"Valentina...." Nanindig ang balahibo sa leeg ni Valentina nang bulungan siya ni Simon sa tainga at nadama niya ang mainit nitong hininga. Kasalukuyang nagwawalis sa garahe si Valentina nang lapitan siya ni Simon. Nakangisi siyang pumihit paharap sa guwapong biyudo. "Bakit po, sir?" maharot na sambit ni Valentina. Pilyong ngumisi si Simon. "Wala naman.... hinanap lang kita. Ay oo nga pala, marami akong gagawin sa office ko. Puwede bang ipagtimpla mo ako ng kape?" "Oo naman po, sir... tapusin ko lang po itong winawalis ko..." "Sige... hihintayin kita doon," sambit ni Simon bago mabilis na hinalikan sa labi si Valentina sabay alis. Kinikilig na kumisay-kisay naman si Valentina habang hawak ang kaniyang labi. Para na nga siyang maiihi sa sobrang kilig at napahiyaw pa nga siya. Grabe