Chapter 10: Huwag kang matakot LUNES, maaliwalas ang umaga ni Loela sa Vera Luna Mansion. Buong sigla siyang bumangon mula sa kama at nag-unat ng dalawang braso, dama ang lambot ng kama at ang kasariwaan ng bagong araw. Nais niyang maging maganda ang simula ng araw niya kaya kaagad na siya bumangon ng kama. Kung maaari nais niyang sabayan sa paggising ang mga katulong sa mansion. Nais niyang tumulong sa paghahanhanda ng almusal para sa pamilyang Vera Luna. Sa pagbaba niya sa hagdan, bumungad sa kanya ang babaeng si Shally na masungit ang ekspresyon. “Magandang umaga,” masiglang bati ni Loela sa bisitang babae. Ngunit kaagad nagbago ang mukha ni Shally. Ang mga mata nito'y tila mga punyal na nagtatarak sa kanyang kaluluwa. “Walang maganda sa umaga ko kung ikaw ang madadatnan ko rito, m