Chapter 8

1113 Words
Ilang sandali pa ipinasok ni Giovanni ang sasakyan sa underground parking area Ng isang 24th storey building na Business Headquarters Ng pamilya Ricablanca. Dumiretso ang dalawa sa entrance Ng gusali na malapit sa parking area,ayaw nya gamitin ang executive elevator na para sa chairman at pamilya nito. "Good morning sir," paki log-in lang po" sabay turo nito sa log book na nasa receiving table Ng gwardiya habang nakatitig ito sa kanya halatang kinikilala siya dahil sa pamilyar nyang mukha dito. Tumalima na lang siya, "Sa chairman's office kami boss" sabi ni Gio habang nagsusulat . Muling napatitig sa binata ang gwardiya sabay tingin sa logbook na sinulatan nanlaki ang mata nito, tuluyan nyang nakilala ang kaharap, ang nag iisang anak ng chairman at young master Ng pamilya Ricablanca, si Giovanni Ricablanca. Hindi lingid sa lahat ng empleyado ng Ricabalanca Group of Companies na ang nag iisang tagapagmana ng multi-billion businesses ng mga Ricabalanca ay pumasok sa seminaryo at nag aaral Ng pagpapari. "Y..Young master,.." natataranta at muli nitong saludo sa kaharap. Natatawa lang si Fibo sa reaksyon ng gwardiya habang nakatayo sa tabi nito. Hindi nya masisi ang gwardiya kung hindi siya nakilala dahil siyam na taon siyang nawala, huling punta nya sa opisina Ng kanyang ama ay noong magtatapos siya ng junior high. "Nasa taas ba ang papa?" Tanong ni Gio "Y..yes young master" nauutal nitong sagot. "Tara bro," sabay senyas sa kaibigan. Sumunod sa likod ni Gio si Fibo na nakangiti. Nagpahid Ng malamig na pawis sa noo ang gwardiya, Buti na lang hindi ko gaano na offend ang young master, nagpasalamat ito na natural sa anak Ng amo ang pagiging mabait,Napapailing na nagtataka kung Bakit hindi ito gumamit ng executive elevator. Lalo siya humanga sa pagiging low profile nito. Tulad Ng inaasahan pasakay pa lang sila ng elevator,pinag tinginan na sila ng mga babaeng empleyado. "Girl tingnan mo ang gwapo ng dalawang guys" nauulinigan ni Gio na sabi Ng iisang babae sa Kasama nito. " Lalo na ung naka checkerd ng polo shirt,oh my,mga artists ba mga yan?" Dagdag pa nito. "Tumahimik ka bakla marinig ka,nakakahiya" saway ng Kasama nitong babae. "Eh bakit ba, eh gwapo Naman talaga eh" hirit nito Hindi maiiwasang humanga ang sino mang makakapansin sa dalawang seminarista. Sa suot ni Gio na checkered polo shirt na hapit sa matipuno nitong pangangatawan at maong pants na versace na humulma sa mala adonis na hugis na mga hita nito walang sinomang babae ang hindi hahanga sa kagwapuhan nyang taglay, dagdag pa nito ang taas nito na 6'2 na namana Niya sa amang may lahing kastila. Seryoso lang si Gio at hindi pinapansin ang komento ng mga kababaihan, seryoso lang mukha nito na inaantay na makasakay ng elevator. Kabaliktaran ni Fibo na panay ang ngiti sa mga babaeng halatang nagpapacharming sa kanila.Hindi rin papatalo ang binata sa kagwapuhan ng kaibigan, na katulad din nyang maputi. At nagpadagdag dito ay ang charming personality nito na laging naka ngiti na akala mo laging lalaban sa Mr Congeniality. Ding!.... Nauna pumasok ang dalawang lalaki since sila ang nasa unahan ng pila,sabay pindot Gio Ng 24th floor pagkapasok na pagkapasok ng dalawa. Nagtataka ang mga nasa paligid Nila lalo na ang mga babae kung Bakit ang kinaroroonang floor ng chairman ang pinindot ng dalawang gwapong lalaki. Maya maya lang napaawang ang bibig ng babaeng narinig ni Gio nanagsabing humahanga sa kagwapuhan nilang dalawang mahkaibigan. Nakikita Niya sa repleksyon Ng silver na dingding ng elevator ang pag kalabit nito sa kasamang babae at bumulong. "Girl hindi kaya yan yung anak ni chairman na kalalabas lang sa pagpapari?, "Ang young master Ng mga Ricablanca?" Tumitig ang babaeng binulungan at maging ito ay nanlaki ang mata at napaawang ang mga Labi. Kaya pala familiar sa kanya,. Ito ay walang iba kundi ang solong anak ng chairman si Giovanni Ricablanca na pumasok sa seminaryo upang magpari. Ding....! Alam ni Gio na bababa ang dalawang babae kaya gumilid siya at nag side view na nakangiti sa dalawang babae upang nakaraan ito. "Excuse me sir Gio," Namumula ang mga pisngi Ng dalawang babae na lumabas ng elevator. Ngumiti lang si Gio. "Bye girls! Hindi nakatiis na sambit ni Fibo sa dalawang babae habang palabas Ng elevator. "Ikaw talaga basta babae" natatawang Napapailing na sagot ni Gio sa kaibigan. "Bakit ikaw ba hindi? "Usapang matino bro hindi ka ba nalili...an sa babae?" "Umayos ka nga,Parang di ka nagpapari,mga sinasabi mo" kunwaring galit na saway ni Gio dito.Buti na lang dalawa na lang Silang natira sa elevator. "Alalahanin mo bro pupunta pa Tayo sa...." Sabay dirty dance nito at senyas ng close open..alam ni Gio ibig sabihin nito,gusto nito pumunta sa patay sindi ang ilaw... Napapailing na lang si Gio sa kapilyuhan ng kaibigan, pero kahit ganito ito naging malapit Silang magkaibigan sa seminaryo. "Saka sabi ni Rector di ba kailangan nating maranasan lahat bago ordinahan?" "Oo na, tumigil ka lang, Ilan ba gusto mo? "sagot nito sa kaibigan. "Yown oh!! Hahahha I love you baby...kanta nito sabay sayaw ng dirty dance. Buti na lang naging close sola ni Fibo, sa lahat ng seminarista dito siya close.Masaya ito kasama na opposite nya na may pagka seryoso. Tumigil lang ito ng bumukas ang elevator sa 24th floor kung saan sakop Ng ama ang buong floor ng gusali. Natanaw agad nya ang table Ng chief secretary Ng ama na si Ms. Natalie,isa si Ms Nathalie sa veteran ng kumpanya Ng kanyang papa, bata pa lang siya ay nakikita na nya ito sa kumpanya at madalas ay dumadalo sa parties sa mansion. Nagningning ang mata ni Natalie Ng makita si Gio, agad ito tumayo at sinalubong ang dalawa. Tumingin si Gio sa kaibigan. Alam ni Fibo ibig sabihin nito na magbehave siya sa kapilyuhan nito. Tahimik lang si Fibo na halatang pinipigil mapangiti. "Gio..." Nakangiting salubong nito. Close si Natalie sa pamilya kaya sa unang pangalan siya nito sanay tawagin at balewala iyon sa kanya "Tita andyan ba si papa? Salubong Tanong nito sa kanya. "Yup, he is inside his office, common shall we? Yaya nito kay Gio at kay Fibo. "Good morning tita" bati ni Fibo sa medyo may edad Ng si Natalie. "Hi, you are?... "Fibo tita" sabay abot sa kamay nito na inaabot upang makipagkamay. Natatawa si Gio dahil kung hindi mo kilala so Fibo hindi ka maniniwalang nagpapari ito hanggat hindi mo ito nakikitang naka sotana at nagmimisa. Napatingin si Natalie kay Gio. "Yes tita, Kasama ko siya sa seminaryo. Magpapari din yan." "Sobrang gwapo ko ba tita para magpari?" Nakangiting Tanong ni Fibo habang naglalakad patungo sa opisina Ng chairman. Napangiti na lang si Natalie sa Tanong Ng kasamang seminarista ni Gio sabay bukas ng pinto Ng chairman's office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD