Napaawang ang bibig ni Valentina nang makita si Simon at galit itong nakatingin sa kaniya. Hindi naman niya napansin na nandiyan na pala ito at akala niya gabing-gabi pa ito makakauwi. Ano ba naman ang lalaking ito! Ang hilig sumulpot kung saan! Nakakatakot na itong si sir Simon! "Bakit mo ibinigay ang number mo sa lalaking iyon? Gusto mo ba siya?" galit na sambit ni Simon na akala mo lalapain na si Valentina ng buo. "S-Sir..." nahihintakutang sabi ni Valentina sabay lunok ng kaniyang laway. "Daddy? Bakit po kayo nagagalit kay ate Valen? Nagseselos po ba kayo? Hindi naman po gusto ni ate Valen si teacher Calix eh. Si teacher Calix lang po ang may gusto kay ate Valen..." singit ni Jamaica sa usapan nila. Nanlaki naman ang mata ni Simon sabay tingin sa kaniyang anak. "What? No! Hindi na