Episode 4-Kaakibat na pagsubok

3060 Words
Tumigil ang dalawang pulis sa pag-uusap nang mamataan ng mga ito ang dalawang magkaibigan na papalapit. "Kayo ba ang pamilya ng biktima na si Kanor Halipayo?" mabilis na tanong ng isang pulis. "Opo!" Si Leo na ang sumagot. Kabakasan ng awa sa mukha ng pulis. "Ikinalulungkot ko ang nangyari. Masusi naming iimbestigahan ang kasong ito para madakip ang may kagagawan." Isa namang doktor ang lumabas galing sa loob. Mabilis itong lumapit sa mga pulis. "Sila ba ang pamilya ng biktima? Kaanu-ano niyo siya?" tukoy ng doktor sa matanda na nasa loob ng morgue. "Tatay ko po siya," mabilis na sagot ni Lhian habang unti-unti na namang bumalong ang mga luha. Napahigpit ang hawak ng dalaga sa kababata. Binukas ng isa pang pulis ang pintuan para makapasok ang dalawa. Tumambad ang pahabang higaan pagkapasok nila. May kumot na kulay puti ang nakataklob sa katawan ng tatay ng matanda. Nanginginig at nanglulupaypay ang tuhod ng dalaga sa nakita. Nag-iisa lamang ito na bangkay sa loob. Maingat na binuksan ng doktor ang puting kumot. Tumambad ang wala ng buhay na si Mang Kanor. Namumutla ito at nangingitim ang labi. May pasa rin sa mukha ang matanda. In-explain ng doktor ang dahilan ng pagkamatay nito. Napalapit sa bangkay ang dalaga. "H-hindi!!" palahaw niya. Niyuyogyog niya ang ama. Baka sakali. Baka sakaling hindi totoo ang lahat ng ito! "Hindi! Tataaay ko!" Sunod-sunod ang patak ng luha niya habang tumatalon-talon. Parang panaginip lang ang lahat. Ang saya-saya pa ng tatay niya kanina. Bakit wala na ito ngayon? "Tataaay." Mahigpit niyang niyakap ang patay ng ama. Malamig. Malamig ang katawan nito. Walang tigil sa kakangawa ang dalaga. Parang nauupos na kandilang bumagsak ito na agad namang nasalo ni Leo. Hindi man ito nahimatay pero walang tigil ang iyak nito at kakasigaw. Tinulungan na si Leo ng isang pulis para mailabas muna ang dalaga. Mahigpit na niyakap ni Leo ang kaibigan. Iniupo n'ya ito sa mahabang bangko na nasa labas ng morgue. Wala pa ring patid ang iyak ng dalaga habang mahigpit na nakayakap sa kaibigang si Leo. Naiiyak na rin si Leo. Awang-awa s'ya sa kaibigan. Tumayo sa harap ng magkaibigan ang isang pulis. "Kukuhaan namin kayo ng statement. Maaari ba kayong pumunta sa Tondo Police Station?" "Malapit lamang dito sa ospital ang station namin," saad ng pangalawang pulis. "May naiwan ang bikima. Iha-hand over namin ito sa inyo pagkatapos ng statement ninyo." "Sige po! Tatawagan ko lamang si Nanay para ipaalam sa kanya ang nangyari," nakatungong saad ni Leo na sobrang apektado na rin. Hindi rin siya makapagdesisyon ngayon. Sobrang nasasaktan siya para sa kaibigang si Lhian. Labis din ang pagdadalamhati niya sa pagkawala ni Mang Kanor. Tatay na ang turing niya kay Mang Kanor dahil sabay na silang lumaki ni Lhian. Kababata niya ang dalaga, isang matalik na kaibigan. Yakap-yakap pa rin niya ito. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ni Lhian. Galit, lungkot at sakit ang naghahari sa puso niya. Sobrang mapagbiro ang tadhana! Ulilang lubos na sila ni Sonia. Sobrang mahal niya ang ama. Kanino pa niya iaalay ang mga pangarap kung wala na ang nag-iisang magulang nila? "Leo, hindi ko kaya," hagulgol na daing ng dalaga sa kaibigan pagkalabas nila ng morgue. Sobrang sakit ng naramdaman niya nang makitang nakahiga at wala ng buhay ang ama. Ang sakit sobra na namatay na nga ito, nagtamo pa ito ng mga pasa sa hayop na taong pumatay dito. "Ssshh, magpakatatag ka, Lhian!" garalgal ang boses na saad ng binata. "Nandito lang kami para sa inyo." Hinahaplos ni Leo ang likod ng dalaga. Ang pagdamay ang tanging magagawa niya sa kaibigan. Nagsumiksik ang babae sa balikat niya. Yumuyugyog ang balikat nito sa labis na pag-iyak. Mabilis na hinalukay ni Leo ang bag at hinanap ang cellphone. Kailangan niyang tawagan ang ina para malaman nito ang nangyari kay Mang Kanor. Baka nag-aalala na rin ang Nanay Puring niya. Mag-aalas nuwebe na ng gabi pero nasa labas pa rin siya. Nagpaalam siya rito na hanggang alas-otso lang siya tatambay sa kaibigang si Lhian. Kailangang umuwi niyang umuwi ng maaga dahil maraming tambay sa kanto nila. Baka mapagdiskitahan siya sa daan. Tinawagan niya ang ina na si Puring para ipaalam dito ang nangyari. Pinaalam niya sa ina kung nasaan sila ni Lhian. Nagulat ang matanda sa nalaman. Sinabi nitong ipapatawag agad si Alfred para masundan sila sa ospital. Nagbilin ito sa anak-anakan na tawagan ito kapag kailangan nila ng tulong. Labis din itong nalungkot sa nangyari. Pinagmasdan niya si Lhian. Nakatulog na pala ito habang nakayakap sa kanya. Sa labis na pagod at kakaiyak nito kaya inantok ang dalaga. Aantayin niya si Mang Alfred. Alam niyang pupunta ang matanda. Nakaalis na rin ang mga pulis at binilinan silang sumunod sa Tondo Police Station. Hangos na lumapit si Mang Alfred sa kanila nang dumating ito. Tumingin si Leo kay Mang Alfred at tumango. May isang attendant sa loob ng morgue na nag-aasikaso sa mga labi. Sinamahan nito ang bagong dating na lalaki sa loob. Lumabas si Alfred at naghihinang umupo katabi ni Leo. Hinilamos ng matanda ang palad sa mukha. Naiiyak na tumingin si Mang Alfred kay Lian. Hinaplos niya sa ulo ang dalaga. Tulog na tulog si Lhian habang nakasandal sa balikat ni Leo. "Mang Alfred, binilinan ako ng mga pulis na pumunta sa presinto," malungkot na imporma ni Leo. "Kukuhaan kami ng salaysay." "Pupunta tayo, Leo!" malungkot na tugon ng matanda. "Lahat ng puwedeng lapitan, hihingian natin ng tulong. Gusto kong maayos ang pagpapalibing kay Pareng Kanor." Alam ni Alfred na walang-wala si Lhian. Kailangan nilang tulungan ang inaanak para mailibing ng maayos ang kumpare niya. Nagbigay ng pahayag si Alfred sa mga pulis pati na rin sina Lhian at Leo. Ang paper bag ng cellphone na may bahid ng dugo ang ginawang ebidensya ng mga pulis. Kay Mang Kanor ang dugo na iyon. Wala pang makita na source na puwedeng makapagturo sa suspek at pagkakakilanlan nito. Nangako ang mga pulis na tututukan ang kaso para madakip ang salarin. Pupunta rin ang mga ito sa area na pinangyarihan ng krimen. Iisa-isahin na iinterbyuhin ang mga saksi at ang mga nagdala ng biktima sa ospital. Ang dalawang lalaki na nagdala kay Mang Kanor ay kapitbahay lamang ni Lhian. Sila rin ang nagbigay ng impormasyon sa sugatang matanda sa ospital na pinagdalhan. "Lhian." Inabot ni Alfred ang kahon na naglalaman ng cellphone. "Anak, para sa 'yo 'to." Binigay na ito ng pulis dahil wala naman itong bahid ng dugo. Nakumpirmang regalo ito ng namatay sa anak base na rin sa salaysay ni Alfred. Marahang binalingan ni Lhian ang box na inabot ng ninong niya. Tinanggap ito ng dalaga at binuksan. "Iyan ang napulot na cellphone ni Tatay mo at pinaayos," malungkot na pahayag ni Alfred. "Hindi ko akalain na 'yan pa ang naging dahilan ng pagkamatay niya. Lakasan mo sana ang loob mo, anak." Napangiti ang dalaga. Naayos pala ito ng ninong niya. Ang cellphone lang naman ang bagay na excited mapaayos ng ama. Ireregalo pala ng tatay niya sa kaarawan niya ang napulot. Ang sakit-sakit pa rin isipin na wala na ang tatay niya. Bumabalik ang sakit na nararamdaman niya tuwing maalala ang tatay niya. "Tatay.." Niyakap ng dalaga ang regalong bigay ng ama. "Mahal na mahal kita!" Tahimik na lumuha ang dalaga habang hawak ang cellphone. Hindi niya alam kung papa'no sila makakapagsimulang muli na wala na ito. *** Na-set up na sa labas ng bahay nila Lhian ang tent na pahiram ng baranggay. Ang kabaong ay galing din sa kontribusyon ng munisipyo para sa mga pamilyang mahihirap. Kumpleto ang funeral set-up. May mga ilaw na rin na nailagay. Nakikabit sila sa libreng pailaw galing sa project ng lugar nila. Matamang pinagmasdan ng dalaga ang kapatid na si Sonia. Nakapatong sa upuan ang kapatid. Yakap ng bata ang kabaong ng ama habang umiiyak. Napakasimple lang ng ayos, wala man lang bulaklak na naka-display dito. Hindi na ito mahalaga sa kanila. Importante ay ang mairaos nila ang pagpapalibing sa tatay nila. May kaunting upuan din na plastic at lamesa sa labas para sa mga naglalamay. Nilapitan niya ang kapatid at marahang hinagod ang likod nito. "Tahan na, Sonia. Alam kong gusto ni Tatay na maging malakas tayo, hindi ba?" malungkot na wika ng dalaga. Pampalubag loob sa kapatid niya. Wala lamang imik ang bata habang nakatitig sa ama. Kalahating salamin at kalahating plywood ang kabaong ng tatay nila. Nawala na rin ang pasa nito. Nadala ito sa foundation dahil naging maaliwalas ang mukha nito. Para lamang itong natutulog kung pagmasdan. Nilibot ng dalaga ang mata. Nakita niya sina Aling Puring at ninong niyang si Alfred na nakaupo. Nag-uusap ang dalawang matanda. May mangilan-ngilan ding bumibisita na kapitbahay nila. Andito rin si Evitte na kaibigan niya na nag-aalok ng biscuit sa mga bisita. Bihira lamang sila magkasama dahil sa palengke ang bahay nito. Laging busy din ang kaibigan dahil tumutulong ito sa ina. "Friend, sasamahan kita rito, ha." Lumapit si Evitte sa kaibigan. Niyakap niya ito. "Dito na kami matutulog ni Leo." Alanganing ngumiti si Evitte. Alam nito ang sakit at lungkot na mawalan ng mahal sa buhay. May dalang mga kape at de-late ang dalaga galing sa ina nito. May isang lata rin na biscuit para sa mga naglalamay. Napangiti si Lhian. Binalingan niya ang kaibigan. "Vitte, salamat sa suporta." May mangilan-ngilan ding nagsusugal na pawang mga kapitbahay lamang nila. Nang lumingon si Lhian, wala na sa puwesto nito si Sonia. Saan kaya nagpunta ang kapatid niya? Hindi na muna sila nangangalakal ni Sonia. Tatlong araw lamang ang kanyang tatay at ito'y ililibing na. Hindi na nila kayang patagalin pa ito dahil na rin sa kakapusan ng budget. "Oy, Lhian," si Aling Beth, ang kaibigan ng nanay niyang pinagkakautangan nila. "Baka naman may pambayad-utang ka na. Marami yata ang donasyon na binigay sa inyo. Five thousand pa ang balanse." Kumakain ng biscuit si Aling Beth. Hawak nito ang isang pinggan na puno ng tinapay. Nakairap ito kay Lhian. Lumapit bigla si Alfred. "Hoy! Beth, mahiya ka naman! Kamamatay lamang ni Kanor. Hindi ka naman tatakbuhan," biglang sabat nito. "Ako mismo ang magbibigay sa 'yo. Tapusin lang natin ang libing ni Kanor kapag may sobra ang pera." Inagaw ng matanda ang pinggan na puno ng biscuit. Mabilis itong nakalapit sa dalawa nang marinig ang sinabi ng babae sa inaanak niya. "Ang tinapay, hindi sinosolo! Para ito sa lahat," nanlalaki ang matang pakli ni Alfred sa babaeng nakairap. Inis na iniamba ng matandang lalaki ang kamao sa mukha ni Beth. Dali-daling umalis ang babae sa inaksiyon ni Alfred at nakihalo sa mga nagsusugal. "Ninong, naman!" hinawakan niya ang kamay ng matanda. "Joke lang 'yon, anak!" nakangiti nitong ginulo ang buhok ng dalaga. "Pantakot ko lang 'yan kay Beth." "Ninong, nakita mo ba si Sonia?" Luminga-linga si Alfred. "Andito lang 'yon kanina. Nakita ko kasama niya 'yong kaklase niya yata 'yon." Hindi na inabala ni Lhian na hanapin ang kapatid. Minsan, mahilig ding makipaglaro si Sonia. Hindi pa niya nakakausap nang maayos ang kapatid simula nang mamatay ang tatay nila. Tumatango lamang ito minsan kapag pinagsasabihan niya. Tahimik din ito na ikinababahala niya. Labis itong naapektuhan sa nangyari sa pagkamatay ng Tatay Kanor nila. Hindi niya matanto kung ano ang nilalaman ng puso ni Sonia. Bata pa ito. Clingy ito sa tatay nila dahil bunsong anak. Linggo pa lamang ngayon, Biyernes namatay ang tatay nila. Sa Lunes ng tanghali na ang libing nito. Sabado ng umaga nai-release ang bangkay galing ospital. Sobrang nagpapasalamat ang dalaga sa mabilisang tulong sa kanila ng Baranggay Hall at Mayor. Ang Ninong Alfred niya ang nag-asikaso sa lahat. Hangos na tumatakbo ang isang babae. "Lhian," sigaw ng kapitbahay nila. "Si Sonia, ang kapatid mo, nabanggga! Dinala raw sa ospital." Sabay na napalingon ang dalawang dalaga sa babae. Naghuhugas sila ng pinggan ni Evitte. Napahinto sila sa ginagawa. Nagulat sila. Nasa harap na nila ang babae, makikita ang pagkabahala nito. Nasa likod ng bahay sila kung saan ang kusina. Ala-siyete pa lamang ng gabi. Nag-uumpisa nang magdagsaan ang mga kapitbahay sa lamay. Huling gabi na ito ng lamay ng namayapang ama. Parang nag-flashback na naman sa isipan ng dalaga ang nangyari sa tatay niya. Natigagal na nakatayo lamang siya. Nakatingin sa nag-aalalang mukha ng nagbalita. "Hindi raw alam ng nakakita kung saan dinala na ospital. Isinakay daw sa kotse," dugtong pa ng babaeng nagbalita. Nanghihinang napakapit siya kay Evitte. Agad naman siyang inalalayan nito. Kaaalis lamang ng Ninong Alfred niya at ni Aling Puring. Babalik lamang daw ang mga ito maya-maya. Parang minsan, hindi na gumagana ang utak niya dahil sa sunod-sunod na trahedya. Sinapo niya ang ulo. Biglang sumakit ito at nanginginig na ang buong katawan niya sa tensiyon. "Leo, magdala ka ng upuan dito!" sigaw ni Evitte. Kadarating lamang ni Leo. Pinalitan nito ni si Aling Puring nang makauwi ang matanda. Nagmamadali itong lumapit kay Lhian. "Bakit, Vitte? Ano'ng nangyari?" Mabilis na kinuha ni Leo ang upuan. Pinaupo niya ang nanghihinang dalaga. "Lhian, ito si Monica. Magkasama sila ni Sonia kanina." Lumapit ang isa pang may edad ng babae habang akay ang anak nitong umiiyak. Luhaang nakatunghay ang bata sa kanila. "Kasi po, bibili lang sana kami ng coke sa tindahan pero nabundol si Sonia ng kotse. Nakatayo lang naman kami sa gilid ng kalsada," umiiyak na kuwento nito. "Sabi po ng mga mama, babalik po sila rito! Ihahatid lamang nila sa ospital si Sonia. Sinakay po siya sa kotse agad." Hindi na siya makasagot sa sinabi ng bata. Sunod-sunod ang nangyayaring kamalasan sa kanila. Mahirap na nga, lalo pa silang pinapahirapan ng sunod-sunod na mga trahedya. Ang lupit-lupit ng tadhana sa kanila. Maraming bakit sa isip niya. Mabilis na kumuha ng tubig si Evitte at pinainum ang kaibigan. Hinagod-hagod niya ang likod nito. Parang gusto n'ya na ring umiyak. Pinipigilan lamang niya. "Lhian, kung 'yan ang sinasabi ni Monica na babalik ang nagdala kay Sonia sa ospital, wala tayong magagawa," nag-aalalang saad ni Leo. "Antayin natin sila." Sumisikip na rin ang dibdib ni Leo. Awang-awa siya sa sitwasyon ng kaibigan. *** BRENT Almost one week na siyang nandito sa Pilipinas. May mga changes silang ginawa sa restaurant ng mommy n'ya. Ang restaurant nito ay dinagdagan nila ng mga international cuisine and local foods. Ginawa nilang Adams Eat All You Can Buffet ito from Adams Seafood Restaurant. Hindi pa rin nawawala ang mga seafood na specialty nila. In-expand lang nila ang space and more foods ang dinagdag. Sobrang naging abala ang binata sa mga pagbabago na ginawa sa restaurant. Kahit ayaw man niya sa food business ng ina, kailangan pa rin niyang tulungan ito. Tuloy-tuloy lang ang pag-aayos sa restaurant. Nabili rin nila ang katabing building. Gagawin nila itong expansion ng restaurant. Ang ibang floors ng building will be changed as hotel accomodations. Ang ground floor ang magiging restaurant and spa. Pina-expand pa lalo ito kasama ang space ng bagong building na binili nila. "Unbelievable! This is better than I expected," naluluhang saad ni Mrs. Adams. Pinagmamasdan nila ang renovation na ginagawa sa restaurant. "This will be a huge restaurant. Interesting! " Natutuwang pakli ni Mr. Adams at inakbayan ang asawa. Pinapanood nilang mag-asawa ang mga taong abala sa pagre-renovate ng resto. Si Brent naman ay abala sa pakikipag-usap sa architect and some engineers na hahawak sa construction ng restaurant. Mayroon na rin silang naitalaga na interior designer once the place is finished. Marami silang ipapabago sa loob. Nakangiting lumapit ang binata sa mga magulang. Nag-uusap ang mga ito habang nakasandal sa kotse. Hindi rin makapasok ang parents dahil on-going ang contruction at maalikabok sa loob. Balak din ng binata na siya ang mag-manage sa electrical setting ng restaurant. Linya niya ang electrical engineering. Pinalagyan din ng dalawang swimming pool, jacuzzi's with shower rooms and massage areas ang negosyo. This will turn out as Adams Eat all You Can with other services. Foot and body massage, facial, bar and more services and additional new facilities na papatok sa masa ang dinagdag. This is a package services for all customers na puwedeng ma-access ang lahat ng facilities. "Mom, Dad." Bati niya sa mga ito. "It's time for me to relax now. I've been busy this past few days." "You can always do that, son," nakangiting sagot ng ama. "Wanna come, Dad?" Nakangisi sa ama na saad ng binata. "I'm not single anymore," sabay tingin ng ginoo sa asawa na nakasimangot. "You bast*rd!" Hinalikan ni Mr. Adams ang asawa sa pinsgi nito. Selosa pa rin ito. Sa tagal ng pagsasama nila, he never cheated on her. He just love to play before. He's enjoying his life to the fullest before until he met her. He can see Brent in his early age. Like father like son, ika nga. This man will change once he found his true love. "We wont stay long, son," tinapik ni Mr. Adams ang anak. "We have a date. Thank's for doing this to us." Ang ama ni Brent ang nagda-drive kapag ganitong nagda-date ang magulang. "Don't worry, lovers!" Tinanguan ng binata ang mga magulang. "Enjoy!" Paminsan-minsan ay dumadaan sa area ang mga magulang niya. Tinitingnan ng mga ito ang renovation at construction ng lugar. Mahaba-haba pa ito bago matapos dahil sa rami ng dinagdag na facilities. From time to time, chine-check din ito ng binata. It's been a while na hindi man lang niya na-text or natawagan ang mga kaibigan. Hindi naman nagsasawa ang mga ito sa kaka-send ng messages. Tumatawag din ang mga ito pero hindi niya sinasagot. He's quite busy this past few days sa construction nitong restaurant. Hindi na rin nag-message si Lindsay sa kanya. Hindi na niya pinagkaabalahan pang replayan ang nobya. Ganito naman ang set-up nila ng nobya. They just busy doing their own thing even they're engaged. Sometimes he's so confused. Are they really in love or just needed each other as bed partners? Dinial niya ang number ni Ben. "Hey! Brother, where are we tonight? mabilis na tanong niya nang sagutin ng kaibigan ang tawag. "F*ck you, dude!" Halos pasigaw at may halong pagkainis ang boses ng kaibigan sa kabilang linya. "Why took so long, really? What's up!! God!" Natatawa lamang siya reaksiyon ng kaibigan. Mag-iisang linggo na kasing hindi niya kinontak ang mga ito. Alam ng mga ito kung kailan ang dating n'ya sa Pilipinas. Since na lagi naman siyang nagbabakasyon, yearly or twice a year siya sa Pilipinas umuwi. Teenager pa lang, magkakaibigan na sila. Magkaibigan ang mga magulang nila na napasa sa mga anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD