Chapter 3
This chapter is dedicated to Chingqui May Aure Ferre and Lian Lee.
“Sometimes, we tend to love someone because in the beginning, for a petty reason, we hated him/her so much. Later, you will give up. That hate turned to love,”
The old line says, ‘The more you hate, the more you love.”
Wala lang LOL.
Lara
Mapapansin niya pala ako kapag hindi ko siya pinagbibigyan ng atensyon ko.
Great move, Lara Jean, great move.
Sinadya kong sabihin na pogi siya sa suot niya para mas magtaka at maguluhan pa siya. Sabagay, gwapo naman talaga siya kahit ano ang isuot niya.
Linggo ngayon at whole day na naman ako sa bakery. Inaasahan kong whole day rin siya kaya mas maraming pagkakataong makaksama ko siya.
Nagsuot ako ng maong skirt na hanggang tuhod at nakatuck dito ang blouse kong dilaw. Kita ang hubog ko kaya for sure ay mapapansin niya ako.
Ako muli ang tumao sa harapan at as usual ay si Leo ang nasa counter.
Dagsaan ang bumibili sa oras na pasado alas siyete kaya nakita niyang medyo nahirapan ako. May mga take out kasi at memeryendahin na mismo sa harapan.
“Ako na ang mag-aasikaso ng mga orders ng dine-in. Ikaw na sa take out,” wika niya sa tabi ko.
Nakasuot siya ngayon ng ripped jeans at puting plain t-shirt. Naka sandals lang din siya kaya parang ang bango bango niya lang talagang tingnan.
Mula sa kinatatayuan ko ay kinuha niya sa harapan ko ang isang sando plastic bag kaya’t tumapat sa mukha ko ang kaliwang braso niya.
Amoy na amoy ko ang sabon niya. Sure na sure akong Bioderm Pink ang gamit niyang pink dahil napaka unique ng amoy nito. Halos inaamoy ko na ang kamay niya sa moment na ito pero pumitik siya sa hangin.
“Huuyy. Kilos na,” siya.
Natauhan ako.
“Ah, sige po,” kaya sinimulan ko nang kunin ang orders ng mga customers.
Isa, dalawa, tatlo…
Sunud-sunod ang mga bumibili kaya wala rin kaming hinto sa pagbibigay ng orders nila. Halos maubos na ang mga tinapay sa stante kaya panay ang dala ng mga tauhan ng mga bagong baked na tinapay.
Habang naghihintay ako ng orders ay hindi pa tapos magserve si Boss Leo sa mga babaeng hitad na sinasadya yatang isa-isahin ang orderin para naman magpabalik balik sa kanila si Boss.
Nakakainis lang na parang gusting gusto niya naman. Tinititigan ko lang siya ng MEDYO masama nang nakangiti pa siyang pabalik sa tabi ko.
“Boss ako na lang ang kukuha ng orders ng mga magmemeryenda tayo. Ikaw sa take out,” pagpepresenta ko.
“Okay lang. Nae-enjoy ko naman,” pagtanggi niya.
Ttttssss. Nae-enjoy mo kasi may mga babaeng halos mangisay sa kilig dahil sa ngiti mong ayaw mong ibigay sa akin.
May babaen lumapit na mula sa hinatiran niya ng juice kanina.
“Pogi, patake out naman ako ng pandesal mo,” malanding pagkakasabi ng babae.
Tiningnan ko si Boss Leo na parang sinasabi kong “Akon a ang bahala sa take out di ba?”
Pero siya ang umasikaso. Nakatameme lang ako sa tabi niya habang panay ang hawi ng babaeng blandina sa buhok niyang parang sunog na sa kapapastraight.
Nakakainis!
“Pogi, ano na ulit ang pangalan mo?”
Ate, pasimple ka na. Hindi na yung pandesal ang gusto mong bihlin. Si Papa Leo na.
Pwede ba Leo? Tumanggi ka naman?
Nagsusumigaw ang damdamin ko.
“Leo, miss,” nakangiti niyang sabi habang naglalagay ng pandesal sa plastic.
“Masarap ba iyang pandesal mo Leo?” maharot talaga.
“Masarap ito. Babalik-balikan mo. Mainit-init pa,” may pagkamanyak ang smile niya at yung titig niya, siyemmmsss. Pag ako ang tinitigan niya ng ganoon ewan ko na lang kung hindi ako mangisay.
Pero hindi ako. Hindi sa akin. Kundi sa babaeng hitad na ito.
“Bayad niyo po. Baka po makalimutan,” bigla kong sabad sa pagitan ng pag-uusap nila.
“Ah eh. Heto oh. Keep the change,” nakangiti pa sa akin ang babae.
Inaasar niya ba ako?
“Hindi po pwedeng keep the change dito miss. Para sa amin ay dapat mas masusulit ng customers ang stay nila at ang serbisyo naming. Kaya HANGGAT MAAARI ay ineentertain namin kayo ng BUONG PUSO PARA BUMALIK KAYONG MULI, Hindi ba BOSS? Kay, hindi po pwede ang KEEP THE CHANGE,” may diin ang bawat salita ko at ewan ko kung konektado ba ang mga sinabi ko sa keep the change ng lintang ito.
“Tama, kaya dahil maganda ang customer, dadagdagan ko ng isa ang pandesal,” at dinagdagan nga niya ng isa yung nasa supot.
Tiningnan ko lang sila at para lang akong asong umalis na lang bigla at kumuha ng panukli sa perang ibinigay niya.
Pag-alis ng babae ay nakatayo pa rin siya sa tabi ko. Nakangiti pero hindi sa akin.
Abah. At gustong gusto ng loko na tinatawag siyang pogi.
Maya maya ay dumating si Adrian para bumili ng tinapay.
“Ang pogi natin ngayon brad ah,” bati ko sa kanya na parang tropa niya akong lalaki.
Naka-itim siyang t-shirt na medyo fitted at light blue jeans at nakasapatos ng puti.
“Tindahan ba ito ng bola-bola?” nakangiti niyang bati sa akin.
“So, saan punta mo niyan?” tanong ko.
“Maya maya ay pupunta ako sa bayan para magsimba. Pero ibibilhan ko lang ng pandesal yung mga kasama ko sa bahay. Tulog pa eh,” wika niya.
“Ang bait mo naman serr, at ang pogi mo pa. Ilang pandesal ba?” nakangiti kong sabi sa kanya.
“Sa halagang sngkwenta lang po miss beautiful,” wika ni Adrian.
Nakangisi lang sa kawalan si Boss Leo habang pinakikinggan kami.
“At dahil regular customer ka, may pa-additional na isa,” dinagdagan ko rin ng isang pandesal ang nasa supot niya.
“Wow naman. Salamat miss beautiful,” sabi niya saka iniabot sa akin yung bayad.
“Kitakits bukas brad,” sumaludo pa ako sa kanya.
Ngumiti naman siya at tinaas baba ang kilay.
Maya maya ay isinandal ni Boss Leo ang mga siko niya sa ibabaw ng stante.
“Tinawag lang na Miss Beautiful dinagdagan na ng isa. Haayyyy buhay,” nakatingin siya sa labas at hindi sa akin.
“Bakit Boss? Hindi mo rin ba ginawa kanina?” kinompronta ko siya dahilan para lumingon siya.
“May sinabi ba akong masama?” seryoso ang tingin niya kaya bigla akong nagsisi.
“Para po kasing nagpaparinig kayo ngayon lang,” binawi ko ang tingin ko saka ako nag-ayos ng mga bagong lagay na tinapay.
“Siyempre ay may karapatan akong magdagdag ng pandesal sa customers dahil pagmamay-ari namin ito,” masungit at mahina niyang sabi.
Para bang sinasabi niyang porque tauhan ako ay wala akong karapatan. Hindi ito maaari.
“Sa tingin ko naman po, BOSS, hindi porque kayo ang may-ari ay hindi na rin maaaring magdagdag ang tauhan. PArehas lang po tayong tumatao dito kaya wala po dapat diskriminasyon,” sinagot ko na siya.
“Sa tingin ko kasi ay hindi sa ganun yun. Sa tingin ko ay nagagalit kang kinakausap ko ang mga babaeng customers kaya ka gumaganti,” maya maya ay mas lumapit siya para matitigan ako.
“Tatawa na po ba ako sa joke mo? Bakit ako magagalit eh wala naman akong pakialam kung kausapin mo lahat ng babaeng customers dito. Kahit nga i-for FREE mo nap o lahat sa kanila, wala pa rin po akong pakialam. Para lang po tawagin ka nilang pogi ay pwede niyo na pong ipagpalit ang buong bakery,” mahaba kong litany.
“So, lumalabas na nagagalit ka nga talaga MISS LARA,” may diin ang bawat salita niya.
Oooppsss. Tunog –galit ba yung pagkakasabi ko?
Mali ito.
“Alam mo boss, tama na po,” ako na ang susuko dahil hindi ako mananalo sa kanya.
Eksakto naming dumating yung lalaking nangunguha ng number.
“Hi Miss Beautiful. Pwede ikaw ulit ang magbenta sa akin?” request nito.
“Sig---,” hindi na ako nakapagsalita ng deretso dahil sumabat si Boss Leo.
“Lara, dun ka na lang sa counter. Akon a ang bahala dito,” ma-autoridad ang boses niya na hindi pwedeng hindi ko sundin.
“Pero Boss,” tatanggi sana ako.
“Pag sinabi kong doon ka, sumunod ka,” nakatitig siya sa akin.
Bakit ang bilis niyang magbago ng mood?
Napaka bi-polar ng lalaking ito. Ayaw niya ba akong nilalandi ng iba?
Parang may bago ah.
Naglakad ako palapit sa counter.
“Diyan ka lang,” wika niya pero ang nagregister sa utak ko ay:
“Akin ka lang,”
Kaya ang sinagot ko ay,
“Opo, sayo lang ako,” nabigla ako sa sinabi ko kaya tinakpan ko kaagad ang bibig ko.
Gosh. Narinig niya ba?
“Ano kamo?” lumingon siya.
“Wala po. Wala po,” ako.
Gosh Lara. Back to sweet revenge plan. Huwag kang pagagapi. Huwag sumuko.
Laban lang Alaxan.
LUNCH BREAK
“Boss, kain na ho,” pag-anyaya ni Lorena kay Boss Leo na nasa may upuan sa tapat ng stante.
“Sige lang. Mauna na kayo. Salitan na lang,” sabi niya habang nakatingin lang sa cellphone niya.
“Kakain na po muna ako,” paalam ko.
“Sabay na tayo,” hindi siya tumitingin pero alam kong kunwari lang ay nakatingin siya sa cellphone.
Napahinto naman ako sa pagtayo.
“Nagugutom na po kasi ako. Napaka-aga kong nagising” reklamo ko.
“Simula ngayon, kung ano ang sinabi ko, pwede yun lang ang susundin mo?” malalim ang boses niyang nakakatakot suwayin.
Grrruuuugggg Krrrrroowwkkk.
Tumutunog na ang tiyan ko dahil sa gutom. Five thirty ako nag almusal at hindi pa ako nagmemeryenda dahil sa dami ng bumibili. Eleven Thirty nan g tanghali kaya sure na sure akong nag-aalburoto na ang mga alaga ko sa tiyan.
“Upo. Sabay tayo kakain,” pag-uulit niya.
Para naman akong robot na sumunod sa gusto niya.
Maya maya ay kumuha siya ng tinapay sa stante. Tatlong hopia tapos inilagay niya sa tapat ko.
“Tikman mo nga itong timpla ko sa hopia kung maayos ang lasa?” ayaw niya pa ring tumingin sa mga mata ko.
Teka, dahilan niya lang ba ang titikman ko o concern lang siya sa akin sa gutom ko?
“Boss, kung titikman ko lang, bakit tatlo pa?” nagtatakang tanong ko.
“Hindi mo malalasahan ng husto kapag isa lang neneng,” tumalikod siya at bumalik sa kinauupuan.
OOOWWSSS. Talaga ba?
“Bakit sa akin niyo po pinatitikim?” maya maya ay tanong ko.
“Natural, ikaw lang ang nandito ngayon. Nabobo ka na ba?” pagsusungit niya.
Weeeehhh? Pasimple ka lang eh.
Kinuha ko ang isang piraso ng hopia saka ko kinain.
In fairness, masarap at sakto lang din ang tamis.
“Ano, kumusta? Masarap ba?” maya maya ay tanong niya.
‘Ang alin po?” tanong ko.
“Ano bang kinakain mo?” masungit niyang tanong.
“Ah ito po ba? Sakto lang po. Mabili naman kaya no worries,” nag okay sign pa ako.
“Isa pa lang nakakain mo, okay na agad?”
So inoobserbahan niyaq ako? Hindi naman siya nakatingin ah. Paano niya nagagawa iyon mula lang sa peripheral view niya? Masakit yun sa mata.
Mabubusog na ako sa tinapay. Gusto ko ng kanin. Ang tagal naman nilang kumain.
After mga ten minutes ay lumabas na si Lorena.
“Sir, kain na ho kayo. Ako na po muna dito. Lara, kain na,” wika ni Lorena.
Tumayo na si Boss Leo.
Tumayo na rin ako.
Wala kaming kibong pumunta sa kusina.
Naupo siya sa isang silya. Nakita ko na ang ulam ay piritong galunggong at sinabawang gulay.
Kumuha ako ng plato sa lagayan at pati na rin ng kutsara at tinidor.
Mauupo n asana ako sa tapat niya nang masalita siya.
“Nasaan ang plato, kutsara at tinidor ko?” tanong niya.
Abah. Ako pa talaga ang kukuha? Wala ba siyang mga paa at kamay para tumayo at kumuha ng gagamitin niya sa pagkain?
“Paano ako kakain? Ang selfish mo naman,” naiinis niyang wika.
Nananadya ba siya?
Hindi ako kumibo at kinuhanan na lang siya ng pinggan, kutsara at tinidor. Saka koi to inilapag sa harapan niyang lamesa.
“May ipag-uutos pa po ba kayo, Boss?” naiirita kong tanong.
“Lagyan mo ako ng kanin at ulam,” nakatingin lang siya sa cellphone niya.
“Wala po ba kayong mga kamay?” naiinis na ako.
“Ayaw mo bang pagsilbihan ako?” maya maya ay tumingin siya sa akin.
“Ang pagkakaalam ko kasi ay hindi mo ako yaya,” namewang ako sa harapan niya.
“Hindi ba’t nag-agree ka sa sinabi kong mula ngayon ay susundin mo lahat ng sasabihin ko?” napakalumbaba siya sa mesa.
Nakakunot ang noo niyang nakatitig lang sa akin na para bang sinasabi niya:
“Sige na Lara, pagsilbihan mo na ang gwapong boss mo,”
Sa inis ko ay wala akong magawa kundi gawin na lang iyon para makakain na rin ako.
Kinuha ko ang sandok ng kanin at nilagyan ang plato niya.
“Pinatataba mo ba ako?” tanong niya nang damihan ko ang laman ng plato niya.
“Para po hindi na kayo manghingi mamaya boss,” umirap ako.
“Lagyan mo ako ng sabaw sa tasa,” utos niya.
Mauubos na talaga ang pasesnya ko sa lalaking ito.
“Wala na po ba seniorito?” tanong ko.
“Siyempre mahihirinan ako kapag wala akong tubig. Gusto ko ng mineral water. Kuha ka sa ref sa bakery. Dalian mo,” napakademanding lang ng utos niya.
Gusto ko na talaga siyang kalbuhin. Naaasar naman ako dahil sumusunod lang ako sa mg autos niya.
Lumakad ako palabas ng kusina at kumuha ng tubig sa ref.
“Oh sis. Bilis mong kumain ah?” wika ni Lorena.
“Nagpapakuha ng tubig yung lumping boss natin,” naiinis kong sagot.
“Hahaha. Ganda ka girl?” natatawa niyang tanong.
“Nagtitiis lang talaga ako sa kagaspangan ng damuhong iyan eh,” itinuro ko pa ang kusina gamit ang mineral water.
“Chillax lang sis. Mauunat ulit yang kulot mong buhok niyan,” wika niya.
“Isang isa na lang talaga, babasagin ko na ang itlog niya at ihahalo ko sa mamasahin kong tinapay next week,” huminga pa ako ng malalim.
“Easy ka lang girl. Huwag mong gagawin iyan. Kawawa naman ang mga bata,” hinimas niya pa ako sa likod.
“Sige na bumalik ka na doon at baka hinihintay ka na ni Boss Pogi,” nakasmile pa siya.
Kanino ba siya kampi?
Naiinis akong bumalik .
Pagbalik ko ay prente siyang kumakain.
“Salamat,” sabi niya. Puno pa ang bibig niya ng pagkain at saka niya binuksan ang dala kong mineral water.
“May laway ko iyang tubig mo. Para sa susunod ay maging mabait ka naman sa akin,” naiinis kong sabi habang umiinom siya.
“Hoooohh. Ganun ba? Ang sarap ng laway mo ha? Nakakapawi ng uhaw. Patikim nga ulit?” inilapit niya pa ang mukha niya sa akin dahil kahit nakaupo siya ay maaabot niya lang ang mukha ko.
“May ipag-uutos pa po ba kayo? Dahil nagugutom na ako,” this time seryoso nan g todo ang galit ko.
“Inuutusan kitang kumain na,” saka siya bumalik sa pagsubo.
Pagtingin ko naman sa pinggan ko ay nagulat ako.
May laman na itong kanin, isang piritong isda at sa tabi ay may tasang may sinabawang gulay. May tubig na rin ako sa baso.
Shocks. Siya ba ang naglagay nito?
Hindi ko maintindihan. Anong trip niya?
“Akala ko ba nagugutom ka? Kain na,” alok niya. Ang cute lang kasi namumukol pa ang pisngi niya.
“Bahala ka baka maubos ko pati yang pagkain mo,” saka siya nagpatuloy sa pagkain.
Kaya ba niya ako inutusang kumuha ng tubig?
Jusko, nahuhulog na ba ako sa bitag ni Leonardo Del Monte?
Help me!
Salamat po sa mga naghintay. Pasensya ito lang po ang kinaya ko.
Good night!