"Oh, heto ang parte mo Issa." Anang Nanay niya sabay abot sa kanya ng ilang lilibuhing pera.
Ang saya-saya ng hitsura nito ngayon habang hawak-hawak ng mga kamay ang kinita niya kanina lang.
Hindi na siya nagtanong pa kung magkano ba ang ibinigay ng naging kliyente niya. Ang sigurado niya ay natuwa ang kliyente at sinabihan pa nga siyang mag-usap sila ulit sa susunod. In short, maghuhubad ulit siya sa harap nito. Wala naman itong puwedeng maging pakay pa bukod doon.
Mabuti na lang din at hindi iyon narinig ng Nanay niya kaya hindi siya mapipilitang gawin ulit iyon. O... hindi nga ba?
Paano kung kontakin ulit ang fake account niya ng lalaking iyon para muling kunin ang serbisyo niya? At paano kung malaman iyon ng Nanay niya? Kung hindi man, paano kung ipagawa ulit iyon sa kanya ng Nanay niya sa ibang lalaki?
Sa sayang nakikita niya ngayon sa hitsura ng Nanay niya ay hindi iyon malabong mangyari.
At kahit marami na ang kinita niya, kung hindi titigil sa pagbibisyo ang Nanay niya ay madali lang iyong mauubos. Tapos ano? Gagamitin na naman siya nito para mabilis kumita ng malaking pera?? Hindi na niya yata kayang gawin iyon ulit. Ayaw niyang dumating sa puntong tuluyang nang mawala ang respeto niya sa sarili niya at hindi na niya kilala kung sino ba talaga siya dahil sa masamang ipinapagawa sa kanya ng Nanay niya.
"Nay, bayaran na po natin ang utang natin kay Aling Cora. Pati na rin po ang utang natin sa tindahan."
Napatingin naman sa kanya ang Nanay niya sa sinabi niyang iyon at saglit umasim ang timpla ng mukha nito.
Mukhang nakalimutan pa nito ang rason kaya siya napilitang maghubad sa internet. Tsk.
"Hay naku, oh siya, ako na ang magbabayad kay Cora. Ikaw na ang magbayad sa tindahan. Tsaka mamalengke ka na rin pala at baka kung saan mo pa gamitin ang perang yan." Utos naman nito sa kanya at napatango na lang siya.
Agad na ring umalis ang Nanay niya sa bahay nila habang may malawak na naman itong ngiti sa mga labi. Sana lang talaga ay bayaran na nito si Aling Cora at hindi ubusin ang kinita niya sa bisyo nito.
Hapon pa lang ng bandang alas singko kaya naisip niyang gawin na ang dapat niyang gawin. Magbabayad na siya kay Aling Menchie pagkatapos ay mamamalengke na siya.
Saka lang niya tiningnan kung magkano ang ibinigay sa kanya ng Nanay niya. 5 thousand pesos. Siguro nasa isang libo lang muna ang gagastusin niya sa pamamalengke. At oo nga pala, iyong bill nila sa kuryente ay delay na ng isang buwan. Kailangan na rin iyong bayaran para hindi sila maputulan. Sa bill naman ng tubig nila ay wala namang problema dahil nabayaran na nila iyon noong isang buwan at ang bill sa ngayong buwan ay wala pa namang dumarating.
Titipirin na lang niya ang ibinigay sa kanya ng Nanay niya at ang matira ay itatabi niya para sa mga susunod na gastusin nila, kasama na ang gastusin niya sa school. Mahirap na kung maubusan na naman sila ng pam-budget. Tapos finals na nila sa school kaya may mga project din siyang kailangang pagkagastusan.
Ganoon na nga ang ginawa niya. Tuwang-tuwa naman si Aling Menchie nang makapagbayad na siya.
"Salamat naman at nagkapera na ang Nanay mo. Mukhang malaki ang kinita niya ngayong araw ah. Nakita ko siyang dumaan kanina na ang saya-saya." Kumento ni Aling Menchie.
Ngumiti na lang siya rito at hindi na sumagot sa sinabi nito. Naku.. Kung alam lang nito kung paano sila kumita ng malaking pera ay malamang na huhusgahan siya nito.
Natatakot siya... Baka darating ang araw na pagtsi-tsismisan na siya ng mga kapitbahay nila tungkol sa ipinagawa sa kanya ng Nanay niya. Kapag nalaman ng mga tao ang totoo, siguradong huhusgahan na siya ng mga tao. Siguradong babagsak ang respeto ng mga ito sa kanya at iisiping mapapariwara na ang buhay niya. Siguradong iiwasan na rin siya ng mga nakakakilala sa kanya dahil baka mandiri na ang mga ito sa kanya.
Haay.... Sana nga ay hindi na maulit ang ginawa niyang iyon dahil sobrang labag iyon sa loob niya. Konsolasyon na lang na mabait ang lalaking naging kliyente niya at hindi siya nito inabuso virtually at walang inutos na kung anu-ano sa kanya.
Pero kahit saang banda tingnan ay mali pa rin ang ipinagawa sa kanya ng Nanay niya. Kahit kumita sila ng malaking pera, habang buhay nang magiging madilim na parte ng nakaraan niya ang ginawa niya.
MAKALIPAS ang dalawang linggo....
"Issa, may pera ka pa ba riyan?"
Napalingon siya sa Nanay niya habang naghahanda siya ng pagkain sa hapagkainan. Maaga siyang naghanda ng dinner nila ngayon dahil pangalawang araw na ng final exam nila bukas. Tapos na rin siyang magreview sa lahat ng subject pero magrereview ulit siya mamaya sa ii-exam nila bukas bago siya matulog.
"Po?" Narinig niya ang tanong nito pero hindi lang siya makapaniwala.
Nalaman niyang tatlumpong libo pala ang ipinadala sa kanya ng naging kliyente niya dahil nakita niya ang resibo sa kwarto ng Nanay niya.
Binigyan lang siya nito ng limang libo. Kung susumahin niya, halimbawang nagbigay ito ng renta kay Aling Cora ng tatlong buwan ay 9 thousand lang ang nabawas sa pera nito dahil tatlong libo ang renta nila kada buwan.
Hindi rin naman ito gumastos sa bahay nila sa loob ng dalawang linggo, kaya nakakapagtakang naubos agad ang pera nito...?
Hindi man nito sinasabing wala na itong pera pero iyon ang pagkakaintindi niya sa pupuntahan ng tanong nito.
"Sabi ko kung may pera ka pa ba diyan? Eh naubos na ang pera ko. Kaya baka pwedeng ibigay mo na lang sa akin ang kalahati ng naitabi mong pera." anito sa tonong pautos.
Sobra siyang nadismaya sa sinabi nito. Malamang ay inubos lang nito ang pinaghirapan niyang pera sa mga bisyo nito. Ang perang iyon ay kapalit ng dignidad niya! Pero parang wala lang na nilustay nito iyon. Hindi na nito naisip ang hirap at kahihiyang pinagdaanan niya sa sarili niya para lang kitain iyon. Hindi na nito naisip ang sakripisyo niya para kitain lang iyon.
Siguro tama nga ang sabi nila, na kapag hindi mo pinaghirapan ang isang bagay ay madali lang ito sa iyong mawawala dahil hindi mo alam ang tunay nitong halaga.
"N-Nay, eh, dalawang daan na lang po ang ntitira. Pambili na po iyon ng bigas at ulam sa mga susunod na araw." Pagsisinungaling niya. Ang totoo ay may dalawang libo pa siya. Hindi rin naman kasi siya tumitigil sa pagtitinda ng kung anu-ano sa iskwelahan kaya may kinikita pa rin siya kahit papaano na nakakatulong din sa mga gastusin nila.
"Ano?! Ang bilis mo namang naubos ang pera! Hindi naman kamahalan ang mga binibili mong pagkain ah! Akin na nga yang dalawang daan mo!" Galit nitong sabi sabay lahad ng kamay sa harap niya.
"P-Pero Nay, mawawalan na po tayo ng panggastos--"
"Dodoblehin ko iyan! O baka triple pa! Kaya akin na!"
Wala na siyang nagawa kundi pumunta sa kwarto niya at kinuha ang coin purse niya.
Pero sinundan pala siya ng Nanay niya at agad nitong inagaw ang lalagyan niya ng pera.
Masama ang timpla ng mukhang hinugot nito mula roon ang dalawang daan at ang natira na lang ay mga barya.
Mabuti na lang talaga at naisipan niyang itago ang ibang pera niya sa lumang sapatos niya! Naisip na rin kasi niyang baka hanapin ng Nanay niya ang pera sa kanya. Ayaw niya sanang magsinungaling dito pero sila lang din ang mahihirapan, lalo na siya, kung mawawalan na naman sila ng panggastos lalo na ng pambili ng pagkain nila.
Ni hindi nagpasalamat sa kanya ang Nanay niya nang lumabas na ito ng bahay nila, hindi na rin ito kumain. Tssk. Nalululong na talaga sa sugal ang Nanay niya. Malungkot na lang siyang napangiti sa nangyayari sa buhay niya.
Kinabukasan ay maaga pa rin siyang pumasok sa paaralan. Grade 9 pa lang siya ngayon at ilang taon pa siyang mag-aaral. Ngayon pa lang ay parang napapagod na siya. Pero kakayanin niya! Magsisikap siya para sa kinabukasan nila ng Nanay niya!
Pagkauwi sa bahay ay nadatnan niya ang Nanay niya na nakapangalumbaba sa sala. Ang hula niya ay natalo na naman ito sa sugal.
Bakit kasi sinasayang pa nito ang pera sa pagsusugal? Kung iniipon o itinatabi na lang kasi nito iyon ay magiging kapaki-pakinabang pa.
"Issa, kumusta ang exam?" literal siyang napanganga sa tanong nito.
Ngayon lang kasi ito nangumusta tungkol sa pag-aaral niya!
"Ayos naman po 'Nay, hindi naman po ako masyadong nahirapan sa pagsagot." Nakangiti niyang sagot dito.
"Dapat lang! Aba sayang din ang nagagastos mo sa iskwelahan! Kung nagtatrabaho ka na lang kasi ay kumikita ka na sana ng mas malaking pera." Nakaismid nitong wika na agad ikinabura ng ngiti niya.
Pinilit na lang ulit niyang ngumiti rito bago nagpaalam para magbihis.
Akala pa naman niya ay nagbago na ang Nanay niya at narealize na nito ang mga mali nitong ginagawa. Pero hindi pala. Parang ipinapamukha lang nito sa kanya na lalo silang nahihirapan dahil sa pag-aaral niya.
Habang nagbibihis naman siya ay narinig niya ang boses ni Aling Cora sa labas ng bahay nila.
"Alma! Alma! Ang sabi mo ay bubuuin mo na ang bayad noong isang linggo. Pero ano?! Nganga?! Hoy Alma! Lumayas na lang kayong mag-ina kung hindi ka magbabayad ng buo ngayong linggo! Letche!! Salot kayo sa negosyo ko!"
Napanganga siya sa sigaw ni Aling Cora. A-Ang perang kinita niya.... Halos naubos lang sa bisyo ng Nanay niya?? Hindi siya makapaniwala! Bigla na lang siyang napaiyak sa sobrang frustrasyon niya!
Medyo natagalan siya sa kwarto dahil pinakalma pa niya ang sarili niya. Paglabas niya para maghanda n dinner ay nasa kusina ang Nanay niya at mukhang hinihintay talaga siya.
"N-Nay... akala ko po babayaran mo na si Aling Cora?" Hindi niya napigilan ang sariling tanong dito.
"Binayaran ko naman ah! Kaso, hindi buo. Hayaan mo at kikita ulit tayo ng malaking pera sa susunod." May inis nitong sagot sa kanya.
Bigla siyang kinabahan! Hindi kaya ipagawa ulit sa kanya ng Nanay niya ang pag-eentertain ng isang lalaki sa internet??
"Bukas Issa, maghanda ka at gagawin mo ulit iyong ginawa mo dati. Madali mo na iyong magagawa kasi nagawa mo na noon."
"P-Pero Nay, ayaw ko na po..." Nagpapakatotoo niyang tanggi at agad namang nagngalit ang hitsura nito.
"At ano, hahayaan mong palayasin tayo dito? Saan na tayo titira, aber?!" Sigaw nito sa kanya kaya napalundag siya sa gulat.
"N-Nay, exam ko pa po bukas--"
"Bwisit na exam na yan! Anong oras ba yan matatapos?" Galit pa nitong tanong.
"Hapon na po, alas singko siguro..."
"Lintik naman, oh! Di bale. Basta bukas pag-uwi mo ay gagawin mo ang ipinapagawa ko sa iyo. Nagkakaunawaan ba tayo, Issa?" Istrikto nitong tanong sa kanya.
Tumango siya rito pero sa loob-loob niya ay nakapagdesisyon na siya.
Lalayas na lang siya at makikipag-sapalaran sa buhay nang mag-isa dahil mukhang wala naman nang pakialam sa kanya ang Nanay niya. Puro sarili na lang nito ang iniisip nito! Hindi na siguro siya mahal nito.
Kaya bago pa maubos lahat ng respeto niya sa sarili niya ay kailangan na niyang lumayo sa Nanay niya at isipin naman ang ikabubuti niya. Siguro, kapag umalis na siya ay maiisip na ng Nanay niya ang mga mali nito at sana ay magbago na ito.
Hindi na niya maaatim na magpabastos sa kung kani-kaninong lalaki! Mabuting mamatay na lang siya kesa pagpiyestahan ang katawan niya ng kung sinu-sinong lalaki!
At ang totoo ay tapos na kanina ang final exam nila. Pinababalik na lang sana sila bukas dahil may kailangan lang daw silang pag-usapan at kunin sa school.
Bahala na! Basta't bukas na bukas din ay lalayas na siya...