Kabanata Dieciséis

1037 Words
"BAKIT gusto mo 'kong makausap?" halos magdikit na ang dalawang kilay niya. Prince Vard sighed, "Paumanhin sa mga nasabi ng aking magulang." "Bakit ikaw ang hihingi ng paumanhin, ikaw ba sila? "Hindi, pero alam kung nainsulto ka sa mga salitang nabitawan nila." "Paano mo nasabing nainsulto ako?" she even chuckled. "Hindi ba? Sumama ang timpla mo kanina. Hindi ka na rin nagsalita o kung ano man—" "Sorry to burst your bubble but I wasn't insulted—hindi ako nainsulto o kung ano man. Kung ano ang sinabi ng iyong magulang ay iyon ang pananaw nila at hindi iyon pananaw ko. Dahil alam kong hindi ako sayang dahil hindi ako maharlika. Mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kanila. Paano ako maiinsulto? Siguro inis at pagkadismaya pwede pa. Dahil ang pananaw nila sa babae ay ganoon kababaw," buong tapang niyang saad. Walang pag-alinlangan kahit na ang kaharap niya ang mga taong ang baba ng tingin sa kanya at sa kababaihan. "Kailan man ay hindi sila humihingi ng paumanhin. Kaya't ako ang naglakas loob na sabihan ka, alam kong marami tayong naging pagtatalo sa loob lamang ng maikling panahon. Hanggang ngayon ay may pagdududa ako sa pagkatao mo. Ngunit ang mga salitang na bitawan ng aking mga magulang ay hindi maganda." Malungkot siyang ngumiti rito, "Isang kahibangan ang humingi ng tawad sa taong wala ka naman nagawang kasalanan. Ngunit salamat pa rin, dahil kahit may pagdududa ka sa 'kin ay naisip mo pa rin na hindi maganda ang mga salitang na bitawan nila." "Sanay na 'ko sa mga masasakit na salita mula sa kanila. Ngunit, ikaw na walang maling nagawa sa kanila ay nakaranas ng pangungutya sa kanila." "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako gagawa ng masama sa kanila. Naiintindihan ko naman na iba ang pananaw nila sa pananaw ko, kaya makakalis ka na, Kamahalan." Nanlaki ang mata ng Prinsipe, "Pinapaalis mo 'ko?" "Bakit? Masama ba?" she asked. Hindi ba nito alam ang personal space ay personal time? Hindi sa lahat ng oras ay nandyan siya upang alagaan at ituon lahat ng atensyon niya rito. Paano ito matututo? "Kailan man ay wala pang taong nakapagsabi sa 'kin na pinapaalis ako!" he spat. From the good Prince, he turned to a mad Prince in just split seconds. Masyado na rin siyang pagod para makipag-usap pa. She was disappointed at what the royals had said and she has no energy to listen to another royal right now. Kung ang pisi ng pasensya niya kanina ay mahaba, ngayon ay hindi na. She meed time alone again, a time for her to free her thoughts, her emotions, herself. "Hindi kita pinapaalis dahil iniinsulto kita. Ngunit nais ko ng oras para sa 'king sarili, nais kung palayain ang aking isipan. Paliparin sa kung saan, at nais ko na rin matulog." "Hindi. Kailangan kita ngayon at bilang iyong amo ay kailangan mo 'kong tulungan!" he said while panicking. She rolled her eyes. "So that's it. May kailangan ka pala kaya ka pumarito. Kaya pala may pa-sorry-sorry ka pang nalalaman!" "Mali! Dalawang rason ang ipinunta ko rito, ang humingi ng tawad at hilahin ka paalis rito dahil may pupuntahan tayo." He was pacing back and forth, halos maduling siya sa kakalakad nito. Iniharang niya ang kamay niya rito. "Teka nga! Pumirmi ka muna, nahihilo ako sa 'yo!" Prince Vard faced her with his pleading eyes. His grey eyes were full of hopes, like her answer will change his whole life. "Kailangan kita upang samahan ako sa tubig ng karunungan!" he said breathlessly. "Ayan na naman tayo sa tubig, may trauma na ko sa tubig! Kaya hindi pwede," tinulak niya ang Prinsipe ngunit hindi ito nagpatinag. Bagkus ay mas binigatan nito ang timbang upang hindi niya ito matulak. Sa inis, she marched away and went to her soft bed. "Bahala ka! Matutulog ako, goodnight!" She even closed her eyes and covered herself with the while blanket. But Prince Vard is too persistent, he pulled away the blanket that is covering her body. He pulled her feet, she yelped when she almost fell in the ground. "Ano ba!" asik niya sa Prinsipe. Ngunit hindi nagpatinag ang Prinsipe. He looked at her with eyes glaring, kung nakamamatay ang tingin nito ay bulagta na siya kanina pa. "Sasamahan mo 'ko o sasabihin ko sa ama ko na ipatanggal ka sa pag-aaral sa Ardeun. Maaari in kitang ipatapon sa kabukiran o 'di kaya ipalapa sa leon." "Alam mo, hindi ba tinuro sa Ardeun kapag hindi, hindi talaga!" halos humaba na ang nguso niya sa inis. "May itatanong ako sa tubig ng karunungan. Kailangan mo 'kong samahan," walang kabuhay-buhay nitong saad. Tila pagod at suko na sa pamimilit sa kanya. Gumulong siya patihaya sa kama, "Ano ba ang tubig ng karunungan na iyan? Bakit kailangan pa nating magbuwis ng buhay aber?" Prince Vard suddenly smiled, "Ito ang sagot sa suliranin ko. Kailangan ko ng malaman kung ano ang kapangyarihan na maibibigay nila." He was pertaining to the God and Goddesses who gives the people of Ardeun power. "Bakit nagmamadali ka ha?" "Kailangan kong malaman dahil ang aking mga magulang ay nagtatanong na, at bilang isang Maharlika dapat mayroon na 'kong kapangyarihan." "Hindi ba tayo mamamatay sa plano mo?" paniniguro niya. Baka hindi ang pag-aaral niya sa escuela ang makapahamak sa kanya. Kundi baka ang plano nilang suwayin ang panahon upang malaman ang katotohanan sa kapangyarihan ng Prinsipe. "Maari nating ikapahamak kapag hindi tayo nag-ingat. At maari tayong malinlang ng mga masasamang espiritu—" "Hindi naman pala sigurado kaya matulog na lang tayo," she suggested. The Prince rolled his eyes, she suppressed her smile. She don't want him to think she was falling to his charms. Pero totoo, malapit na siyang mapa-oo dahil sa mata nitong nangungusap. "Kailangan nating malaman kung may kapangyiran ba 'ko o kung lilitaw ang kapangyarihan ko ngayong buwan. Dahil kung hindi ipapatapon o hindi kaya ialay sa mga diyos." "Magpaalay ka na lang kaya? Nang mabawas naman ang masasama sa mund—" "Missy!" gigil na gigil nitong saad kulang na lang ay sakalin siya nito sa inis. "Fine! Una, bigyan mo 'ko ng limang minuto upang magbihis. Pangalawa may kapalit 'to! Hindi lang kaya to basta-bastang utos ano. Baka ikamatay ko pa 'to!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD