Episode 2-Brent

3206 Words
Manila International Airport. Kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya. Philippines, his second home. Muli na naman niyang masisilayan ang mga pasaway niyang kaibigan. Ito ang bansang napili ng magulang para sa retirement ng mga ito instead of Australia. Patamad siyang nag-inat. Sitting for 9 hours is too much kaya nakaramdam siya ng pangangalay sa matagal na pagkakaupo. He wanted to swear but he restrained himself. "This is it!" Napatingin siya sa mga nagsilabasan na tao. He just sat there, stretching his arms. Nang makita na siya na lang ang huli, he stood up quickly. Holding his small suit case, naglakad na rin siya nang dahan-dahan. He nooded his head saying goodbye to employees of the airline. Those ladies, the stewardess are really beautiful. He grinned, giving them a wink. Tinugon naman ng mga ito ng isang ngiti at pasasalamat ang ginawi niya. Naalala niya bigla si Lindsay, his three years relationship. They're engaged since last year. Si Lindsay lang naman ang last na naging nobya niya. Fling. He loves to play around... until now. No strings attached—that's him! Wala siyang sineseryoso na babae mula pa noon kahit nasa edad 30 na siya, may balak naman siyang lumagay na sa tahimik. That's why he decided to get married. Isa rin sa dahilan ang panunulak ng magulang na mag-asawa na siya. Lindsay is a part-time model in Australia, mixed Australian and Filipino descent ang babae. He used to work in Australian Power Company for five years as an electrical engineer until he put up the ABL Company, his own company. His business is doing well and having trusted employees, he's confident they can run it without him. Adams Seafood Restaurant, the reason why he's here, is the family business located in Roxas Boulevard. Yearly or every six months niyang dalawin ang pamilya rito. His mom wants him to take over the business. Though his parents taught him to embrace his Filipino side, he spent all his life living abroad. Napukaw ang atensiyon niya nang mag-ring ang phone. He smiled seeing the name of his dad, Edward Adams. "Son, welcome back!" It's Mr Adams with excitement in his voice. He got a local number too. This is the previous number he's using every time he comes home. "Hey! Dad, happy to be back!" I'm happy too, hearing my dad on the other line. "How are you going, mate?" "Fine as h*ll! Mom is here too," ani Mr. Edwards at sinundan ito ng halakhak. "We miss you!" Napangiti siya nang marinig ang halakhak ng ama. Parang kabarkada niya lang ito kung umasta minsan. Masyado itong cool ang easy-going which is common sa mga Aussie. Australians are very friendly and open-minded. That's them. Speaking of the business, his mom completed the short course of Commercial Cookery in Australia. Then later, she put up the food business here in the Philippines. Very supportive ang kanyang daddy, binigay nito ang pangarap ng mommy niya na makapagpatayo ito ng sariling business. It's been 18 years since his parents moved to the Philippines. Hatak niya ang hindi kalakihang maleta nang makalabas siya ng exit area habang palinga-linga. He's planning to stay a couple of weeks. That's it! He's not really fond of handling the business of his mom, this is contrary to the profession he wanted to do as an engineer like his father. "Iho! Breeent!" His mom's voice, where is she? Palinga-linga siyang muli para hanapin ang mga ito. A sweet smile came out from him. "Hey! Mom!" Finally! Nakita rin niya ang mga ito. His dearest mother, the love of his life and his dad, he misses this two kaya agad siyang lumapit sa mga ito sabay yakap nang mahigpit. His dad is already in his 60's and his mom is only 48. Twelve years ang gap ng parents niya but age doesn't matter really. Nag-meet ang mga ito through an International Dating Site. She's only 18 and his dad is 30 when they got married. After it, his parents settled in Australia to start their new life as a married couple. Masayang sinalubong ng mag-asawang Adams ang anak na si Brent at maluha-luhang tinitigan ng ginang ang anak nang makalapit na ito. "Iho, look at you, I miss you!" Hinalikan ng babae ang unico hijo sa magkabilaang pisngi. "I hope you stay here for good, your very good-looking like your father." Isang ngiti ang binigay ng babae sa esposo na binalikan naman nito ng isang matamis na ngiti. Carbon copy ng anak ang ama nito. Sa tangkad niyang six-footer, kailangan pa niyang yumuko para mahalikan ng ina. He's tall and very westernized ang looks despite being mixed race. Bluish eyes like his dad and black hair from his mom make him a hunky—a good combination of their genes. The rest is more of western features because his skin is white like a full-blooded Australian. Napangisi siya dahil pansinin ang awra niya. Napapalingon na ang ilang babae sa kanya kasabay ng pagpapa-cute ng mga ito. Hindi na ito bago sa kanya. Who will resist the charm of Brent Adams? He's very musculine and looks like a hot sizzling model in the magazine. He's wearing a proper short, a plain t-shirt and a black cap, a very simple outfit pero kita pa rin ang kakisigan niya na makapukaw ng atensiyon ng mga kababaihan. Masyadong mainit sa Pilipinas kaya pang-summer ang get-up niya. Napukaw ang atensiyon niya nang magsalita ang driver nila na nasa likod lamang ng mag-asawang Adams. "Sir, welcome back! Akin na po ang maleta n'yo." Masiglang bati ni Mang Caloy, ang matagal ng driver ng pamilya. "How are you, Mang Caloy?" Tinapik niya ito sa balikat sabay abot sa maleta. Mukhang excited ang isang ito sa anumang gala na gagawin nila kaya napangisi siya nang malawak. "I'm good, Sir Brent." May kasamang ngisi sa driver na agad napakindat sa amo kasabay ng pag-ilaw ng mata nito. "Saan po tayo? May naka-schedule po ba tayo, sir?" kapagkuwa'y tanong nito. Nawiwili ang matanda sa mga lakad ng batang amo kapag nasa Pilipinas ito. All around din si Mang Caloy sa pinagtatrabahuan. Gardener din ito. "Hep, hep, saan ang lakad, ha?" sabad ni Mrs. Adams. Alam na alam ng ginang ang pinaggagawa ng anak. Ang mga kaibigan nito kapag nagsama, parang wala ng bukas. Ang driver ang laging kasama ni Brent kapag lumabas ito kasama ang barkada. "Can I come?" sabad ng ama ni Brent. Napangiwi ito nang biglang paluin ng asawa sa likod. "What's wrong with you, honey?" may pagtatakang binalingan nito ang asawa. Nakasimangot na ang babae sa asawa nang balingan ito. "You know what's wrong when you're out with your son," naiinis na saad ng babae dahil alam na alam nito ang mga escapade ng mag-ama sa ibang lugar bukod sa bar kapag magkasama. She hates it. Napahalakhak ang lalaki bago nito niyakap ang asawa. "What a jealous wife!" Pinupog nito ng halik ang nakasimangot na asawa sabay hila rito papunta sa kinaparadahan ng sasakyan. Walang hinto ang pang-aamo nito sa napikong asawa. Sumunod siya sa magulang pero napapailing siya at napangisi habang tinitingnan ang mga ito. Malakas talaga ang appeal nilang mag-ama kaso ubod naman ng selosa ang mommy niya. Mabilis kasi akitin ng mga babae ang ama niya noon. Noon at mapasa-hanggang ngayon ay habulin pa rin ito ng mga babae, like him. He's the younger generation lang. Namana niya ang kakisigan ng ama. Taglay nila ito kaya habulin pa rin sila ng babae. About his dad, takot at loyal ito sobra sa kanyang mommy kaya matibay ang pundasyon ng mga ito. Sunod-sunod. Walang hinto ang pag-iingay ng kanyang cellphone sa bulsa ilang sandali pa. He didn't bother to answer the call and check the messages. His friends are planning something for him, he knows. They will set a party the soonest he will reply to them for sure. Nothing is new to this non-stop sound. Its already nine in the evening nang makarating sila sa Maynes Subdivision, an exclusive subdivision at fully guarded sa Quezon City. Masaya niyang inilibot ang mata pagkapasok sa bahay. Two-storey house with five rooms ito. Maaliwalas at napapalibutan ng mamahaling kagamitan ang loob ng bahay. Mahilig mangolekta ng vases at souvenirs sa ibat-ibang bansa ang kanyang ina. Makikita ang mga gamit na naka-display sa sala. Maganda rin ang interior design ng bahay. The house is a modern contemporary style. "Good evening po, Sir Brent," bati ng katulong sa binata. "Baka nagugutom na po kayo." He's not really starving. Gusto lang niyang kasama ang mga magulang sa pagkain. Tumango siya sa katulong. Masaya siya kapag buo sila sa hapagkainan, some kind of Filipino tradition. Masyadong conservative ang ina niya pagdating sa ganitong bagay. Minsan lang daw silang mabuo kaya pagbigyan na. "Son, have you set the date of your wedding yet?" tanong ng ama kay Brent nang makaupo ito. Nasa hapagkainan na silang mag-anak at sabay-sabay na nagdi-dinner. Menudo, adobo, tilapia na inihaw, chicken and pork barbecue with rice ang nakahanda sa lamesa. Kaunti lamang ang pagkain ngayon kumpara sa nakaraang buwan. Akala mo may piyesta kung magpaluto ang ina tuwing uuwi siya ng Pilipinas. "What a feast!" natatawa at napapailing siya. Masyadong mabigat sa tiyan at late na ang dinner nila. Baka kaunti lang din ang makain niya ngayong gabi. Importante sa kanya na buo lang sila. Light dinner lang siya sa gabi mostly. He just doesn't feel like eating too much tonight. Ang kanyang ama ay wala namang pili pagdating sa pagkain. "It's over a year since you proposed to Lindsay," dugtong ng ina ni Brent. "I want the wedding to be held here than abroad." "Well, that's the problem, Mom and Dad," napangisi siya. They really rushing him. "Although we decided to get married no date has been set yet." He looked at them, waiting for their reaction. "F*ck!" natatawang dugtong ni Mr. Adams. "I have this feeling that you're not that serious yet." Sinalubong niya ang tingin ng anak. They both laughed. Walang tumatagal na babae sa kanyang binata. The young version of him. This man is not ready and not serious about getting married, he can feel it. The previous relationships with his son had all failed. Brent is not that serious in commitment yet. He knew this dude very well, his blood and flesh inherited his folly when he was just this age. "Far out, Dad!" pakli niya sa ama na nakangisi. "And the problem is, Lindsay never been here after she migrated to Australia," seryosong komento ng ina ng binata. "Why not invite her for a vacation, anak?" "She doesn't want to, honey." Ang lalaki na ang sumagot sa asawa. Lindsay is always busy. Na-meet na ito mag-asawa sa Australia. They even invited her to visit them over in the Philippines but she always refused the invitation. Her reason is always related to her modelling career in Australia, the undying commitments. "You can't force someone if she doesn't want to," saad ng ama ni Brent. "It means that Brent can still do the party-party!" Itinaas ng lalaki ang hawak na baso. Napuno ng halakhakan ang loob ng dining area. His dad knows him dearly. Napapailing lang ang kanyang mommy. Mag-ama talaga sila dahil kagaya rin niya itong maloko nang kabataan pa nito. Like father like son, he believes it. Pabagsak siyang humiga habang nakatingin sa kisame. What a lovely dinner. Ito ang bagay na nami-miss niya kasama ang pamilya. Boxer short and topless, he'c comfy in this. Tomorrow morning, they will visit the restaurant. Kahit labag sa loob, tutulungan pa rin niya ang ina. Maraming restaurant na ang nagsipagtayuan sa Manila. They need to be very competitive when it comes to services and facilities. Maingat niyang kinuha ang cellphone, scrolling it slowly. Tiningnan n'ya ang account ng social media ni Lindsay, nothing there. He's very tired today. He's not expecting any messages from her. Lindsay is some kind of workaholic, a busy woman. A driven woman to become successful in her modelling career, that's Lindsay. He doesn't feel bad kahit hindi sila magkasama ng kasintahan. Lindsay is an open-minded girl. Kulang na lang ang kasal sa kanila kung tutuusin. They already living as husband and wife in Australia. Madalas naglalagi si Lindsay sa house niya kapag hindi ito busy sa trabaho. They just careful not to get pregnant yet. Makakasira raw ang pagbubuntis sa career ng dalaga. It doesn't bother him anyway because he really don't care, at all. He's fine and open-minded as well. Whatever Lindsay's decision, he will support her. Sometimes he's questioning his self already. Dahil ba nabibigay ni Lindsay ang pangangailangan niya bilang lalaki kaya nag-propose siya agad? Napipilitan lang ba siya dahil sa magulang? Baka bored lang din siya sa buhay kaya magpapakasal na siya. Unti-unti na siyang inantok, dala ng pagod at pag-iisip. Tomorrow will be a busy day for him. It's nine in the morning nang magising siya. Patamad siyang tumayo at nag-inat. Inabot niya sa side table ang phone nang tumunog ito. Enjoy your stay, see you soon! from Lindsay. Nabasa niya ito. In fairness, hindi ito busy ngayon? Simple as that. Very casual. He didn't bother to reply. Napangiti siya nang mabasa pa ang ibang messages galing sa mga kaibigan. Brother, let's catch up! We have a surprise for you! with a smiling emoji pa from Clint, one of his friends. This dude, he's smiling. Ang mga kalokohan nila... Dude, we booked you somewhere, let's have some fun! from Ben. Hindi na niya tinapos ang pagbabasa ng messages ng mga kaibigan. Alam niya na may binabalak ang mga ito. Same like before, mahilig sa "fun" na tinatawag ang mga kaibigan. Napapailing na binalik niya sa side table ang phone. Hindi man lang niya inabala ang sarili na replayan ang mga ito. Tinungo niya ang banyo. He needs to get ready. Pupunta pa sila sa Roxas Boulevard para bisitahin ang business ng ina. Ayaw niyang magtampo ito dahil ito naman ang inuwi niya rito. His mom wanted him to take over the business. Pinaghirapan ito ng ina kaya ayaw niyang ma-disappoint ito sobra. Napahilot siya sa sentido pagkaalala sa negosyo ng ina. What will he do? Ano ba ang alam niya sa food business? Sobrang layo ng negosyo sa tinapos niya at ginagawa. Kailangan pa niyang pag-aralan ang food business nila. Life! Deretso siya sa banyo, may pagmamadali sa kilos. Siguradong nag-aantay na sa baba ang mga magulang. Nasa hapagkainan na ang magulang nang bumaba siya. "Sorry, Mom and Dad," nakangiting bati niya. "Am I late?" "Good morning, my love," nakangiting balik-bati ng ginang sa anak. "Morning!" bati ng ama habang may binabasa itong diyaryo at umiinum ng kape. "Take your time, son," sagot ng ama habang abala pa rin sa pagbabasa ng diyaryo. "We're not rushing you." Balak ng pamilya na bisitahin ang business para pag-aralan ang mga changes na gusto niya. Napag-usapan na nila ito bago pa man siya makauwi ng Pilipinas. Nilapag ng katulong ang tinimplang kape para kay Brent. Kabisado na nito kung anong coffee ang gusto ng binata. Automatic itong nagtitimpla sa umaga kapag andito sa Pilipinas ang batang amo. "Thank you, Manang!" pasalamat niya rito. He loves coffee. He Looked at the food. French toast and omellete with bacon ang nasa hapagkainan. Hindi mawawala ang sinangag na kanin, hotdog, fried eggs at dried fish na paborito ng ina. Kahit angat na sa buhay ang ina, hindi nawawala ang kasimplehan nito. Simple lamang ang mommy niya nang ma-meet nito ang esposo. She's a province girl and very young na nakipagsapalaran sa Manila. In order to survive, she used to work as a helper in small cafeteria in Manila. She's an orphan too. Napagkatuwaan ng ina kasama ang mga kaibigan nito na pumasok sa International Dating Site. Ang mga foreigner na members ay naghahanap ng mapapangasawa na Pilipina mostly. Isa na roon ang kanyang ama, si Edward. Nagsawa na sa pagiging bachelor nito ang ama kaya naghanap ito ng mapapangasawa. Kahit madami itong nakarelasyon noon, wala ring tumatagal. Naisipan nitong subukan ang site dahil na rin sa mga kaibigan na Westerner na nakapag-asawa ng mga Pilipina. His dad decided to settle down and start his own family. Takot ang daddy niya na tumandang binata. Gusto nitong magkaroon na ng anak kaya nag-asawa na ito. This story is like a fairy tale to him, his mom never get tired of telling this story to him since he was a kid, over and over again. The rest is history... He started to open up about the business in Roxas Boulevard. "Mom, you know that food is not my line of expertise," saad niya sa ina. "How can I handle it?" may pag-aalinlangan sa kanyang mukha. He's not into the food business really. "Don't worry! Everything can be learned, anak," saad ng ginang habang kumakain. " I want you to take over the business, sa tingin mo ba kanino ko pa ipapamana 'yan? Nag-iisa ka lang na anak." May halong tampo sa boses ng ginang nang sabihin ito sa anak. Nakikinig lamang si Mr. Adams sa asawa at anak. Hindi nakikialam ang lalaki sa usapan ng mag-ina. "We're getting old na, gusto naman namin ng ama mo na mag-enjoy na lang," muling dugtong ng babae. "Kung bigyan mo ba kami ng apo, sana happy kami." Tinaas niya ang kamay bilang pagpapahinto sa sasabihin pa ng ina. "Mom, here we go again!" ang tinutukoy nito ay ang hiling nito na magka-apo. He's been hearing this a lot from her kapag nasa Pilipinas siya. Allergic siyang marinig ito sa mommy niya. Isa rin 'to sa dahilan kung bakit napabilis ang proposal niya kay Lindsay. There was a problem with the proposal he made, he's not happy with it. Parang napipilitan lang siya na mag-asawa. S*lly! Napapailing siya sa isiping 'yon. He really get pissed off when someone rushes him into things he's not ready to commit yet. "Hoy! Brent Adams, I know what you're thinking," nakaismid na turan ng ina habang nakahalukipkip. Nagbigay ito ng matalim na irap sa anak. Halakhak na lang ng esposo nito ang narinig. Nag-iisa lang ang food business nila sa Pilipinas. Ayaw ng ama niya na mapagod nang sobra sa pagtatrabaho ang maybahay nito. Pinagbigyan lang nito ang hilig ng asawa sa pagluluto. May sariling Master Chef sa restaurant ang kanyang mommy. Lulan na ng sasakyan pero hindi pa rin tumitigil ang mommy niya. About sa pag-aasawa at pagpapasa ng business ang puntirya nito. He remained calm. Mas malala ang mangyayari kapag ang ina ang mapikon. "Anak, I will transfer the ownership to you soon," pasimpleng saad ng ginang sa binata. "Sure, Mom!" napapahilot sa sentidong sinagot niya ito. Nakaramdam na siya ng pagkainis sa mommy niya. Bigla na lang kasi itong nanghahampas, treating him like a baby. He's a grown man. "And why not look for someone here in Philippines? Leave that fiancee of yours," pawalang-bahala na saad muli ng ginang habang nakatuon ang mata sa labas ng bintana. "She can't even embrace her Filipino side." "God!" mahinang usal niya. Lalo lang sumakit ang ulo niya. Humalakhak naman ang ama niya na nakaupo sa unahan. Wala man itong sinasabi pero enjoy ito sa pakikinig sa diskusyon nila ng mommy niya. Napapangiti lang din si Mang Caloy, ito ang nagmamaneho ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD