Nalasahan ng binata ang dugo sa sugat. "D*amn!" Nangangapal na ito dahil sa pagkagat ng babae sa kanya. Si Ben, nakaupo ito at namumula ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Saglit itong sumulyap sa kaibigan nang sumigaw ito. Tahimik lang ito. "Dude, can you talk to her? She's not listening," kausap niya kay Ben. Nakita niyang close ang dalaga kay Ben nang mabungaran nila ito kanina ni Clint. "What do you expect, dude? She's hurting," si Clint na nakatingin kay Brent. Tinutukoy nito si Lhian. "It takes time." Bumaling naman ang binata kay Ben. Napapantastikuhan sila rito. Sa lahat sila, ito ang malakas mang-asar minsan. Ito rin ang mukhang goons ng barkada. Nagulat siya talaga nang makita ito kanina habang yakap si Lhian na umiiyak din. "It hurts, dude," rinig nila kay Ben. "Can u he