Chapter 4
“In our lives, there are some thoughts that we really cannot avoid. The same is true with the fact that there are some feelings that we really cannot deny. Actions speak louder than words as the old saying says. The way we look and act can never lie.”
-Author
Leo
HINDI ako sigurado kung anong mayroon itong babaeng ito pero ang alam ko ay natutuwa akong pinagtitripan ko siya. Nakakawala ng bagot sa maghapong pagtatrabaho ko sa aming bakery.
Ang sigurado lang ako ay sobra siyang nababad trip sa akin. Wala akong pakialam kung magwala siya o sigawan ako. Basta masaya akong naaasar siya.
Simula ngayong araw ay susunod siya sa lahat ng gusto ko. Pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng paggawa sa lahat ng utos ko mula pa kanina.
Tapos na akong kumain. Siya, kumakain pa rin. Pinagmamasdan ko ang cellphone ko habang pasulyap – sulyap lang sa kanya.
Ang dami kong texts. Ang ilan ay galing sa mga barkada. Ang karamihan ay sa mga babaeng naghahabol ng round two. Puyat ako at may kaunti pang hang over mula kagabi kaya wala ako sa mood ngayon makipaglabing-labing.
“Bilisan mong kumain. Ang tagal mo,” sinita ko siya.
“Mauna ka na po kasing bumalik doon. Huhugasan ko pa itong pinagkainan,” wika niya habang sinisimot ang isdang nasa plato niya.
“Sabay tayong pumasok, sabay din tayong lalabas,” pilyong tugon ko.
Inirapan niya lang ako.
Abah. Marunong na ring mang-irap itong bubwit na ito.
“Hoy, bubwit. Kailan ka pa natutong umirap? Gumanda ka lang, umarte ka na,” muntik ko siyang batuhin ng kutsara.
“Wala kang pakialam,” saka niya ulit ako inirapan.
“Isa pang irap mo sa akin, makakatikim ka na,” pagbabanta ko.
“Anong matitikman ko?” abah at binibwisit ako.
“Sinusubukan mo yata ako. Baka magsisi ka,” sumandal akong muli sa silya.
“Diba nga sabi ng utak mo na dead na dead ako sayo? So bakit ako magsisisi kung makakatikim ako sayo?” dirediretsong sabi niya.
Napainom akong muli ng tubig sa bote sa gulat ko sa mga sinabi niya. Nahuli niya ako dun ah.
Sumasakit ang puson ko sa bulilit na ito. Masama ito kapag nagkataon. Wala akong pagbabalingan.
Wala akong masabi. Haaayyyssttt. Bwisit.
Tumayo ako at tiningnan siya ng masama.
“Hugasan mo na rin pati pinagkainan ko. Dalian mo diyan. Ang takaw takaw hindi naman tumatangkad,” saka ko siya tinalikuran at bumalik sa harapan.
Paglabas ko ay nakasalubong ko si Lorena na parang nakikinig mula sa pintuan.
“Ah eh, serr, tapos na kayong kumain?” tanong niya.
“Sabihan mo yung kaibigan mo, huwag paiinitin ang ulo ko baka--,”
Napahawak ako sa bewang ko. Ayaw kong hawakan ang puson ko dahil nahihiya akong malaman nila na… F*ck, may nararamdaman ako mula doon sa parteng iyon. Masamang pinagaalburoto ang bagay na nandoon.
“Baka ano po?” pag-uulit niya.
“Alam niya na iyon,” saka ako naglakad papuntang counter.
Habang nakaupo ako ay nagpapabalik balik sa akin yung pagsasalita niya, yung paraan ng pagkain niya at kung paano siya umirap. Hindi lang ang pang-itaas na ulo ko ang nag-iinit.
Naiimagine ko yung mga labi niya. Yung pagnguya niya.
F*ck. Nilamukos ko ang mukha ko sa pamamagitan ng aking mga palad.
Masama ito.
At dahil ayaw kong manigas na lang sa counter ay umuwi muna ako saglit.
“Hooyy. Bubwit, ikaw muna dito, uuwi lang ako,” sabi ko sa dagang nasa harapan.
“Fine,” hindi siya tumitingin.
“Tumingin ka sa akin pag kinakausap kita,” masungit kong wika.
Tumingin siya sa mga mata ko. Para akong mas nanigas sa mga tingin na iyon. Sh*t, masama ang tama ko.
“Sige na,” umiwas ako at nagmadaling umuwi muna.
Patakbo akong pumunta sa kwarto at kumuha ng malinis na brief at tuwalya.
Pumasok ako sa CR at agad naghubad ng mga suot. Hindi na talaga mapipigilan pa ang pagtatransform nito sa pagiging bakal pero ayaw kong gawin ang hindi dapat. Naaawa naman ako sa kanya kung nagkataon.
Binuksan ko ang shower saka tumapat doon. Dumaan sa katawan ko ang lamig na kanina ko pa inaasam na maramdaman. Gusto kong mapawi ang init ng katawan na nararamdaman ko.
Nagtagal ako doon at nagpaubaya sa mga patak ng tubig mula sa shower hanggang sa humupa na ang tensyon sa parteng iyon.
Pagkatapos ay nagsabon na ako. Iningatan kong maging sensitibo ang bawat parte nito para hindi mabuhayan muli ng lakas. Pagkatapos ay nagpunas na ako at nagbihis.
Maayos na ako muling lumabas.
Sa mga ganitong pagkakataon, dinadaya talaga ako ng pagiging chickboy ko. Konting galaw pa ay hindi ko mapipigilan ang damdamin ko.
Bumalik ako sa bakery na nakasimangot.
Tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Ano?” tanong ko.
“Naligo ka?” siya.
“Pakialam mo?” ako.
“Tinatanong ko lang,” umirap siya.
Namewang ako.
“Pwede bang itigil mo iyan?” humarap siya sa akin.
“Ang ano?” siya. Saka na naman siya umirap.
“Iyan,” itinuro ko ang mukha niya.
“Bakit ba?” siya.
“Pinaiinit mo ang ulo ko (Sa baba),” naiinis na ako.
Parang nagmamakaawa na rin ang tono ng boses ko dahil hindi ko na naman mapipigilan ang pagtayo ng bandera ng bansa.
“Huwag mo kasi akong susungitan para hindi ako umiirap sayo,” humalukipkip siya.
TTssss. Umiwas na ako at pinatabi siya para makaupo na ako. Hindi maaaring nakatayo lang ako. Mahahalata.
“Tabi diyan,” ako.
“Yes Boss,” siya.
Saka siya tumabi at naupo naman ako.
Nag-scroll ako sa cellphone ko nang dumating si mama.
“Nananghalian na ba kayo nak?” tanong niya kay miss bubwit nang makita niya ito sa harapan.
“Tapos na po ma’am,” sagot niya.
“Mabuti naman,” si mama.
“Ma, sahod ko. Linggo na oh,” nagpapansin ako sa kanya kasi parang di niya ako nakikita.
“Hindi pa tapos ang linggo. Mamayang hapon pa,” abah at magkakampi na yata sila ng bubwit na kasama ko.
Nakita ko pa si Lara na tumatawa.
“Nak, hindi ako makakapunta sa palengke ngayon. Pati si Aling Lusing. Pwede bang ikaw na muna ang mamalengke ng kakailanganin natin sa buong linggo? Ipapadrive kita,” sabi ni mama kay bubwit.
Alam kong ako ang mapapasubo na mauutusan kaya dahan dahan akong tumayo at maglalakad sana paalis.
“Nandiyan naman si Leo para magdrive pala,” maya maya ay nabanggit ni mama.
Napakamot ako sa ulo ko.
“Ma, may lakad ako mamayang hapon,” naiinis kong sabi.
“Mamaya pa naming hapon yun nak. Maya maya na kayo pupunta,” pumasok na si mama sa loob ng tindahan.
“Ang init init oh. Magcommute na lang siya ma,” itinuro ko pa si liit na nakatingin lang sa akin.
“Anak, di ka ba naawa sa prinsesa natin? Ang ganda ganda niya para magcommute,” hinawi pa ni mama ang buhok niya.
Sa totoo lang ay puro kami lalaki na magkakapatid kaya parang prinsesa ituring ni mama itong bubwit na ito.
“Okay lang po kahit magcommute ako,” nagpaawa effect pa ito.
“Hindi nak. Hindi niya makukuha ang pera niya kapag di ka niya sinamahan,” si mama.
Nakakainis naman.
“Gamitin mo na muna yung sasakyan. Ipinaalam ko na sa papa mo,” utos niya.
“Nak ito yung listahan oh. Kung wala yung mga iyan sa puregold punta kayo sa ibang tindahan,” saka niya ibinigay yung listahan kay bulilit.
“Leo, kunin mo na yung sasakyan. Tapos kahit after 30 minutes kayo umalis kung tinatamad ka pa,” nagsusungit sungitan si mama.
“Oo na po,” nagkakamot ako sa ulo habang naglalakad palabas.
Wala akong choice kundi sumunod sa kanila. Wala akong pera kung di ako susunod. Nakakainis lang.
Kinuha ko ang susi sa sabitan saka inistart yung sasakyan.
Idadrive ko na siya para matapos na.
Saka ako pumarada sa harap ng bakery at bumusina.
Lumapit si mama kaya nagbukas ako ng bintana.
“Nak, tulungan mo si Lara ha? Mabibigat yung pinabibili ko. Ingat kayo,” bilin niya.
“Opo sige po. Tawagin niyo na siya para matapos na,” ako.
“Huwag ka nang masungit anak. May sahod ka naman mamaya,” nanguuto pa si mama.
“Kung di lang dahil diyan, hindi ako magdadrive sa tanghaling tapat,” tumingin ako sa daan.
“Sige na. Mag-iingat kayo,” si mama.
Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na si bubwit sa bakery.
Bubuksan niya ang pintuan sa passenger’s seat pero inilock koi to. Kumatok siya para pagbuksan ko pero ibinaba ko ng kaunti ang bintana.
“Sa likod ka umupo. Bawal ang below 5 feet sa harapan,” sigaw ko.
Sa totoo lang bawal talaga pero hindi naman ako sure kung nasa below 5 feet siya. Ayaw ko lang talaga siyang makatabi dahil mahirap mag-alburoto ang hinaharap.
Binuksan niya ang pintuan sa likuran at pumasok.
“Bakit dito ako? Ayaw mo lang akong katabi,” pagmamaktol niya sa likod.
“Anong una nating pupuntahan?” tanong ko.
“Puregold boss,” sagot niya.
Saka ko pinaandar ang sasakyan.
-----------------------------------
Lara
SINASADYA niya lang talagang paupuin ako sa likod. Ayaw niya lang talagang makatabi ako.
Ewan ko pero ang sungit niya sa akin na hindi naman dapat.
Nagtutulak ako ng cart. Sumusunod lang siya sa akin. Ako rin ang kumukuha ng mga pinabibili.
SOBRANG gentleman lang niya.
Dahil sa liit ko ay hindi ko naaabot lahat ng mga pinabibili. Kailangan kong abutin ang mga sauce na nasa taas ng stante pero ayaw man lang akong tulungan ng damuhong ito
Pilit kong inaabot ang mataas na parte ng stante pero nahihirapan ako.
Kainis.
Nang maaabot ko na ay saka siya lumapit at inabot ito at nilagay sa cart. Pero hindi siya nakatingin sa akin at nagcecellphone lang siya.
Tiningnan ko lang siya.
“Thank you ha?” sarkastiko kong sabi.
Hindi siya kumibo sa akin. Sa halip ay itinulak lang niya ang cart.
“Uyyy saglit may kukunin pa ako,” paghahabol ko sa kanya.
Huminto lang siya.
Nang nasa counter na kami ay nakatingin sa kanya yung babaeng nasa unahan ng pila. Nakatingin lang naman siya sa cellphone niya. Ako naman ay hawak lang ang tulakan ng cart.
“Leo?” tanong ng babae.
Tumingin siya sa babae.
“Alayssa?” tanong niya.
“No. It’s Lourdes,” sabi nung babae.
Tttsss. Sa dami ng babae niya napagbabaliktad na niya sila.
“Ahhh. Lourdes. Hi,” kunwari ay naaalala niya.
“Remember sa bar?” pilit ipinaalala nung babae kung saan sila nagkita.
Pilit niyang inaalala pero parang wala naman siyang maalala. Nagkukunwari lang siya.
“Yup. Bakit?” Maya maya ay tanong niya.
“Wanna hang up with me next time?” tanong ng babaeng medyo hindi ko kinakaya ang hinaharap.
“Subukan ko lang. Pero pwede mo lang akong imessage kung kalian,” sabi naman niya.
Ttttssss. Playboy moves.
“Do you still have my number?” tanong nung babae.
“Nag-iba kasi ako ng numero. Isave ko na lang ulit number mo,” wka niya saka nagsimulang pumunta sa create contacts. Nakikita koi to dahil nasa likod niya ako.
Ibinigay nung babae ang number niya at nakita kong nakasave naman pala ito sa contacts niya. Ang kinagulat ko lang ay ang pangalan nung babae sa phone niya.
Miss Sucker.
Oh My God. Soooo gross. Hindi ko maimagine ang mga pinaggagawa nila before.
"Ayan minessage na kita,” sabi niya sa babae.
“Thanks. So, anong pinunta mo rito?” tanong nung babae.
“Nag-grocery lang,” simpleng sagot niya.
“With?” yung babae.
Itinuro lang niya ako.
“Girlfriend mo?” yung babae.
Ikinagulat ko naman na pinagkamalan akong girlfriend.
“Nope. Stepsister ko,” pagpapakilala niya.
Stepsister? Paano kaya kung sabihin kong girlfriend niya ako? Masisira siguro ang moment nila.
“Hello sis,” bati ng babae.
Ngumiti lang ako. Yung ngiti na nagsasabing:
“Girl, magkaroon ka naman ng dangal. Humihirit ka pa ng round two sa Papa Leo ko? Back off. Hindi ako papayag,”
Sa isip ko ay kinakalbo ko na itong babaeng ito na halos luwa na ang hinaharap.
At si Leo? Isa lang talaga siyang matinik na isda. Humanda ka sa akin pagdating ng araw na pinakaantay ko. Walang liligaya. Tandaan mo iyan.
Umusad na ang pila at saka kami nakarating sa mismong counter.
Nagpapacute pa yung babae sa kanya dahil panay ang sulyap niya kay Leo na nakatitig at nakangiti lang sa kanay habang nagtatapat ng mga pinamili sa price checker.
Ang sarap lang ng pagkakatitig at pagkakangiti niya sa babae na parang nagugustuhan niya yung pagkakakilig ng babae sa kanya. Hanggang sa mas lumuwag pa yung ngiti niya at isinandal ang mga kamay sa may patungan ng bilihin. Nakakalungkot kasi hindi para sa akin yung mga ngiti nay un, yung mga titig na iyon.
"Miss, baka magkamali ka sa presyo. Nadoble mo yang tomatoe sauce nakita ko,” masungit kong sabi.
“Ayy sorry po ma’am,” natauhan yung babae.
“Magfocus po kasi kayo sa work,” naiirita kong sabi.
Tiningnan lang ako ni Leo at bahagyang nakangiti.
Anong problema mo?
“Two thousand three hundred eighty four po lahat,” sabi ng babae.
Nag-abot ako ng tatlong libo
Saka naman nilagay nung lalaki yung mga pinamili sa kahon.
“Teka, Joshua?” pamilyar ang mukha nung lalaki na nagpapack.
“Ako nga, Lara,” nakangiti siya saka nagpatuloy sa pagpapack.
“Kumusta ka na?” ako.
“Ayos lang. Umuwi ako galing probinsya. Kailangan kasi nila nanay ng makakasama dito sa San Lorenzo kaya bumalik na lang ako,” sabi niya.
“Hahapunin na tayo. Saka ka na makipagtsismisan,” maya maya ay sabad ng damuhong lalaki sa tabi ko.
Tiningnan ko lang siya ng masama.
Narinig naman ni Joshua kaya napangiti na lang.
Kababata ko siya. Taga Calle Geronimo kami at matagal na rin akong hindi nakakauwi mula noong nanirahan ako sa bahay nila ma’am Del Monte.
“Salamat Josh,” paalam ko.
Saka niya ibinaba sa may tapat ng pure gold ang karga namin.
Inantay ko na lang si Leo na pumarada sa tapat bago ako sumakay.
Nang makarating siya sa tapat ay hindi na siya bumaba. So?
Ako ang nagbukas at nagdala ng napakabigat na karton sa likod. Napaka gentleman talaga niya. SOBRA.
Saka ako nagbukas ng pinto sa likod dahil alam kong ayaw niya akong makatabi. Pero lock ito.
Inaasar niya ba ako?
Umikot pa ako para sa kabilang pinto pero naka lock din ito.
Kumatok ako sa bintana niya at pinagbuksan niya ako.
“Ano ba? Pasasakayin mo ba ako?” naiinis akong yumuko.
“Huwag ka masyadong yumuko, may sumisilip na oh,” itinuro niya ang dibdib ko. Medyo inilapit niya ang mukha niya dahilan para mas mapalapit pa ito sa akin.
Shocks. Ang gwapo niya lang sa malapitan. Yung normal na tingin niya parang kakain o mang-aaway ng tao. Yun bang napakabad boy lang ang dating. Yung mata at kilay niya ang nagpapabad boy sa pisikal niyang anyo. Yung mga labi niyang maninipis. Bihira rin siyang ngumiti kaya talagang suplado siyang tingnan.
“Bastos,” halos masampal ko siya.
“Dito ka na sa tabi ko. Sinukat na kita kanina. May 5 feet ka naman yata,” natatawa niyang sabi saka isinara ang bintana.
Naglakad ako paikot pero bago ko mabuksan ang pinto ay pinaandar niya ng bahagya kaya humabol ako.
Kainis. Pinagtitripan ako.
Nang bubuksan kong muli ay saka niya ulit pinaandar. Makakatikim ng pinaghahandaan kong great upper cut ang lalaking ito pag nagkataon.
Huminto na ako sa paghabol kaya huminto na rin siya.
Saka siya umatras para tumapat muli sa akin yung pintuan.
Siya na mismo ang nagbukas ng pintuan.
“Sorry, nagloloko yata itong sasakyan,” alam kong natatawa siya dahil iba ang simangot sa kunwaring nakasimangot. Madaling ma identify iyon sa mukha niya.
Wala na akong lakas para makipag-away kaya pumasok na lang ako.
Nang makapsok ako ay hindi pa kami umandar.
After three minutes ay hindi pa rin.
May inaantay ba kami?
“Anong inaantay natin?” nagtatakang tanong ko.
Saka siya lumapit sa akin.
Yung sobrang lapit.
Hahalikan niya ba ako?
Jusko nagkaka eye to eye na kami. Amoy ko ang natural scent ng katawan niya na humahalo sa sabong gamit niya.
Ayaw kong pumikit dahil para makaiwas ako kung ano man ang balak niya.
Halos limang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
Maya maya ay may inabot siya sa gilid.
“Ayaw mo kasing magseat belt ma’am. Baka lang mahuli tayo kaya ako na ismo ang gagawa para sayo,” kapagkuway sabi niya.
Gosh ang assuming ko lang sa thought na hahalikan niya ako.
Nang pauwi na kami ay bigla siyang nagsalita sa gitna ng katahimikan.
“Boypren mo yung lagging bumibili na kutis labanos sa bakery?” nakatuon lang ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho.
Swabe lang siya magmaneho. Hindi mabilis at hindi rin mabagal.
“Sinong kutis labanos?” nagtataka ako sa description niya.
“Sino pa bang maputing lalaki ang halos ayaw mong umalis pag bumibili?” seryoso niyang tanong.
“Si Adrian?” ako.
“Basta yun,” tipid niyang sagot.
“Kaklase koi yon. Close lang kami at taga Calle Adonis din siya kaya nagkakausap kami. Hindi ko boyfriend yun,” pagexplain ko.
“Dapat lang,” wika niya.
Ipinagtaka ko naman ito.
“At bakit naman kung magboyfriend ako? May masama ba?” tanong ko sa kanya na may halong paguusisa.
“Pag nagboyfriend ka, isusumbong kita kay mama. Malalaman at malalaman ko kung may tinatago ka kaya huwag mo nang susubukan,” diretso niyang pagbabanta.
Bawal ako magboyfriend? Isusumbong niya ako?
“Ano naman sanang masama kung sakali?” nagtataka na talaga ako.
“Pinag-aaral ka ni mama. Ako nga sana itong nag-aaral tapos ikaw pa itong pinag-aral niya. Kaya pagbutihin mo para naman makabayad ka sa kabaitan nila sayo. Kaya minsan lang na malaman kong may boyfriend ka, malalagot ka sa akin,” binigyan niya ako ng slice of rea;ity. Pero bawal ba talaga? O siya lang itong nagbabawal?
“Tatanungin ko nga mamaya si ma’am kung bawal talaga,” I challenged him.
“Huwag mo nang balaking magtanong dahil sinabi ko na sa kanyang bawalan kang magnobyo. Diba nga sabi ko sayo, lahat lang ng sasabihin ko ang gagawin mo?” paglilinaw niya.
Unfair lang kung sakaling may boyfriend ako ngayon.
“Kaya kung may binabalak kang magboyfriend, itigil mo na yang pagiilusyon mo bulilit. Pwera lang kung ano,” hindi niya itinuloy at biglang humina ang boses niya.
“Pwera lang kung ikaw?” bigla kong tanong.
“Ha? Anong sinasabi mo? Hindi kita gusto no? Tumigil ka nga sa pagiilusyon mo bata,” masyadong halata yung pagdedeny niya.
“Isusumbong din kita kay ma’am kapag binalak mong ligawan ako,” natatawa akong bumwelta.
“Huh. Ligawan? Hindi man lang ako kinilabutan,” natatawa siya.
Sige. In my thoughts. Sinabi ni PAPA LEO na bawal akong magboyfriend dahil hindi niya ako kayang makitang kasama ng iba at sa kanya lang ako. Period.
Assuming? No. Yun ang nararamdaman ko. Girl’s feelings. Hindi ako maaaring magkamali. Nahuhulog na rin sa akin itong damuhong ito.
Well, I like it. Let’s just see.
Pasensya na at hindi kinaya ng powers ko ang dalawang updates ngayon.
My brain cells are