"Hala ka! Ang lakas ng ulan!" sambit ni Valentina bago nagmamadaling lumabas ng bahay ni Simon upang kunin ang kaniyang sinampay. Wala kasi ang nasama niyang si Angela dahil nagpaalam ito na uuwi muna ng tatlong araw dahil nagkasakit ang kaniyang ama. Kaya naman si Valentina muna ang nag - asikaso ng gawain ni Angela. "Hay naku! Nabasa na ako!" sabi niya habang sinasampay ang mga damit. Malamig ang paligid dahil sa malakas na ulan at malamig na simoy ng hangin. Nagtungo si Valentina sa kaniyang kuwarto upang magpalit ng damit. Habang si Simon naman ay lumabas ng kaniyang silid upang magpatimpla ng kape kay Valentina. Kumatok siya sa pinto ng kuwarto ng dalaga at pinagbuksan naman siya nito. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakasuot lamang ng bra si Valentina kaya naman wala siyang s