Unang araw bilang isang 4th year college. Maganda ang bungad ng umaga kaya naman ay excited akong pumasok sa aming unibersidad. Tinawag na ako ni mama para ipaalam sa akin na nandito na ang aking mga kaibigan para ako ay sunduin kaya naman ay dali-dali akong nag ayos ng sarili at nag uniporme. Nang paglabas ko ng aking kwarto ay sumalubong agad sa akin ang mga kaibigan ko na sina Christine at Jefferson na tila ba ay sabik na sabik ng pumasok.
“Bilisan mo na at gusto ko na makita si Jack, e-este, yung mga kaklase natin.” excited na sabi ni Christine, nagkatinginan na lang kami ni Jeff na parang nang-aasar nung nadulas si Christine sa kan'yang sinabi.
“Oh! bakit ba? Bawal ba magkamali? Just hurry up!” aniya na parang batang nagdadabog.
“Eto na nga po, Miss Crimpson, nagmamadali na nga po.” pabiro kong sagot sa kan'ya.
Napansin ko na hindi dala ni Jeff ang kaniyang sasakyan kaya naman ay tinanong ko ito at sinabi niya na hiniram daw ng tito niya ang kan'yang sasakyan. Tumango lang ako at mayamaya pa ay sumakay na kami ng jeep. Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa unibersidad na aming pinapasukan.“Brenton University”. Hindi talaga nawawala ang aking pagkamangha sa tuwing pumapasok ako sa napakalaking gate na may mga guwardiyang nagbabantay sa magkabilang gilid. Isang napakalawak na oval ang matatanaw sa pagpasok nang gate. May mga punong makukulay sa paligid nito habang ang building naman na may tatlong palapag ay nasa gitna ng malawak na lote. Pumasok na agad kami at bumungad sa amin ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa isang sulok.
“I love you… Please marry me...”
“No, he’s mine!” pasigaw na sabi ng isang grupo ng mga babae na tila ba ay nagpapapansin sa maskuladong grupo ng mga lalaki na sina Bailey Benz Bracken, Jack Damon, James Logan, at Noah Aiden, ang mga heart throb ng Campus.
Sa kanilang apat ay isa lang talaga ang aking napupusuan, si Bailey. Buo na sana ang araw ko ng biglang lumapit sa kaniya ang girlfriend n'yang si Angela. Kung makapalupot sa Bailey ko akala mong wala ng bukas, che. Hay naku! the audacity talaga. Naghalikan pa sa harapan ko. Well, hindi naman sa harap na harap, pero kahit na. It was supposed to be me! Joke lang. Panigurado namang wala akong pag-asang maging girlfriend ni Bailey.
Habang tinitignan ko si Bailey ay biglang nag sabi sa amin si Christine na mauna na kaming umakyat at siya ay susunod nalamang sapagkat mayroon lang siyang gagawing importante. Alam naman namin ni Jeff na nagpapalusot lang ito para masulyapan ang kan'yang long time crush na si Jack. Natawa na lang kami at mauuna na sanang umakyat ng biglang tumunog ang bell na nagpapahiwatig na oras na para pumasok na kami sa kan'ya-kan'ya naming silid, kaya naman ay walang nagawa si Christine kung hindi ang bumalik at sumabay sa amin.
“Ano bayan! Kainis!” padabog nitong sabi.
Pinagtawanan namin si Christine kaya naman ay lalo siyang nainis.
Pumasok na kami sa aming mga silid ng magulat ang lahat nang pumasok ang heart throb boys sa pintuan ng aming classroom. Isa lang ang aking napuna. Hindi nila kasama si Bailey. Kinuha ko na ang aking kwaderno ng bigla akong may narinig na nag salita.
“See you later, babe.” Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses.
Ah kaya pala, he’s with his girlfriend pa rin. Nakakasira naman talaga ng araw ang mga 'to.
Two subjects passed.
"Finally! Breaktime na!” ani ni Jeff bago ito lumapit sa akin at kay Christine na katabi ko lamang.
"Tara na guys!" pag-aaya sa amin ni Jeff kaya naman ay tumayo na kami ni Christine at sinundan ito.
Nagulat ako ng bigla kaming magkabungguan ni Bailey na naging dahilan ng pagkabagsak ko. Napahinto ako sa sobrang kaba at hiya na para na akong aatakihin sa puso. Itatayo na sana ako ni Bailey ng biglang hinatak ni Jeff ang aking braso para ako ay makatayo.
Humingi ng pasensya si Bailey at ganoon din ako. Nauna ng lumabas si Bailey at ang kanyang mga kaibigan kaya naman ay lumabas na rin kami ng room. Lumingon-lingon ako at siniguradong wala na ang grupo nila Bailey. Nang hindi ko na sila natatanaw ay bigla kong hinampas sa braso si Jeff, natatawa-tawa si Christine at tila ba'y alam na nito kung bakit ko ginawa iyon.
“Aray ko! Bakit ba?” naguguluhang tanong ni Jeff.
“Ayun na yun oh… Hahawakan na sana ako ni Bailey. Mahahaplos ko na sana ang kan'yang palad kung hindi ka lang umepal.” padabog kong sabi habang namumutla na si Christine sa katatawa.
“Sorry naman. Malay ko ba. Tara na at nagugutom na ako,” ani ni Jeff na walang ibang alam kung hindi ang kumain.
Dumiretso na kami sa canteen at duon ko nakita ang nag tatawanan na sina Angela at Bailey. Naka-kandong si Angela kay Bailey at mayamaya ay naghalikan nanaman.
Ano ba 'tong dalawang 'to, halikan ng halikan sa public. At jusko naman, pati ba naman dito ay makikita ko silang magkasama. Kanis naman, nag seselos ako kahit hindi naman dapat, hindi naman naging kami at lalong hindi naman niya ako kakilala. Wala na! Sira na buong araw ko.
Nakita ako ng aking mga kaibigan kaya naman ay inasar nila ako.
“Okay lang yan El, may Jack pa naman.” pang-aasar ni Jeff kaya naman ay biglang napatingin si Christine sa kaniya ng masama,
“Hoy, akin lang si Jack!” sabay hampas nito sa braso ni Jeff, “Kay Mr. Aiden ka na lang. Charming, maskulado, at higit sa lahat, walang sabit.” pang-aasar na sabi naman ni Christine sa akin habang nag tatawanan sila ni Jeff,
“Hay naku, bahala nga kayo d'yan, basta ikakain ko na lang 'tong inggit ko kay Angela.”
Habang kami ay kumakain, napatitig ako kay Bailey na kasalukuyang kumakain din kasama ang kan'yang girlfriend. Hindi ko namalayan na nakatingin na sa akin si Angela na nanlilisik ang mga mata na kung ang titig niya ay nakamamatay ay malamang na hindi na ako humihinga sa mga oras na ito.
“Tara na guys. Baka malate tayo sa susunod na subject.” palusot kong sabi upang makatakas na sa mga mata ni Angela na nanlilisik pa rin sa akin.
Umakyat na kami at bago kami pumasok ng silid ay inaya ko muna si Christine na pumunta ng restroom. Nag ayos lang kami ng sarili at lumabas na rin agad. Binalikan rin namin agad si Jeff na kasalukuyang naka sandal sa pader habang kami ay inaantay. Pagpasok namin sa room ay bumungad sa akin si Angela at ang kan'yang mga alipores na sina Joyce at Raine. Tinapakan nito ang aking paa na akin namang ikinagulat.
“Whoops! Sorry, hindi kita napansin.” sabi nito at biglang nagtawanan, halata namang sinadya niyang tapakan ang paa ko kaya naman sa inis ko ay ginantihan ko ito.
“Whoops! Sorry, hindi rin kita uurungan este, napansin pala.” Nagulat si Angela at pati na rin ang kaniyang hindi naman kagandahang mga alipores. Hindi nila inaasahan na lalaban ako. Tinalikuran ko na sila at naglakad papasok ng room.
Gulat na gulat si Christine sa aking ginawa dahil pati siya ay hindi niya inasahan na lalabanan ko si Angela at ang grupo nito. Ewan ko ba kung bakit pa ito nagulat, alam niya naman na hindi talaga ako nag papa-api sa kahit na sino. Nakita ko si Jeff na nadismaya sa aking ginawa kaya naman ay kinausap ni Christine ito at sinabihan na maging proud na lang sa akin sapagkat hindi ko hinayaan na api-apihin lang ako ng mga iyun.
“Nadismaya ako dahil ayoko siyang mapahamak, the three of us to be precise. You guys don’t know what they would do next or what they are capable of doing.” galit na sabi ni Jeff. Sinabihan ko ito na huwag mag alala sa kung ano ang mga gagawin pa ng grupo nila Angela sapagkat hindi ko hahayaan na mangyari iyun.
Ewan ko ba, pero parang bigla akong napaisip sa sinabi ni Jeff, para akong kinabahan na para bang ineexpect ko na may pinaplanong masama sa akin si Angela.
Class dismissed.
Sa sobrang pag-iisip ko sa mga maaaring mangyari ay hindi ko na napansin ang oras. Uwian na pala, kaya naman ay lumabas na kami ng campus. I saw Bailey and Angela with their friends, I passed by them calmly and when I looked back, Angela smirked at me, akala niya naman ay masisindak niya ako ng paganun-ganun lang. Tinarayan ko rin ito at inerapan bago ko siya talikuran.
Try me b***h! Sabay-sabay na kaming umuwi at nang makarating kami sa bahay ay sumalubong sa amin ang aking kapatid na si Elizer.
“Hi Christine, Hi Jeff, Hi El!” aniya
“Ehem! Hi Ate El.” pangungumbinsi kong ani sa aking kapatid at pinaparating sa kaniya na dapat niya akong galangin lalo sa sa harapan ng ibang tao.
He just smirked at me and continued playing on his phone. Christine and Jeff chortle as they say hi back to him. Pumasok na ako sa aming bahay at nagpaalam na rin sa aking mga kaibigan. Nang ako ay nakapasok ay nakita ko sila mama at papa na magkasama sa kusina kaya naman ay pabiro kong sinumbong ang aking kapatid na hindi ako ginagalang.
“Oo nga Elizer, napansin ko na pag na sa bahay mo lang tinatawag si El ng ate pero sa tuwing wala sa bahay o kaya naman ay kasama niya ang kan'yang mga kaibigan ay hindi mo na tinatawag na ate ang ate mo.” pagtatakang ani ni papa.
“Because I don’t want Christine to think that I’m too young for her,” he said.
Natawa na lang ako sapagkat naalala ko ang sinabi niya sa akin dati. Inamin nya sa akin na may gusto siya sa aking kaibigan na si Christine. Si Elizer ay sampung taong gulang na ang natitipuhan ay ang mga mas nakatatanda sa kan'ya kaya naman ay hindi niya talaga ako ginagalang sa tuwing may kasama kaming ibang tao lalo na kapag may ibang babae.
KINABUKASAN. 6AM Ginising na ako ni Elizer para kumain kaya naman ay tumayo na ako ng aking kama at lumabas na ng kwarto. As I walk out my room, Elizer asks me if I can help him with his homework, so I did. I saw my mom preparing for breakfast. She looked at me and greet me good morning.
“Good morning din ma!” I replied, “where’s Dad?” pagtataka kong tanong sa kaniya.
“He’s at work. Tumawag sa kan'ya ang boss niya kanina at pinapapasok s'ya ng maaga,” aniya habang patuloy na nag aayos ng lamesa.
Ahh kaya pala, nasanay kasi akong magkakasabay kaming kumakain ng agahan. I sat with them at the table, and I started eating while helping Elizer with his Assignment. Pagkatapos kong kumain at tulungan ang aking kapatid ay dumiretso na ako sa aking kwarto at nag ready na sa pagpasok. I grabbed my phone as it rings.
'Incoming call from Ms. Crimpson,' I answered the phone call.
“We’re outside your house. Hurry up, Queen! We’re running late.” 'Call ended.'
Oh s**t! Hindi ko na napansin ang oras, bakit ba kasi ang hirap ng mga assignments ng Grade 5 ngayon. Hindi naman gan'un kahirap nung panahon namin dati. Dali-dali na akong nag-ayos at nag palit ng uniporme. Nang matapos ako ay sinalubong ko na ang aking mga kaibigan na nag-aantay sa akin sa aming garahe, hindi na rin ako nakapag paalam pa kay Elizer at Mama.
“Let’s go! Let’s go! Let’s go!” pagmamadaling turan sa akin ni Christine kaya naman ay sumakay na kami ng sasakyan ni Jeff. Makaraan lang ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa aming unibersidad. '7:26am' May apat na minuto na lang kaming natitira bago pa magsimula ang aming unang subject. Patakbo kaming pumasok sa aming unibersidad at pagkaraan ng tatlong minute ay nakarating din kami sa aming silid. “7:29am” isang minute na lang at tutunog na ang bell.
“OMG, what a run!” ani ni Jeff habang hinihingal.
Napansin kong nakayuko si Bailey sa kan'yang arm rest. Siguro nag break na sila ni malditang Angela, pag a-assume ko ng bigla akong natawa ng mahina kaya naman ay napatingin ito sa akin, nakaupo ito sa bandang unahan namin ni Christine kaya naman ay narinig niya ako. Mabilis akong napayuko ng tingin at pasimpleng kinuha na lamang ang aking kwaderno, kinilig ako at parang may chemistry talaga kaming dalawa.