EPISODE 26 ISLA GABRIELLA’S POINT OF VIEW. Masaya ako dahil close ko na ang grandparents ni Aki lalo na si Lola Mary na gustong-gusto ako para sa kanyang apo. Muntik pa akong ma late ng uwi dahil napasarap ang pag uusap namin doon kina Aki lalo na noong umuwi ang mga kapatid ni Aki galing paaralan. Kagaya ni Aki ay mga pogi rin ang kapatid niya na kambal pala. Kung hindi lang tumawag si Kuya Jerome sa akin ay hindi pa ako uuwi. Pero ayokong magtaka at magalit sila Mommy kaya umuwi na rin ako at nagpaalam sa grandparents ni Aki. Hinatid ako ni Aki palabas at doon na ako dumaan sa shortcut sa tabing dagat. Pag uwi ko sa amin ay muli ko na namang narinig ang pag aaway ni Mommy at Daddy sa kanilang kwarto. Ayokong makinig dahil nasasaktan lang ako kaya ang ginagawa ko na lang a