EPISODE 28 UMALIS TAYO SEBASTIAN AKI’S POINT OF VIEW. “Kuya Jerome, I need to go back there! I need to talk to them! Wala akong ginawang masama at mahal na mahal ko si Gabriella!” Kinaladkad nila ako palabas sa mansion ng mga Flores. Nakalabas na rin ako ng kanilang gate at nakabantay ngayon ang dalawa pang lalaki upang hindi ako makapasok ulit sa loob. Malungkot akong tinignan ni Kuya Jerome. “Alam ko ‘yun, Baste. Kilala kita at alam kong mahal na mahal mo si Gab. Pero hindi ko pwedeng suwayin ang utos ng mga magulang niya dahil amo ko pa rin sila.” Napahawak ako sa aking buhok at hindi mapigilan maluha sa galit at sakit na nararamdaman ngayon. “Matino akong lalaki, Kuya Jerome. Malaki ang respeto ko kay Gabriella at totoo lahat ng pinapakita ko sa anak nila! Anong rason para paal