SAMANTHA Malakas na katok sa pintuan ang gumulantang sa akin. Nagising akong tila wala sa sarili kaya ilang kurap ang ginawa bago tuluyang nag-sink sa utak ko kung nasaan ako at sino ang kasama ko. "Dale anak, handa na ang almusal," sabi ng mommy niya na kumakatok sa labas ng pintuan. Nanlalaki ang mga mata na bumaling ako sa tulog pa na lalaking katabi ko. "Dale, gising. Tinatawag ka ng mommy mo, nasa labas siya," sabi ko sabay tapik sa braso nito. "Anong oras na?" tila na gulat na tanong nito. "Past seven," tipid na sagot ko. Hindi ito sumagot bagkus ay hinapit pa ako nito mula sa pagkaka-pulupot ng braso nito sa bewang ko kaya lalong napasiksik ang katawan ko sa kan'ya. "Ang sarap pala gumising ng ganito, sana ganito tayo araw-araw Sam," bulong nito sa punong-tenga ko. Napangit