1: The Arrogant CEO

1403 Words
"THAT'S it? Well, I'm sorry to say this pero... kung ganyan lang ang proposal na maibibigay mo sa'kin, better to hand me your resignation letter first thing in the morning. Unless you want me to terminate you 'right?" Patlang. Tumahimik ang lahat ng tao na nasa loob ng conference room na 'yon. Ang lahat ng nakaupo sa mahabang mesa ay nag- uusap lang sa pamamagitan ng makahulugan na tingin sa isa't-isa. Sanay na ang mga ito. Kabisado na nila ang CEO. Ang CEO na tila hari na prenteng nakaupo sa kaniyang trono, smug lang ang expression ng mukha na nakatingin sa kanila, kahit alam na alam nito sa sarili na lason ang pinakawalan na mga salita. An arrogant beast. Kilala sa mundo ng negosyo sa pag- uugali na gano'n. Ang pinsan lang nito na si Elice ang pumuputol ng sungay nito from time to time. Sungay na palagian na pinapakita sa mga empleyado. Sa mga empleyadong mga tanga para rito. "HEY, hey, don't touch me!" Ang pamilyar na tinig na 'yon ang bumasag sa sandaling katahimikan na namayani sa function room. Tulad sa mga palabas sa telebisyon, may eeksena sa gitna ng meeting. Pero dahil hindi 'to programa sa TV, hindi niya obsessed girlfriend ang ngayon ay awat na ng mga civilian guards na makapasok sa conference room. Yep, civilian guards ang umaawat dito at hindi ang sec niya. Dahil ang secretary ng CEO ay hindi maaaring umalis kung sa'n ito nakatayo habang hineheld ang meeting. "I need to talk to you Alejandro. Now. Not later, not after this fvcking meeting," asik ni Elice Sandoval sa CEO. 'Gaya ng inaasahan niya, ang pinsan nga niya ang bagong dating. Kaya nga 'to nakakapasok do'n kahit kailan nito gustuhin. Because unlike in the TV scenes, you cannot enter a big company like this without a prior notice. Kalokohan na nakakapasok ang isang baliw na babae at susugurin ang CEO, tulad sa nabanggit niyang palabas sa telebisyon na madalas panoorin ng kaniyang ina noon. "How sweet of you as always, Eli." Magkalapat ang braso sa dibdib na sarkastikong sabi niya sa pinsan. Pinaling niya ang tingin sa lahat ng naroon, at alam na ng mga 'to ang kasunod na sasabihin ng CEO, "Meeting adjourned." Nakita pa ni Alejandro na nangunguna sa paglabas ng conference room ang employee na nagprisinta sa gitna kanina, pagkasabi niya ng dalawang salita na 'yon. Napailing siya. Ang mga taong tulad nitong tatanga-tanga ay napakadaling sindakin. "Talk," aniya sa pinsan nang sila na lang dalawa ang naiwan do'n. "Who told you to terminate an employee like Tatay Pio? Alejandro, two months na lang retirement na niya." Sabi na nga ba ni Alejandro. Hindi pa man ay alam na niya ang pakay ng pinsan. "Elice Sandoval, who told you to disturb my meeting anytime you wanted, just to ask me a s**t question like that?" "Please, Alejandro. Ibigay mo na sa'kin 'to, Tatay Pio badly needed a job. May sakit ang asawa niya kaya kinailangan niyang umuwi that day," pakiusap pa ni Elice sa kaniya. "Elice, the last time I checked, si Tito Franco pa rin naman ang tatay mo." Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya si Elice. Hinarap ni Alejandro ang picture window, kung saan matatanaw ang maliliit na gusali na katabi ng Don's Boys Company. What an exquisite sight.... "Oh, please! Alejandro, spare me your sarcasm!" Napabuga ng hangin si Alejandro. To be honest, napipikon na siya kay Elice-- and oh, don't get them wrong. Normal ang ganitong eksena sa kanila ng pinsan niya. Normal na kasi kay Elice ang pagiging maawain. So, Alejandro normalized this kind of a scene between them as well. "Alejandro, please, I'm begging you..." Ah, oo. Hindi pa talaga 'to tapos. Sabagay, wala namang bago sa ugali nitong 'yon. Muli niyang nilingon si Elice. Unfortunately, this brat is related to him by blood. Kaya kabisado na niya 'to. Isa sa ugali na maikakabit mo kay Elice Sandoval: If she want it, she would take it. "Gaano mo kagusto ang bagay na pinapakiusap mo sa'kin ngayon, Elice Sandoval?" "Keyword, Alejandro: I'm begging you." Oo nga naman, 'pag ginamit na nito ang salita na 'yon, gustong-gusto ng heredera na makuha ang pinapakiusap na alam nito na tanging siya lang ang may power na makakapagbigay. "Okay, let's say... you can celebrate now---" "Thank you!" Agad rumehistro ang katuwaan kay Elice, 'di pa man siya tapos sa sinasabi niya. See? His cousin is one of those heiress na pasasakitin ang ulo mo sa isang pabor na hihilingin na parang humingi lang ng isang candy. Pero hindi niya 'to pagbibigyan ng basta gano'n na lang this time... "But tell me, what is the catch?" "Fvck. You. As always, Alejandro Sandoval." Malapad na ngiti lang ang sinagot ni Alejandro sa pinsan-- na mas lumapad pa nang unti-unti niyang nakita kung paano mamula ang magandang mukha ni Elice sa gigil sa kaniya... Of course, wala nang libre ngayon. Lalo pa at ang hinihiling nito ay hindi naman gano'n kasimple. Pagbawi sa desisyon na naibigay na. Desisyon ng CEO. At alam nito na hindi 'yon gano'n kadali para sa isang Alejandro Sandoval. "GOOD MORNING, Pio," bungad na bati ng CEO sa mensahero ng kompanya niya na si Pio. Sa dami ng employee na makakasalubong sa hallway, si Pio pa talaga ang bumungad sa umaga niya. "Sir, magandang umaga po. Salam--" "Cut that s**t, and remember this: when someone greeted you, that someone expecting nothing else from you but to be greeted back." "Hayu-" "Tatay Pio!" Ang pagdating na 'yon ni Elice ang pumutol sa sasabihin pa sana ni Pio. Nginisian niya si Pio. "Tsk, 'pag sinusuwerte ka nga naman talaga, Pio..." Suwerte pa rin ni Pio talaga at hindi nito natuloy ang dapat na sasabihin sa kaniya. Tinalikuran na niya 'to. Mas marami pang mas makabuluhan na bagay siyang dapat gawin kaysa ang asarin 'to. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng company niya, all is well. Ang lahat ay busy, walang hindi. Mas lalong walang nagbi-busy-busyhan lang. Saka siya nagdesisyon na sumakay sa private elevator na maghahatid sa kaniya sa sarili niyang opisina. "Kumusta po kayo?" Dinig pa ni Alejandro ang pangangamusta ni Elice kay Pio, bago sumara ng tuluyan ang elevator. Napailing na lang si Alejandro. "Stupid brat," naiirita na bulong niya sa sarili. Kung magpapatuloy ang pinsan niya sa gano'ng gawain, napakalayo pa ng lalakbayin nito para sa titulo. Dahil sa negosyo, hindi p'wedeng maaawa ka na lang parati. Hindi maaaring 'pag wala ng silbi at hindi na nagagawa ng maayos ang trabaho, hahayaan mo pa ang taong 'yon na magtrabaho sa'yo. Hindi 'yon makakatulong sa paglago ng negosyo. Mga taong tulad ni Pio. Mga walang alam. Hindi nito kahit kailan mauunawaan ang damaged sa company ng pag- delay nito sa isang sobre. Kung bakit kasi pinapahalagahan pa ang mga mensahero na tulad ni Pio sa panahon ngayon na digital na ang lahat ng bagay. Dagdag lang sa mga pinapasahod. Poor quality of work-- ano ba ang hindi malinaw ro'n? Naniniwala naman si Alejandro na taliwas sa alam ng lahat, hindi siya basta gano'n na lang kung mag- alis ng employee. Tine- terminate lang niya ang mga tulad ni Pio na pumapalpak na sa trabaho. Bibigyan ka nang dahilan na may sakit si ganito, ganyan. Ipapadala na lang ang dapat ipadala, ide-delay pa. Simple na lang ng trabaho, hindi pa magawa, ba't pa niya papahirapan? P'wede namang palitan na lang. Hindi mo na nagagawa ang trabaho mo, ba't pa natin papahirapan ang buhay natin pareho? Simple as that. Binibigyan ng halaga ng pinsan niya ang haba ng serbisyo nito sa kompanya, na kesyo for retirement na. Na para namang pinabayaan at pababayaan ito ng company. Masyado nang maraming kapalpakan. Idinadaan na lang sa haba ng pagtatrabaho, tama ba 'yon? Porque mahaba na ang nailingkod sa isang company, akala ay hindi na mawawalan ng trabaho at may DOLE mandate na bawal. Bullshit. Kahit ilan pa ang employee na magpa- DOLE kay Alejandro Zircon Sandoval, kayang-kaya niyang tapalan ang mga 'yon ng pera. Besides, 'yon din naman ang rason kaya sila nagsampa at magsasampa ng case against their employer, in the first place. As if he don't know the drill. "Loyalty, my ass." Mga taong ningas- kugon ang tulad ni Pio. Hindi ginawa ang trabaho ngayon kasi nga may bukas pa naman at hindi natatapos din ang bukas. Sisisihin pa ang kahirapan. Hindi na naisip na sila rin ang nagpapahirap sa mga sarili nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD