CHAPTER 2

1708 Words
DALE Mabuti na lang at wala ang mommy ko ng makarating ako dito sa bahay dahil sigurado ako na magtanong ito sa akin at mag-aalala lalo pa at inumaga na naman ako ng uwi. Sigurado ako na napanood na nito sa balita ang viral video kung saan ako ang laman at patuloy na dinidiin ang pangalan ko. Alam ko na walang araw na hindi nag-aalala ang mommy ko sa akin. Ayaw na ayaw niyang pumasok ako sa serbisyo matapos ang pagkamatay ng daddy ko. Nag-iisa kasi akong anak ng mga magulang ko. Pangarap ng mommy ko na maging abogado ako tulad niya pero may ibang plano ang tadhana dahil pumasok ako sa serbisyo kahit pa tutul dito ang aking ins. Alam ko na natuwa ang daddy ko sa naging desisyon ko dahil ito rin ang gusto at pangarap n'ya, ang sumunod ako sa yapak ng aking ama. Siguro ay dahil mag-isa lamang akong anak kaya na ipit ako sa kagustuhan ng mga magulang ko. Pero, dumating ang araw ay namili ako at pinili kong tahakin ang daan kung saan mas lamang ang kagustuhan ko. Pumasok ako sa academy at naging pulis ako. Dahil maganda ang records at achievement ko ng makapagtapos ay naging mabilis ang promotion ko. Bagay na labis na ikinasiya ng aking ama. Proud na proud siya ng makapagtapos ako at ipinagmamalaki ako sa lahat ng tao sa paligid namin. Masaya kaming namuhay habang pareho naming tinutupad ang sinumpaan sa bayan bilang alagad ng batas. Hindi ko akalain na darating ang isang araw magbabago ang lahat. Tatlong araw bago tuluyang magretiro ang daddy ko ay napasabak ito sa isang madugong engkwentro ng magkaroon ng barilan sa isang lugar kung saan dumaan ang minamanehong kotse ng aking ama. Bilang alagad ng batas ay tinupad ni daddy ang tungkulin na iligtas ang mga taong nanganganib ang buhay dahil sa hostage taking na nagaganap sa lugar dulot ng tangkang pagtakas ng isa sa pinuno ng sindikato na dapat sana ay ililipat lamang ng kulungan. Nakatunog ang mga ito plinano ang ginawang pag-ambush sa convoy ng sasakyan na maghahatid dito sa Muntinlupa. May malalaking tao sa likod ng insedente na 'yon dahil kahit anong pilit at pag-iimbestiga ko ay wala akong nakuhang impormasyon. Lahat ng pulis na romesponde sa oras na 'yon ay namatay. Nakatakas ang bilanggo na si David Salvation na ni hindi pala nito tunay na pangalan. Isang nag-ngangalang Hermano ang sinasabi na pinuno ng Mafia ang gumawa ng paraan para itakas ito. Ililipat dapat ito ng kulungan na nauwi sa barilan hanggang sa hostage taking na siya namang nirespondihan ng daddy ko na nauwi sa pagkasawi nito ng mapuruhan at mabaril sa ulo. Labis ang pagluluksa namin ng aking ina sa pagkawala ng aming padre de-pamilya. Nangako ako at isinumpa ko sa puntod ni daddy na hahanapin ko ang mga taong naging dahilan ng kamatayan ng aking ama. Wala silang awa na kumitil ng buhay ng mga inosenteng mamamayan kaya, hindi ko hahayaan na patuloy silang mabuhay ng malaya. Tatlong taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay heto ako uhaw pa rin sa hustisya at pilit na hinahanap ang tunay na salarin sa pagkamatay ng aking ama. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw darating din ang pagkakataon na mahuhuli ko ang mga bumaril sa daddy ko at mabibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya. Sigurado ako na kung nabubuhay siya ngayon ay masasabon ako nito. Kung bakit ba naman kasi uminit bigla ang ulo mo at nagdilim ang paningin ko ng tangkain na tumakas ng drug lord na nahuli ko. Heto tuloy ang nangyari, sa kalye ang bagsak ko. Matapos kumain ay naligo ako at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Kailangan ko ng lakas para sa bagong distino ko bukas kaya minabuti ko na matulog at magpahinga. Kinabukasan, tulad ng daily routine ko ay maaga na gumising ako at umalis para pumasok sa trabaho. Dala ang transfer letter ko ay tumungo ako sa highway patrol department dito sa Pasay. Walang pakialam sa mga taong nakasalubong ko at seryoso ang mukha na pumasok ako sa opisina ng superior na nakapangalan sa transfer and release letter na hawak ko. Ilang magkasunod na katok bago ako pinapasok nito. Nadatnan ko itong kabababa lamang ng hawak na telepono at mabilis na tumayo ng makita ako. "Good morning sir," magalang na bati ko sabay abot dito ng papel na hawak ko. Agad naman na inabot nito at seryoso ang mukha na binasa ito at pinermahan. "Welcome to our department captain," sabi nito sabay lahad ng kamay para makipag-kamay sa akin. Mukhang mabait at magalang ang senior officer na kaharap ko kumpara sa dating superior ko sa investigation department na hawak ko dati. "Kilala kita Captain, alam ko ang capability mo at natutuwa ako na napunta ka dito sa departamento ko. Kailangan ko ang isang tulad mo dahil hindi ko maikakaila ang talamak na korapsyon ng mga traffic enforcement natin. Malaki ang magagawa mo para mapatino mo sila. May tiwala ako sa kakayahan mo," nakangiti na sabi nito ng bitawan ang kamay ko. "Salamat po sir," nakangiti na rin na sagot ko. Magaan kausap ang opisyal na kaharap ko. Mukhang hindi ako magsisisi na nalipat ako ng distino dito. "Bweno, heto ang report ng team na hahawakan mo," sabi ng nagpakilalang si Chief Inspector Villa. Mabilis na inabot ko ito at binasa. Maraming mga naka-red tag na pangalan na ang ibig sabihin ay under supervision dahil sa reklamo ng kurapsyon at iba pang kaso na kinasangkutan. Kung ganon hindi magiging madali ang ang trabaho ko dahil maraming pasaway at matitigas ang ulo sa team na hahawakan ko. Mukhang dito ko magagamit ang kamay na bakal ko para mapatino ang mga kumag na nasa listahan na hawak ko. "Sige po sir," sabi ko saka sumaludo. Tinawagan nito ang kung sino at isang batang pulis ang pumasok sa opisina nito. Mabilis na lumabas kami matapos magpaalam dahil ito ang maghahatid sa akin sa lamesa kung saan ako naka-assign. "Sir dito po," sabi ng kasama ko habang nakaturo sa isang pintuan sa pinaka sulok. Hindi nakaligtas sa malakas na pakiramdam ko ang mga mata na nakasunod sa akin mula sa mga pulis na nasa hilera ng mga mesa nila kaharap ang mga nakabukas na computer. Sanay na ako sa mga ganitong tingin kaya seryoso ang mukha na pumasok ako sa maliit na opisina na nakalaan para sa akin. Agad na binuklat ko ang mga dokumento na mataas na nagpatong-patong sa ibabaw ng mesa ko. Mukhang maraming trabaho na ang naiwan ng dating opisyal na gumamit nito. Hindi lingid sa akin na na-promote ito kaya ako ang pumalit sa posisyon niya dito sa departamento. Mabilis na lumipas ang oras at tanghali na kaya lumabas ako para kumain ng tanghalian. Dito makasabay ko ang dalawang PO1 na sina po1 Alday at po1 Maglaque. Sila ang nagsilbing guide ko at marami akong natutunan sa pasikot-sikot na detalye dito sa loob ng departamento. Alas tres na ng hapon ng nagpasya ako na lumabas ng opisina ko. Kasama si PO1 Alday na tinungo namin ang isang kalye kung saan marami kaming traffic enforcer na naka-assign dahil na rin sa matinding traffic dito sa hapon. Salubong ang kilay ko sa naabutan kong tagpo ng mga pulis na nasasakupan ko. Naglalaro ng mga baraha ang mga ito habang ang iba ay nakahubad pa ng uniform na ngayon ay nakapatong sa likod ng plastik na upuan sa ilalim ng tulay. Parang mga lasengo lang at tambay sa kalye ang mga hitsura ng mga ito lalo na at nakasampay pa sa balikat ng iba ang hinubad na pang-itaas na uniporme. Isang tikhim ang pinakawalan ko pero tila mga bingi at bulag ang mga nasa harap ko na lahat ay naka-focus sa barahang hawak na tila ayaw pa istorbo. Sa inis ko ay hinablot ko ang mga baraha na hawak ng dalawang malapit sa akin habang nagsitayuan naman ang lima pa na pare-parehong nagulat sa ginawa ko. "Sino ka ba at ang lakas ng loob mo na makialam sa amin!?" Singhal ng mataba at may katandaan ng pulis sa dulo. "Tarantado pala ang isang ito pakialamero. Nakakalalaki ka ah! Hindi mo ba ako kilala?" galit din na banat ng isa sabay bunot ng baril pero bago pa nito mai-angat ang baril mula sa tagiliran at nasipa ko ito na naging dahilan ng pagtilapon ng sandatang hawak nito. Mabilis na nalapitan ko ito at hinablot sa kwelyo na lalong ikinagulat ng mga kasama nito. Hindi ito nakakapalag ng isang malakas na suntok ang pinakawalan ko na tumama sa sikmura nito na naging dahilan para tumiklop ito at paluhod na bumagsak sa lupa. "Tarantado kayo! Nagagawa n'yo magsugal habang oras ng trabaho!" sigaw ko na ikinatahimik ng mga kasama nito na kanina lang ay akmang lalapit para tulungan ang kasama na hawak ko. "Sir, tama na po," awat ni PO1 Alday mula sa likod ko. Mabilis na binitawan ko ang patola na pulis na sinuntok ko at tumayo ng tuwid. Seryoso ang mukha at matapang na tiningnan isa-isa ang mga pulis na naabutan ko na ngayon pare-parehong natigilan at namumutla sa sulok. Sigurado ako na sa mga oras na ito ay kilala na nila kung sino at ano ako dahil sa ranggo na nakakabit sa uniporme na soot ko. "Kayo! Makinig kayong lahat!" gigil na bulyaw ko sabay duro sa mga ito. "Sa susunod na maabutan ko kayo na hindi n'yo ginagawa ng matino ang mga trabaho n'yo at nasusugal kayo gaya nito ay sa kangkungan kayong lahat pupulutin!" namumula sa galit na sigaw ko. "Ikaw! Hindi pa tayo tapos!" matalim ang mata at seryoso ang mukha na turo ko sa lalaking bumunot ng baril para tutukan ako kanina. Kita ko ang pagkawala ng kulay sa mukha nito pero wala akong pakialam. Sanay na akong sumindak ng mga pasaway na tauhan kaya naman marami ang tumino aa dating departamento na hawak ko. Mabilis na inabot at isinuot ng mga pulis na naabutan ko ang nakasampay na pang-itaas na uniporme sa balikat kahit pa kaharap ako. Bilisan talaga nila dahil isang maling kilos at galaw nila na hindi ko magugustuhan ay tatamaan sila. I'm not Captain Dale Santiago for nothing. Kaya, humanda ang mga pasaway na pulis na gaya nila dahil hindi ko sila sasantuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD