40

1371 Words

"Valentina...." Napatingin si Valentina sa lalaking tumawag sa kaniya. Namilog ang kaniyang mata nang makita si Aaron at inaabot nito sa kaniya ang isang panyo. Nag- aalangan man ngunit tinanggap ni Valentina ang panyo na inabot sa kaniya ng binatang si Aaron. "Pawis na pawis ka. Punasan mo ang pawis sa mukha mo. Dapat nagdadala ka ng kahit anong pamunas lalo na't hindi maiiwasan na pagpawisan ka sa lugar na ito," sambit ni Aaron habang nakatingin kay Valentina ngunit walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Alanganin namang ngumiti si Valentina at napakamot sa kaniyang ulo. "Pasensya na po, senyorito Aaron. Nakalimutan ko po kasi dahil nagmamadali po akong magpunta dito. Pero huwag po kayong mag- alala, sa susunod ay magdadala po ako ng pamunas para hindi naman po pawisan ang pagmumukha k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD