-iba ang expression ng mukha nito. Kaya naman ay naisipan niyang magtanong muli. "May problema po ba, kap?" "Wala naman, Lewis. Ngunit may itatanong lang ako sa iyo kung okay lang ba." "Opo naman po, kap. Ano po ba iyon?" "Sigurado ka ba sa lugar na papatayuan mo ng building para sa iyong negosyo? Hindi sa pakikialam pero kilala mo ba kung sino ang makakabangga mo kung sakali mang ipagpatuloy mo iyang plano mo?" Nang sandaling iyon ay pagkabahala na ang nababanaag sa mukha nito. "Opo, kap. Dahil ang lupaing iyan ay matagal ng nakatiwangwang. Pag-aari po iyan ng yumao kong abuelo. Subalit dahil mas gusto ng mga kapatid ko ang ipagpatuloy ang kani-kanilang trabaho ay matagal ding walang namahala riyan. About makakalaban po ay wala naman po siguro dahil pag-aari naman ng pamilya namin iyan." Nabalaan na siya ng mga kapamilya niya tungkol sa mga pangyayari sa probinsiya. Kaya't kahit kaunti ay may hinala na siya kung ano ang nais iparating ng kapitan. "Alam kong nagsasabi ka ng totoo kaya't nais din kitang balaan, Hijo. Bilang nagmamalasakit na ama, kaibigan, mag-ingat ka sana rito sa probinsiya. Dahil hindi naman lingid sa iyo ang mga talamak na kaganapan. Hindi kita tinatakot pero nais lang kitang palalahanan. Marami na ang nawalang buhay dahil sa lupaing iyan pero. Kahit isa ay wala man lang nabigyan ng hustisiya. Ang batas ay pantay-pantay sa ngalan ng Amang Lumikha at sa tao pero sa probinsiyang ito ay ang mga namumuno ang batas. Oo, kapitan ako, anak, pero hanggang sa pangalan lang iyan. Dahil hindi ko rin magawa ang layunin ko para sa barangay natin. Asahan mo ang tulong at suporta ko iho basta asahan ko din sana mula sa iyo ang seguridad ng mga mamamayan dito sa nasasakupan ko." Mahaba-habang paliwanag ng punong-barangay. Napaghandaan na ni Lewis ang bagay na iyon. Ngunit iba pa rin pala kapag nasa actual na ang lahat kahit pa mismong taga-roon ang nagsabi. Ganoon pa man ay pinanatili niya ang possitive thoughts para sa mga nanghihingi ng tulong sa kaniya. "Makakaasa ka po, Kap. Maraming salamat po. Open po ang apartment ko anytime na may kailangan kayo." "Salamat din, Hijo. Sige mauna na ako." "Mag-ingat po kayo, kap." Hindi na sumagot ang kapitan ng barangay bagkus ay ngumiti na lamang ito sa kaniya bago tuluyang umalis. Kasama ang dalawang kagawad na hindi na yata naimik simula ng narinig kung saan siya magpapatayo ng building para sa negosyo niya. Hinintay lang din niyang nakaalis ang panauhin bago muling pumasok sa loob ng apartment. "I'm not God, but I can be the one who can save those lives who's aching for justice. God will set them free. He will help me too," bulong niya. Umaasa siyang magwawakas din ang kasamaang nangyayari sa probinsiyang parang isinumpa. Nais niyang mamuhay ang mga tao doon ng matiwasay at naaayon sa kani-kanilang kagustuhan, mawawala ang pangamba sa bawat minuto dahil sa karahasan. DAHIL kagustuhan ng matandang Calvin o si Grandma Sheryl na mabigyan ng proteksyon ang bunsong apo ay nagtungo silang mag-Lola ni Rhayne sa Camp Villamor. Maayos nilang binilinan ang driver na hintayin sila sa labas. Then... "Magandang umaga po sa inyong dalawa, Lola, Bro Rhayne. Maupo muna kayo." Magalang silang sinalubong ng heneral o si General Vince Ethan Aguillar. Actually, ikalawa na ito sa Aguillar na naupo sa General's position sa naturang kampo. Dahil nauna ang abuelo nito. Maaring hindi sila magkakadugo pero para sa mga tulad nilang marunong lumingon sa pinanggalingan ay relative by blood pa rin silang magturingan. At isa pa ay malapit na magkakaibigan ang kanilang pamilya. "Kaawaan ka ng Diyos, apo. Maari ka ba naming makausap? Alam naming busy ka pero makiamot sana kami sa iyong oras," pahayag ni Grandma Sheryl nakalipas ng ilang sandali. "Opo naman, Lola. Ano po ba iyon?" patanong na sagot ng opisyal. Sa katunayan ay mayroon sana silang lakad. Subalit ang mga nasa harapan niya ay ang uri ng tao na hindi maaring pahindian. Aalalayan na nga sana niya ang matanda kaso naging maagap ang kasama nito. "Ako na, General Aguillar nakakahiya naman kung ikaw pa ang aalalay kay grandma." Magalang na pananawata ni Rhayne sa akmang pag-alalay ng general sa abuela. "Ikaw naman, Rhayne, wala namang problema saka kunting bagay lang iyan. Hindi naman kayo iba sa akin and besides lola Sheryl is the spouse of lolo Roy kaya huwag mag-alala," nakangiti nitong sagot. Kaya naman wala ng nagawa ang mag-lola kundi ang hayaan na alalayan sila ng general. "Ano'ng gusto n'yong inumin, lola, Rhayne?" tanong ng general nakalipas ng ilang minuto. "Tubig na lang, Hijo. Don't bother about snacks. Dahil pumarito kami upang makiusap sana sa iyo," agad na sagot ng matanda. Personal silang pinagsilbihan ng opisyal. Hindi ito pumayag na walang maiharap na meryenda habang nag-uusap sila. "Ahm, Lola, sabi mo pala may pag-uusapan tayo, ano po ba iyon? May maitutulong po ba ako sa inyo?" Pagbubukas ng general sa usapan after a few moments of chatting. "Yes, apo, mayroon. Let say hihingi kami ng pabor pero huwag kang mag-alala dahil magbabayad naman kami ng husto. Ganito kasi iyon, nasa probinsiya si bunso, parang naulit ang kahapon. Gusto niyang tumulong sa mga taong nandoon, sa mga nangangailangan ng tulong and let say hustisiya. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman nating lahat ang kaguluhang mayroon ang probinsiya ng Abra. The truth is ayaw pumayag ng mga kapatid at mga pinsan niya sa kabila. Pero ako ang nagbigay ng pahintulot na pumunta siya at sundin ang ibinubulong ng damdamin niya. Although, nandoon pa rin ang pangamba ko na baka mangyari na naman ang nangyari noon kay Chass. Kaya nga inunahan ko na. I need security for my grandson. But you need to make it secretly. In short hindi malalaman ni Lewis na may nagbabantay sa kaniya para makagalaw siya ng maayos. Ang sa akin lang ay makasigurado ako, tayo sa kaligtasan niya. Don't worry about the money because I'll pay it at all costs. And hopefully mapagbibigyan mo ang kahilingan kong ito, General Aguillar." Mahabang pahayag ng matandang Calvin na agad ding sinundan ni Rhayne. "Please, General Aguillar, do all your best to protect my brother. Sunod-sunod na ang pagkawala ng mga mahal namin sa buhay. Kaaya hanggat maari ay wala na sanang kasunod. Kilala pa naman namin ang bunso naming kapatid what he wants is what he gets. Basta alam niyang tama ang sinasabi, tama ang ginagawa, walang makakapigil sa kaniya. Gagawin at gagawin niya ang tama. Kaya't please help us for his security." Segunda pa ni Rhayne sa abuela. Then... "Gagawin ko iyan, Lola, Rhayne, hindi dahil sa pakiusap ninyo. But because it's my job to protect my countrymen. Hayaan n'yo at kakausapin ko ang aking mga tauhan para sa bagay na iyan. I can assure you that we will do our best for him. By tomorrow, my men will be there in the province. At masusunod ang kahilingan n'yong hindi iyan malalaman ni Lewis. Don't worry about the cost, dahil trabaho namin po ito." The general answered with full security and determination. "Oh, thank you so much, General Aguillar. May God bless you more for your kindness to everyone," masayang pahayah ng matanda at talagang niyakap pa ang opisyal. "My duty is to serve and protect my countrymen. Kaya't huwag po kayong magpasalamat," muling tugon ng opisyal na hinagod-hagod ng likuran ng matanda. Matapos ng ilang sandali na pag-uusap ay umuwi na rin ang mag-Lola, baon ang pag-asa na maging ligtas ang lahat lalo na ang binatang nagnanais makatulong. SA kabilang banda, kasalukuyang naghahanda si Darlene para sa kaniyang biyahe ng tumunog ang telepono. "Hello, Tito. What's up?" agad niyang sagot ng mapagsino ang caller. 'Magreport ka ngayon din dito sa kampo and that's an order.' "Ha?! Are you kidding, Tito? Aba'y kapag naging kaskasera ako nagagalit ka. Kung hindi ako nagrereport nagagalit ka rin. Abah naman, Sir Tito General Aguillar, maghunos-dili ka naman po nandito ako sa Isabela wala sa Baguio." Napalakas ang boses na sagot ng dalaga. Aba'y sino ang hindi mapapalakas ang boses kung ang that's an order at pinapabalik sa apo ay nasa Isabela! Aba'h, aba'y tao pa naman siya at walang anting-anting na parang witch na maaring lilipad! Kaso! "Hey, Darlene Faith, what's that noise?" Paninita tuloy ng kaniyang ina sa kaniya na pinagmanahan sa init ng ulo! Alangan namang sa kapitbahay nila! Kaya naman ay itinaas niya ang daliri na naka-peace sign! Samantalang napatawa naman ang nasa kabilang linya. Dahil sa tinuran ng pamangkin idagdag pa ang sinabi ng pinsan at bayaw. Ganoon pa man pinananig pa rin niya ang pagka-opisyal. 'No problem, Darlene Faith Aguillar Smith, as long as you will report today, and that's an order,' pahayag ng nasa kabilang linya saka ibinaba ang telepono. Kaya naman imbes na kotse ang gamitin ng dalaga ay ang motorcycle na lamang. "Hep! Hep! Hep! Why, are you using that one? And where are you going?" Hinarang ni Ginoong Daylan ang anak. Aba'y may kotse ito pero ang motorcycle ang hinarap. Samantalang ibubuka pa lamang ng Ginang ang bibig upang segundahan sana ang asawa. Subalit muling nagwika ang anak. "Daddy, huwag ka ng kumuntra. I need to report today, and that's an order according to Tito General Aguillar. Kaya hayaan mo na akong makaalis para mas maaga din akong makarating," anitong talaga namang hindi maipinta ang mukha. "Go ahead, young lady. Basta mag-ingat ka sa pagmamaneho. Don't be a reckless driver again." Wala na ring nagawa si Daylan kundi ang sumang-ayun lalo at nakasimangot ang prinsesa niya. Alam naman niyang trabaho ang inaatupag nito. Ngunit nilang ama ay nandoon pa rin ang kaba sa tuwing manibela ang hawag nito. She inherited the passion of driving from her mom. A reckless driver as well! Namana pa raw sa abuela nilang Kaskasera! Huwag sanang madulas at idinamay pa! Hindi na rin sumagot ang dalaga bagkus ay itinaas na lang ang palad sabay suot ang helmet, saka pinaharuthot ang motor. "Wala ka talagang ipinagkaiba sa Mommy mo, anak. Pero dahil sa katigasan ng ulo n'yo ay mas minahal naman kayo ng lahat. God bless you and your endeavours, Hija," mahinang sambit ng Ginoo habang nakatanaw sa daang tinahak ng anak. SAMANTALA sa probinsiya ng Abra kung saan pansamantalang nakatira ang binata, kumalat ang balita na may nagpapatayo ng building sa bakanteng lote. "No! This can not be! That land is mine! Mine and mine alone! No one can put up a business in that land except me." Ngitngit ng lalaki. Kailangan niyang gawin and lahat upang hindi matuloy ang balak ng sinumang pangahas sa lote na matagal na niyang inaasam na mapasakanya habang-buhay. "By hook or by crook mapapasaakin ang pagmamay-ari ng lupaing iyon!" Muli ay ngitngit ng lalaki at ang isipan ay gumagana sa pag-iisip kung ano ang nararapat ba gawin. Lewis Roy Calvin II is now LIVING IN THE PROVINCE, is he still safety? Matutupad pa kaya ang mga pangarap ng batang Calvin para sa probinsiyang pinagmulan ng pamilya nila? We always says that we can help anyone not only in political way but the blood of being politicians runs in the family. Is LIVING IN THE PROVINCE is the way to help?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD