Chapter 2

3003 Words
LARAH: PARA akong pinagsakluban ng langit at lupa na naatim niya talagang iwanan ako sa gantong lugar. Naiiyak ako na palinga-linga. Nagbabakasakaling bumalik ito. Na sinusubukan lang niya ang katatagan ko. Pero ilang minuto na akong naglalakad ay walang Alden ang bumalik. Iniwan niya talaga ako. Hindi ko namalayan ang pagragasa ng luha sa aking mga mata. Hindi ko lubos akalaing aabot kami sa gan'to ni Alden. Samantalang dati ay kahit lamok ay hindi nito hahayaang makadapo sa akin. Napaka-caring at protective boyfriend nito na wala ka ng mahihiling pang iba. Pero ngayon? "Nagbago ka na nga. Ibang-iba ka na, Alden." Nagpahid ako ng luha na pilit nilalabanan ang takot at kaba ko. Wala pa naman akong mahagilap na kabahayan sa paligid. Tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa mga nitsu na nahahagip ng paningin ko pero pilit kong inihahakbang ang mga tuhod ko. Napakalamig pa ng hangin na tila may mga nakamasid sa akin sa paligid. Dama ko ang panginginig ng katawan ko na hindi ko alam kung dahil ba sa lamig? O dahil sa kabang nadarama ko. "Kaya mo ito, Larah. Ikaw pa ba?" piping usal ko na pinapatatag ang sarili. Mariin akong napapikit. Ilang beses na napahingang malalim na kinakalma ang isipan at puso ko. Kapag nagpadala ako sa takot at negatibo ay mas lalo lang akong kakainin ng takot ko. Lalo na't. . . nasa tapat pa naman ako ng sementeryo sa dis oras ng gabi! Nang makalma ko na ang sarili ay dahan-dahan na akong napadilat ng mga mata. Diretso ang paningin sa harapan at iniisip na lamang ang mga magaganda at masasayang ala-ala ko sa pamilya ko Gusto kong ilihis ang katotohanan na. . . nasa nakakatakot akong lugar at walang kasama. Sa gan'tong paraan ay mas kalmado ang isipan ko. Na hindi naba-bottered sa paligid ko. "Meeoooww!" "Aahhh! Mommy!" tili ko na may tumalong itim na pusa sa harapan ko at malakas ang pag-meow nitong ikinagulat ko. Napatalon ako na tinayuan ng mga balahibo sa katawan. Hindi ko na kaya ang nagpaparamdam sa akin. Na tila may mga matang nakatutok sa akin mula sa mga nitsu sa tabi! NANGANGATOG ang mga tuhod ko na malalaki ang hakbang na naglakad. Hindi ko na rin mapigilan ang pangingilid ng luha ko at panginginig ng katawan dala ng takot. "Ang sama mo, Alden. Wala kang kasing sama," nanggigigil kong asik sa isip-isip ko. Maya pa'y may humintong magarang kotse sa tabi ko na ikinahinto ko sa paglalakad at kumabog ang dibdib. "Babe?" dinig kong pagtawag ng kung sino sa akin. Para akong nabunutan ng tinik na marinig ang pamilyar na boses nitong ikinapahid ko ng luha at napabaling kaagad dito. "Daemon!" Napahagulhol ako na ikinatawa nitong malalaki ang hakbang na nilapitan ako at mahigpit na niyakap! Napasubsob ako sa kanyang dibdib na parang batang umiiyak dito. "Hey, are you okay? Your shaking, babe," nag-aalalang saad nito. Umiling lang ako na nakayakap pa rin dito. Nang mas makalma ko na ang sarili ay kumalas na ako ditong nagpahid ng luha. Bakas ang awa at simpatya sa kanyang mga mata na napatitig sa akin. Pilit akong ngumiti dito na napapasinghot. "I'm okay, Daemon. Anyway, why are you here?" nagtatakang tanong ko. Napakibit-balikat ito na iginiya na ako papasok ng kanyang kotse. Nanginginig na rin kasi ako dala ng lamig at nerbyos! Mabuti na lang at napadaan dito si Daemon! "Napadaan lang. Hindi ko naman akalaing ikaw pala ang makikita ko dito. Sa gan'tong lugar, ha? Wow, ang tapang mo namang magpagala-gala sa gan'tong kadelekadong lugar na mag-isa. Ang tigas talaga ng ulo mo, Lara." Panenermon nito habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Hindi ko naman pwedeng sabihin dito kung anong ginagawa ko sa lugar na ito. Mapapahamak ang imahe ni Alden maging ang mga kumpanya nila. Napahinga ito ng malalim na walang nakuhang sagot mula sa akin. Nakatanaw lang naman ako sa labas ng bintana at tahimik. Si Daemon Stanford ay ka-love team ko sa trabaho. At dahil maingay ang aming pangalan ay pinagpanggap kami ng aming mga manager na ilabas sa publiko na magkarelasyon kami in real life. Bagay na nakatulong nga naman sa aming pag-asenso at popularity sa publiko. Pero nanliligaw naman talaga sa akin si Daemon. Ilang beses ko na siyang binasted. Pero, heto at nanliligaw pa rin. Matalik na kaibigan lang kasi ang nararamdaman ko dito. Dahil kahit dayain ko ang sarili? Alam ko sa puso kong Si Alden pa rin ang nandidito. Ang naukit dito sa aking puso. Hanggang ngayon. Kahit masyadong masakit ang. napagdaanan ko dito. Hindi ko siya mapakawalan sa puso ko. Na may parte pa rin ditong umaasa na. . . na kami pa rin ni Alden hanggang dulo. "What's bothering you, babe?" tanong nito sa mahaba-haba naming katahimikan. "Wala. Pagod lang," bagot kong sagot. Napahinga ako ng malalim na iniisip ang nangyari kanina sa amin ni Alden. Kung saan tinangay niya lang ako sa ganoong lugar para paglaruan niya. Napakislot naman ang p********e ko na maalala kung paano ako nilaro kanina ni Alden sa kotse nito. Kung paano ako pinaligaya ng mga daliri nito. Dama ko ngang nanlalagkit pa rin ang kaselanan ko hanggang ngayon. MATAPOS ako nitong maihatid sa tapat ng mansion at masiguro na nakapasok ako ng gate ng maayos ay saka lang umalis ang kotse nito. Bagsak ang balikat na pumasok ako ng mansion at tumuloy ng aking silid. Naglinis ng katawan bago nahiga ng kama. Pagod na pagod ang pakiramdam ko at inaantok na rin dahil halos mag-uumaga na. NAALIMPUNGATAN ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Naniningkit ang mga mata na napaangat ng mukha. Maliwanag na sa labas. "Uhmm," mahina akong napaungol na nag-inat ng katawan. Kulang na kulang pa ako sa tulog kaya dama ko ang mga mata kong gusto pang umidlip. Pero hindi pa man ako nakakaidlip ay narinig kong bumukas-sara ang pinto ng silid ko. "Ang batang ito talaga," dinig kong saad nitong ikinangiti ko sa isipan ko. Nagkalat kasi ang mga damit ko sa sahig at tanging panty lang ang suot-suot ko. Nakadapa ako ng malaking kama ko at walang kumot dahil gusto ko ang init ng araw na tumatama sa aking balat lalo na't hindi pa naman ito kainitan. Lumundo ang gilid ko na napapahinga ito ng malalim at hinaplos ako sa ulo na lihim kong ikinangiti na hinayaan lang ito. "Good morning, hija. Bangon na, breakfast is ready." Paglalambing nitong ikinangiti ko. "Uhmmm. . . I'm still sleepy, Mom." Paos ang boses kong reklamo. Mahina itong natawa na humiga sa tabi ko at niyakap akong ikinasuksok ko sa kanyang malulusog na dibdib! Hinahaplos-haplos naman ako nito sa buhok kong sabog-sabog pa na nakalugay. Panay ang halik sa aking ulo. "Don't you missed me? Gusto ko sanang mag-mother and daughter out naman tayo, Sweetie. Mis na mis ko na ang prinsesa ko e." Napahagikhik ako sa paglalambing nito lalo na't para siyang batang nagtatampo sa akin. "Of course I miss you too, Mom. Kayo talaga. Hindi pa naman ako babalik ng France. Marami pa po tayong oras para mag-bonding. Sa ngayon? Hayaan niyo na muna akong mag-sleeping beauty dito. Dalawang taon din po akong walang pahinga sa trabaho," sagot ko na tumagilid ng higa at niyakap na rin ito. "Labas na tayo, sweetie." Pangungilit pa nito. "Bukas na lang, Mom. Gusto ko pong magpahinga ng buong araw eh," malambing sagot ko na hinahalik-halikan ito sa ulo. Napahinga naman ito ng malalim na halatang labag sa loob na pumayag sa gusto ko. Nangingiti na lamang ako sa isip-isip ko. Napakagaan ng loob ko habang yakap-yakap si Mommy na naglalambing ito sa akin. Paano? Wala naman kasi siyang ibang pamimilian e. Ako lang ang anak nila ni Daddy na babae. Naalala ko pa dati na every weekend ay lumalabas kami ni Mommy. Dinadala niya ako kung saan ko gustong magpunta. Kahit nga sa ibang bansa pa ang gusto ko ay ibibigay nito. KINAGABIHAN ay lumabas ako na nagtungo sa Bar. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob sa ginawa sa akin ni Alden kagabi. Pakiramdam ko ay ginawa niyang laruan at katawa-tawa ang tao. Hindi ko lang lubos maintindihan kung bakit sa aming dalawa ay ito pa ang galit? Na parang kasalanan ko pa kung bakit nasira ang maganda naming relasyon dalawang taon na ang nakakalipas. Akmang babalik na ako ng VIP room ko ng masulyapan ang pamilyar na pigura ng lalakeng pumasok sa kabilang silid ng kinaroroonan kong VIP room! Naniningkit ang mga mata ko dahil baka naduduling na ako dala ng dami ng nainom ko. Pero hindi. Nandidito na naman siya. Sinusundan niya ba ako para lang bwisitin? Nakakainis na! Kuyom ang kamao at pilit akong naglakad ng tuwid. Pumasok ng kabilang VIP room at nadatnan nga itong naglalasing sa sulok. Pero pagkalapit ko dito ay saka ko lang siya nakilala. Hindi siya kundi ang kakambal niya. Si Aldrich Di Caprio. Ang kakambal ni Alden. Mukhang lasing na rin ito at katulad ko ay kay bigat ng dinadala sa dibdib. "Larah?" kunot ang noo na napatitig ito sa akin. Bakas sa mga mata nito na galing lang sa pag-iyak. Hmmm. . . mukhang may nagpapatino na rin sa kilalang playboy na Aldrich Di Caprio, ha? Pero hindi pa man umiinit ang pwet ko sa kinauupuan ay bumukas ang pinto at kita sa peripheral vision kong nandidito ang hudyong kakambal nito. Kahit wala sa hulog ay pikitmata kong siniil ai Aldrich sa kanyang mga labi na nanigas at natulala sa aking ginawa. Napapangisi ako sa isip-isip ko na damang matiim na nakatitig sa amin ang kakambal nito. Makabawi-bawi manlang ako sa kalapastangan niya sa akin kagabi! Namimilog ang mga mata na napabitaw ito sa akin. Pero ang hindi ko inaasahan ay may iba pa lang kasama si Alden na kung hindi ako nagkakamali ay si Monica! Damn! Ang secret crush ni Aldrich mula bata pa lang kami! Hindi kaya siya ang girlfriend nitong dahilan kaya siya naglalasing ngayon at kitang galing pa silang dalawa sa pag-iyak dahil kapwa sila namumula at mugto ang mga mata. "Monica!" Napasunod si Aldrich dito na napatakbo. Nanghihina akong napaupo na sapo ang ulo. Fvck! Mukhang napasama pa yata! Malay ko bang may girlfriend na pala ang isang iyon? Si Alden na hudyo lang naman ang gusto kong inisin eh. "Happy? Wow, iba kagabi. . . at iba na naman ngayon," sarkastikong saad nito. Hindi ako sumagot na dinampot ang shot ni Aldrich at inisang lagok iyon. Pabalang naman itong naupo sa tabi ko na napapatitig pa sa akin. "Are you enjoying your life, huh?" muling saad nito na may pang-uuyam sa tono. Napangisi ako na bumaling dito at matapang na sinalubong ang mga mata nitong nang-uuyam. Kahit para akong manginginig sa uri ng tinging ginagawad nito ay pilit kong umarteng normal at hindi na apektado dito. "Yeah. Sobra. Sobrang nag-e-enjoy ako sa buhay ko na nawala ka sa kamay ko, Alden. Mas masaya. Kapag wala ka," sarkastikong saad ko na ikinalunok nito. Nagtaas ako ng kilay na muling napasalin ng alak sa baso ko pero inagaw nito ang whiskey na direktang tinungga iyon. Iiling-iling na lamang akong ibinaba ang baso ko sa mesa. Nag-iiigting ang panga nito na parang tubig na ang alak dito kung makalaklak. Napa-tsk na lang ako na pabalang tumayo. Wala akong planong makipaglaro dito dahil lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko mula sa nakalipas namin. Pero hindi pa man ako nakakarating ng pinto ay may humablot sa braso ko at marahas na isinandal ng dingding! Namimilog ang mga mata ko na napatitig ditong namumula na ang mukha dala marahil ng alak na nilaklak nito! Naniningkit ang mga mata nito na tila tinitiris ako sa kanyang isipan! Nag-iigting pa rin ang panga at bakas ang galit sa kanyang mga mata. "Stay away from my brother. Makipag-fling ka kahit kanino. O kahit ilan pa. I don't f*****g care, Larah. Pero hwag si Aldrich. May asawa na siyang iniingatan. Kuha mo?" may kadiinang asik nito na nagngingitngit ang mga ngipin. Pagak akong natawa sa nakikitang reaction nito na tila konting-konti na lang ay mapipilipit na ang leeg ko sa galit! "I don't care, Alden. As long as masaya kami ni Aldrich," pang-aasar ko ditong ikinakuyom ng kamao nito na lumarawan ang galit sa mga mata nito. Tila nagbubuga na ng apoy ang mga iyon at plano na akong tustahin sa sobrang galit sa akin! "So mahilig ka ng makipaglaro kung kani-kanino ngayon, ha? Fine. Let's play tonight, honey." Nakangising asong paanas nito. Namilog ang mga mata ko sa paanas nito kasabay ng pagdiin ng pagkakahawak nito sa braso ko at unti-unting sumilay ang pilyong ngisi sa mga labi! Para akong nahimasmasan sa mga sandaling ito! "Get off me! Wala akong planong makipaglaro sa'yo. Mas nanaisin ko pang sa iba na lang!" asik ko na pilit binabawi ang braso ko dito. Mas lalo namang lumapad ang ngisi nitong hinila ako sa gawi ng kama! Kahit nagpupumiglas ako ay hindi ko magawang makakawala sa lakas niya! "No worries, honey. Mas magaling na ako ngayon kaysa noon. Sisiguraduhin kong masisiyahan ka sa laro natin," paanas nitong bulong sa tainga ko! Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na nangilabot sa kinikilos nito! Ibang-iba na siya sa Alden na kilala at minahal ko. Dahil ang Alden na mahal ko ay kailan ma'y hindi niya ako magawang bastusin at saktan. Bagay na ginagawa ng Alden na kaharap ko ngayon. Nagbago na nga siya. Ibang-iba na siya. "Aahhh! Alden! Ano ba!?" asik ko na pilit itong tinutulak palayo sa akin. Pero mahigpit lang itong yumapos sa baywang ko at itinumba ako sa kama na ikinaguntang ko! Napapangisi itong hinubad ng isang kamay ang suot na necktie habang hawak ng isang kamay nito ang dalawang kamay ko at sinasadya akong pisatin sa ilalim nito! Hindi ako makakilos sa bigat nito! "S-stop it! Hindi na ito nakakatuwa!" asik ko na nauutal at nanginginig na ang boses! Pero para itong leon na gutom na gutom. Nanlilisik ang mga mata na tila walang naririnig! "Alden, no!" tili ko na iginapos nito ang dalawang kamay ko at itinali sa gilid ng headboard nitong kama! Namumuo ang luha sa mga mata ko at sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. "Stop it, please? Tumigil ka na," pakiusap ko na tumulo ang luha. Impit akong napatili at hikbi nang sumubsob ito sa aking leeg na nagsimula akong dilaan doon pababa sa aking balikat at punong-dibdib! Natigilan naman ito na marinig ang paghikbi ko. Hindi ko na napigilan pa at napahagulhol na ako ng tuluyan. Napapalunok naman itong umalis ng ibabaw ko at nahiga sa tabi ko sapo ang noo. Tila nahimasmasan sa pinaggagagawa. "Let me go. I wanna go home now. Please?" humihikbing saad ko. Walang salitang kinalas nito ang pagkakatali sa mga kamay ko at hinayaan akong bumangon ng kama. Muli itong nahiga na napadantay ng braso sa noo. Mapait akong napangiti na napatitig dito. Parang pinipira-piraso ang puso ko sa mga sandaling ito habang nakamata sa lalakeng pinakamamahal ko. "I hate you. Pinagsisisihan kong. . . minahal pa kita," lumuluhang saad ko. Kita ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Pero wala na akong pakialam pa dahil sa ginawa niya sa akin. Pakiramdam ko ay ibang-iba na siya. Hindi na siya ang Alden na minahal ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at lumabas na ako ng silid. Nagpahid ng luha at kuyom ang kamao na naglakad palabas. Hindi ko iyon gustong sabihin. Nadala lang ako ng galit dito. Dahil muntik na niya akong magahasa kung hindi siya natauhan. Ganon kalaki ang galit niya sa akin. Na tipong wala ng natitira itong ni katiting na respeto at pagmamahal sa akin. Siya pa talaga ang may ganang magalit sa aming dalawa? Gayung napakalinaw sa akin naa siya itong. may malaking atraso sa aming relasyon na ikinaguho nito. Kung hindi siya nagtaksil? Kung hindi niya ako niloko? Maayos pa sana ang lahat-lahat sa amin ngayon. Pero hindi. Niloko niya ako. Pinaglaruan. At hanggang ngayon ay gusto niya pa rin akong gawing kanyang laruan. Ang sama niya. Napakasama niya. "You'll regret this, Alden. Hinding-hindi mo na ulit ako malalapitan." Piping usal ko. Napapahid ako ng luha na naglakad na parang walang nangyari. Tuwid na tuwid na naglakad palabas ng Bar. PAGKAPASOK ko ng kotse ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong napahagulhol na sumubsob sa manibela. Sobrang bigat ng loob ko sa mga sandaling ito. Para akong pinipiga sa puso ko. Paanong humantong kaming dalawa sa gan'to? Paanong nagbago ang malambing at clinging na Alden na kababata at naging boyfriend ko? Saan nanggagaling ang galit niya? Bakit siya pa ang may ganang magalit sa aming dalawa? Ilang minuto akong umiyak dala ng sama ng loob ko. Nang makalma ko na ang sarili ko ay saka ko lang inayos ang sarili at binuhay ang engine ng kotse. "How dare you, Alden. Ikaw pa talaga ang gagawa ng gan'to sa atin? Ikaw pa talaga ang galit? Ang kapal ng mukha mo!" nanggigigil kong asik na pinaghahampas ang manibela sa inis ko. Napahagulhol akong sumubsob sa manibela na pinakawalan ang bigat sa dibdib ko. Para akong pinipiga sa puso ko habang naiisip si Alden. Kung paano itong nagbago sa akin. Hindi ko lang lubos akalaing magagawa niya ito sa akin. Na parang hindi niya ako minahal noon. Kung alam ko lang na sa gan'to kami hahantong ay hindi ko na sana siya sinagot noon. Nanatili na lang sana kaming magkaibigan. Hindi sana kami aabot sa gan'tong punto na halos magsumpaan na kami na sana. . . sanay hindi na lang kami nagmahalan. "You've changed, Alden. You're really changed. Hindi na ikaw ang Alden na minahal ko. Hindi na kita makilala pa. Sana. . . sana hindi na lang kita minahal," usal ko na puno ng pait. Mariin akong napapikit. Nanatiling nakasubsob sa manibela na tahimik na umiiyak. Inilalabas ang lahat ng sama ng loob kong kagagawan ng taong minsan ko ng minahal ng higit sa buhay ko. Ang tinuturing kong dolce amore ko. Si Alden Di Caprio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD