EPISODE 12 THE GENEROSO FAMILY GABRIELLA’S POINT OF VIEW. Sabado ngayon kaya wala kaming class. Hindi ko makikita ngayon si Aki pero kapitbahay ko lang naman sila rito sa mansion pero nahihiya ako na pumunta doon sa kanila kasi baka maka distorbo na naman ako sa kanilang trabaho. Nahihiya rin ako kay Aki sa hindi malamang dahilan. Baka kasi kilala na niya kung sino ang nag bigay ng cheesecake sa kaniya at baka sinabi ni Maverick ito sa kaibigan. Hindi ko pa naman masyadong kilala si Rick at mag best friend sila ni Aki kaya may posibilidad na sinabihan niya ito. Alas dyes ng umaga ngayon at nandito ako sa balcony sa aking kwarto habang nakatingin sa malakas na dagat. “Anak?” Napatigil ako sa aking pag iisip nang marinig ko ang boses ni Mama sa labas ng aking kwarto at ang kaniyang pag