Realization!

2209 Words
LARAH: KINABUKASAN ay nagtungo ako ng condo unit ni Aldrich para makausap ito at si Monica. Ayoko namang mapalala ang tampuhan ng dalawa dahil sa akin. Hindi ko naman intention na masaktan si Monica. At wala akong planong guluhin ang masayang pagsasama nila. Masaya akong malaman na lumagay na ito sa tahimik na buhay kasama ang babaeng pinakamamahal nito. Dahil kumpara kay Alden? Napakababaero ni Aldrich na tila wala ng babaeng makakapag patino sa kanya. Hindi katulad ni Alden na hindi maligalig na lalake. Kaya ang hirap sa aking tanggapin ang katotohanang. . . .nambabae siya habang magkarelasyon kami. Nakakainggit nga si Aldrich kasi siya? Asawa na niya ang mahal niya. Habang kami ni Alden? Malabo ng magkaayos pa kami ng lalakeng 'yon. Matalik kong kaibigan si Aldrich at alam din naman nito ang nangyari sa amin ni Alden, dalawang taon na ang nakakalipas. Pero kahit nagkasira kami ni Alden ay hindi nagbago ang magandang pagkakaibigan namin nito. Na kahit wala na kami ng kambal niya ay hindi ito nanlamig sa akin. PAGDATING ko ng condominium nila ay hindi ko mapigilang kabahan na makakaharap ang mga ito. Mariin akong napapikit na ilang beses bumuga ng hangin para ibsan ang kaba ko. Kabado ako habang paakyat ang elevator sa floor ng unit nito. Sana lang ay mapag-ayos ko silang dalawa. Ilang beses akong humingang malalim para kalmahin ang puso kong sobrang bilis ng pagtibok! Naninikip ang dibdib ko at bigla ring nangatog ang mga tuhod na nasa harapan na ako ng pinto ng unit ni Aldrich! "Kaya mo 'to, Larah." Usal ko. Akmang pipindutin ko pa lang ang doorbell nito nang bumukas ang pinto at niluwal non si Alden akbay si Monica. Kapwa pa kami nagkagulatan na mabungaran ang isa't-isa! "Oh? What a surprise, my dear Larah. What are you doing here? Early in the morning?" sarkastikong tanong ng hudyo na ikinaismid ko. "Visiting the man I loved the most, why?" nakangising sagot kong ikinaningkit ng mga mata nito. Nagtaas ako ng isang kilay na napangisi dito. Napalunok naman ito na kita ang pagdaan ng sakit sa mga mata nitong walang emosyon. "Um, okay. Enjoy his company," madiin at makahulugang saad nitong inakay na si Monica sa gawi ng elevator. Hindi pa man ako nakakabawi ay lumabas na si Aldrich na bahagya pang nagulat na makita ako. "Aldrich?" "Larah? What brings you--ooh, s**t!" bulalas nito na naputol ang ibang sasabihing masulyapang papasara na ang elevator na sinakyan ni Alden at Monica. Napasunod ako dito na hinabol ang dalawang pasakay na sa elevator. Nagtamang muli ang mga mata namin ni Alden na nakangising aso pa sa akin kaya napayakap ako sa braso ni Aldrich. HABANG nasa kahabaan kami ng byahe ay ramdam ko ang panaka-nakang pagsulyap-sulyap ni Alden dito sa gawi namin. Maging si Monica. Kami kasi ni Aldrich ang magkatabi kaya nakakailang ang set-up naming apat. Pero mas gugustuhin ko naman na makatabi si Aldrich kumpara kay Alden dahil tiyak akong iinit lang ang ulo ko sa kanya. Kaya lang naman ako sumama ay para makausap ng masinsinan si Monica at matulungan ko silang mapag-ayos ni Aldrich. Wala akong pakialam dun sa hudyo na nagtatago ang sungay. Tss. SAKAY ng chopper ay nagtungo kami sa probinsya nila Monica. Kabado man lalo na't wala naman ito sa plano ko ay nagsa walang bahala na ako. Sisiguraduhin ko lang na magkaayos si Aldrich at Monica bago ako bumalik ng syudad. Wala akong planong magtagal dito na nandidito si Alden. Tiyak naman kasi akong mag-aaway at magkakasakitan lang kami ng hudyo. Namamangha akong napagala ng paningin sa probinsya nila Monica. Ang ganda nga dito at tahimik ang lugar. Malamig at dama mong sariwa ang ihip ng hangin. "Ang ganda naman dito," bulalas ko. "Yeah," simpleng sagot ni Aldrich na katabi kong napapagala din ng paningin sa paligid. Sakto namang pababa na ang dalawa kaya napayakap ako sa braso nito para inisin ang hudyo. "Tara," anito na umakbay sa akin. Nagpatiuna kami ni Aldrich na nagtungo ng bahay. Nakasunod naman ang dalawa sa amin at ramdam ko ang matiim na pagtitig ni Alden sa likuran ko. Hindi ko na lamang ito pinapansin. Hah? Manigas siya! Lihim akong napapangiti na nagsusulyapan ang dalawa habang magkakaharap kaming apat dito sa sala ng bahay nila Monica at nagmimeryenda. Magkatabi kasi kami ni Aldrich hanggang dito. Kaharap namin sina Alden at Monica kaya napapaismid ako kay hudyo na pangisi-ngisi sa tuwing magtatama ang paningin namin nito. KINAGABIHAN ay nagkayayahan sina Tito Carding, Aldrich at Alden na magkainuman sa labas. Magkasama naman kami ni Monica sa iisang silid. Katabi ang silid na tutuluyan nila Alden at Aldrich. Napangiti ako na tumabi ditong nakasilip sa siwang nitong bintana na tinitignan ang tatlong lalakeng nag-iinuman. "Okay ka lang?" tanong ko. Napapakagat ito ng ibabang labi na tila hindi mapakali habang nandidito na kami sa silid. Iginiya ko ito sa kama at magkatabing naupo sa paanan. Hinawakan ko ang kamay nito na pinagtama ang aming mga mata. "Monica, I'm sorry about what you see yesterday at the Bar. It's not what you think," sinserong paumanhin kong ikinangiti nito. "Naku, wala na po iyon, Mis Larah. Hwag niyo na pong alalahanin ang bagay na 'yon." Napangiti ako sa isinagot nito na bakas din naman ang sensiridad sa kanyang mga mata at tono. "Larah na lang." "Ho?" Natawa akong napailing na hinawakan ito sa kamay na napapalunok. "You can call me by my name, Monica. I won't mind." Napalapat ito ng labing marahang napatango na ikinangiti ko. "S-sige po. L-Larah." "Friends?" aniko na ikinangiti nitong nahihiyang nakipag shake hands sa akin. "Friends." DALA ng pagod ay maaga akong nakaidlip habang katabi si Monica. Naalimpungatan na lamang ako ng bumukas-sara ang pinto. "Fvck," dinig kong mura ni Alden na ikinabalikwas ko ng kama. Kinusot-kusot ko ang mga mata na naigala ang paningin. Mag-isa na lang kasi ako ng silid. Maya pa'y tumayo si Alden mula sa pagkakasubsob nito sa sahig na kitang. . . lasing na lasing! Naalarma ako ng muntikan na naman itong masubsob na kaagad kong ikinayakap sa kanyang tagiliran para maalalayan ito. "Fvck! Ang lakas ng tama," ingos nito na lasing ang boses. Gigewang-gewang kami nitong inalalayan kong makahiga ng kama. Sobrang bigat nito na ikinagising ng aking diwa. Naupo ako sa gilid na inayos ito sa pagkakahiga. Maya pa'y hinapit ako nito sa baywang na ikinanigas kong napapalunok! Dahan-dahan itong nagmulat ng kanyang mga matang mapupungay at namumula na. Napaangat ang isang kamay nito sa aking pisngi na unti-unting napangiti. Para naman akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko habang matiim kaming nagkatitigan sa isa't-isa. Ngayon ay mababakasan ko na ang mga mata nito ng halo-halong emosyon. Longing, sadness, desire. "My Larah." Napalapat ako ng labi sa sinambit nito na halos pabulong na. "A-Alden," mahinang sambit kong ikinangiti nito. Napahawak ito sa batok ko na dahan-dahan akong hinilang ikinalapat ng aming mga labi! Mariin akong napapikit kasabay ng pagtulo ng luha kong muli kong nalasap ang mga labi nito. Maging ito ay hindi kumikilos na tila ninanamnam ang mga sandali habang magkalapat ang mga labi namin! "Damn, I miss you so much, honey." Napadilat ako sa paos na bulong nito. Nanatili naman itong nakapikit na inabot muli ang mga labi kong malalim akong hinalikan! Naninigas ako sa ibabaw nito. Hanggang sa unti-unting napapasabay na rin ako sa bawat hagod ng kanyang mga labi sa labi ko na ingat na ingat salitang sinisipsip ang mga iyon! "Uhmm, A-Alden," paos kong ungol. Nagsimula na ring humaplos ang kamay nito sa aking likuran pababa sa pisngi ng pang-upo kong unti-unting ikinabubuhay ng kakaibang init at pananabik sa aking katawan! "L-Lara. . . uhmm, honey." Parang malamyos na musika sa pandinig ko ang mahihinang ungol nito na halos higupin na ang buong bibig ko sa lalim niyang humalik! Naghahabol hininga kaming napabitaw sa isa't-isa at nagkatitigan. Nalalanghap ko na rin ang mainit at mabangong hininga nito na may halong alak na kanyang nainom. "Did you miss my kisses, honey?" malambing bulong nito. Napayapos ako ng braso sa kanyang batok na unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko. "Yeah. I miss it, Alden." Lalo namang napangiti itong muling yumuko na siniil ako sa mga labi. Bawat hagod ng mga labi nito ay sinasabayan ko habang napapahaplos na rin sa kanyang katawan! Kahit nalalasahan ko ang alak na nainom nito sa kanyang mga labi ay taos puso kong tinutugon ang halik nito. Pinapadama sa kanya kung ano ang isinisigaw ng puso ko. "Fvck. Uhmm. . . I want more, honey," napapaungol ito sa paglulubidan ng aming mga dila sa loob ng bibig ko. Napapangiti ako sa isip-isip na ngayon ay dama ko na ang totoong siya. Ang Alden na kilala ko. Ang Alden na malambing at mapagmahal. Ang Alden na minahal at minamahal ko. "A-Alden," mahinang ungol ko sa pangalan nito nang bumaba ang mga labi nito sa leeg ko. "Come back to me, my Larah. Please? I'm longing for your love." Nanigas akong parang sinabuyan ng malamig na tubig sa paanas nito. Maya pa'y yumugyog ang balikat nito na napahagulhol sa leeg kong ikinalapat ko ng labi at nagsi-alpasan na rin ang luhang napayakap dito. "A-Alden," basag ang boses na sambit ko. Nag-angat ito ng mukha na tumitig ang mga luhaang mata sa akin. Ngumiti ito na hinaplos ang pisngi ko. "What happened to us, Larah?" "Tama, ano bang nangyari sa atin, Alden? Bakit? Paanong nasira tayo ng ganito?" balik tanong ko dito na may halong pait ang tono habang patuloy kaming lumuluhang nakamata sa isa't-isa. "I don't know. It just happened. But one thing I'm sure is, I'm still in love with the girl I'm with, tonight." Napasubsob ako sa kanyang dibdib na napahagulhol. Panay naman ang halik nito sa ulo ko na niyakap na ako. "Did I do something wrong in the past? May nagawa ba akong h-hindi mo nagustuhan? May nasabi ba akong mali? Tell me, please? Gulong-gulo na kasi ako kung paano tayo umabot sa gan'to?" tanong nito. Napapahid ako ng luha na umayos ng higa. Napasandal ako ng ulo sa headboard ng kama. Nakamata lang naman ito sa akin. Naalala ko naman ang tagpong inabutan ko sa kanyang unit, dalawang taon na ang nakakalipas. Kung saan kitang-kita kong pinapaligaya siya ni Bettina. . . ang secretary niya. Para na namang pinipiga ang puso ko na maalala ang tagpong iyon! Mariin akong napapikit na umagos muli ang masaganang luha sa aking mga mata. Marahan naman nitong pinahid ang pisngi ko. "You betrayed me," mapait kong saad. "What? How? Didn't you're the one who betrayed me?" naguguluhang tanong nito. Nagmulat ako ng mga mata na napatitig dito na hindi makapaniwala. Pero kita ko ngang gulong-gulo ang itsura nito. Napapapilig pa ng ulo na tila kay lalim ng iniisip. "Hwag mo akong baliktarin, Alden. Kitang-kita kita noon sa unit mo. Pinapaligaya ka ng secretary mo," pagtatapat kong nanunumbat ang tono. Awang ang mga labi na namimilog ang mga matang napatitig ito sa akin. Nagpahid ako ng pisngi na sinalubong ang mga mata nitong bakas ang kalituhan! "Si Bettina? Damn, Larah. Paano naman mangyayari 'yon, ha? Ikaw pa lang ang naikakama ko. At wala akong planong tumikim pa ng iba," madiing asik nitong ikinaawang ng bibig ko. "I saw you two. Nagsi-s*x kayo ni Bettina sa kama mo mismo sa unit. Sarap na sarap pa nga siyang nangangabayo sa ibabaw mo!" panunumbat ko dito na hindi na napigilang nasampal ng malakas! "Niloko mo ako! How dare you!" asik ko pa na kung saan-saan na ito nakakalmot. Natutulala naman ito na malalim ang iniisip! Pero bakas ang kalituhan sa mukha hindi guilt. "Hwag mo akong paratangan ng bagay na hindi ko kayang gawin, Larah. Sigurado ka bang ako ang nakita mo, ha? Kasi ako? Oo lasing ako, pero tandang-tanda ko namang wala pa akong ibang butas na pinapasok, bukod sa'yo." Natigilan na rin ako sa kakakalmot dito na sinalubong ang mga mata nito. Mapait itong napangiti na napailing. "Ikaw ang nang-iwan sa ere, Larah. Bumitaw ka ng walang pasabi. Pinagmukha mo akong tanga. Panay ang tago mo sa relasyon natin ng mahigit isang taon. Pagkatapos malaman-laman kong ikaw pa mismo ang mag-aanunsyo sa interview mo na boyfriend mo ang Demon na 'yon," panunumbat din nito. "It's Daemon, not Demon." Pagtatama ko. "I don't f*****g care what his name is," ingos nitong ikinalapat ko ng labi. KAPWA kami natahimik na nagpapakiramdaman. Panay naman ang buntong hininga nito ng malalim. Habang ako ay pinagtatagpi-tagpi ang mga nangyari. Namilog ang mga mata ko na may mahagip ng utak ko mula sa pag-iisip sa nakaraan! Shit! No way! Sa pagmamadali at jetlag ko noon ay room 4545 nga ang napasukan ko at hindi room 4546! Ang unit ni Aldrich! Napasapo ako sa ulo na namimilog ang mga mata at dama kong nanlamig ang katawan ko na luminaw ang tagpong iyon sa akin! Fvck! Kung gano'n ay wala ngang kasalanan si Alden sa akin?! Dahil mali ang unit na pinasok ko at dala ng kagulatan ay hindi ko nakilalang si Aldrich ang lalake na kaniig ni Bettina at hindi. . . ang boyfriend ko! Nanikip ang dibdib ko na maging malinaw na ang tagpong iyon sa akin! Fvck! Wala ngang kasalanan si Alden. Hindi niya ako niloko. Ako. . . ang nang-iwan sa kanya sa ere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD