“AYOKO, EFREN! DELIKADO ‘yang gagawin natin! Makukulong tayo niyan!” sigaw niya sa kapitbahay na naka-upo sa maliit na sofa niya.
Kanina pa siya nito kinukulit, na subukang pasukin ang system ng isang kilalang organisasyon. In short, iha-hack. Alam kasi nito na magaling siya pagdating sa cybersecurity at kaklase niya ang kapatid nito noong nag-aral siya sa unibersidad. Malamang, kapatid nito ang nagsabi na marunong siya.
She once hacked the system of their school, at sa loob lamang iyon ng tatlong minuto. Hindi na siya pina-exam ng finals ng professor niya noon dahil sa kahanga-hangang ginawa niya. Test lamang iyon sa kanila, at nagawa niya. Hindi makapaniwala ang professor niya sa kan'ya. At, siya lang ang bukod tanging nakagawa noon. Pagsubok lamang iyon ng professor nila sa pagkatapos nitong i-lecture ang overview ng syllabus nila at simpleng programming code. Lagi siyang nag-a-advance study kaya may idea na siya. Application na lang talaga ang kulang.
“Sige na, Arah. Fifty-fifty ang hatian. Malaki ‘to. Two-hundred thousand. My God! Saan ka kukuha sa loob lamang ng ilang minuto mo sa harap ng computer?” pandedemonyo sa kan’ya ni Efren.
Yes, kailangan niya ng pera. She’s utterly orphaned. Her mother died, at sumunod din ang ama niyang nakakulong. Marahil, sa konsensya nito. Sa lahat ng anak, siya lang natuwa sa pagkawala ng ama. Marahil, kinarma na ito sa ginawa nito sa kan'ya at sa ina niya. At hanggang ngayon, may pilat pa rin siya sa mukha na naging dahilan ng kabiguan niya sa unang pag-ibig.
“‘Wag mo akong dine-demonyo, Efren! Under-grad lang ako, kaya wala akong alam d’yan,” pagsisinungaling niya.
“Sabi ni Ethel, na-hacked mo daw dati ang system niyo sa school,” ani pa nito kaya napapikit siya.
“Yes, Efren, Pero naroon ang teacher namin at test lang iyon. Legal. E 'yan? Hindi! Now, leave! At marami akong tutusuking karne para sa barbecue business ko. Baka ikaw ang matusok ko,” banta niya sabay irap dito. Itinaas pa niya ang barbecue stick.
Mali yata siya ng nilipatang bahay. Dalawang linggo na siyang kinukulit nito. Hindi niya akalaing kaklase pala niya ang may-ari ng paupahang nilipatan.
Nai-stress na siya kakabalik-balik nito sa kan'ya.
Si Ethel ay nakapagtapos ng kolehiyo. Samantalang siya, third year college lang. Pero, knowledgeable siya.
“Babalik ako, Arah. Dadalhin ko ang laptop.” Tumayo ito at kinindatan pa siya.
Napaka-kulit talaga nito! Hindi naman siya pumayag, ah!
Naiiling na hinatid niya ito ng tingin. Consistent talaga ito sa kakulitan. Sobra!
Nakatatlong tusok pa lang siya ng atay ng baboy nang tumunog ang telepono niya. Sinagot niya iyon.
Hindi pa man siya nakakapagsalita ng marinig ang sunod-sunod na talak ng babae. Hindi naman niya kailangang magpakilala dahil kilalang-kilala siya nito. Ang dami nitong sinabi. Ang tanging tumatak lang sa isip niya ay may utang umano ang ina niya na nagkakahalagang fifty thousand pesos.
Naloka siya siyempre. Pero hindi naman siya naniniwala. Imposibleng magagawa iyon ng ina.
Para saan naman ang uutangin nito? At mas lalong imposibleng sa pag-aaral niya. Eh, magkano lang naman nagastos nito dahil isa nga siyang iskolar.
Napailing na binalik niya ang telepono sa mesa niya.
Sorry na lang ito. Pinutol niya. Baka scammer lang iyon. Walang magawa sa buhay at siya ang gustong biktimahin.
Well, nagkakamali ito. Mahirap lang siya. At wala itong mahihita sa kan'ya, ni singkong duling.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Tapos na siya sa pagtuhog ng mga iihawin para mamayang hapon. Ininat niya ang dalawang braso at sabay na iginalaw dahil nangangalay na siya. Pinatunog pa niya ang mga daliri kapagkuwan.
Hindi pa man siya nakakalabas ng kusina nang may kumatok sa pintuan niya. Si Efren ang nasa isip niya kaya hindi niya ito binuksan. Napailing siya kapagkuwan.
Napatigil siya sa paghakbang ng marinig ulit ang katok. Nagpakawala muna siya ng buntong hininga bago iyon buksan.
Napaawang siya ng labi ng hindi si Efren ang napagbuksan niya. Napatingin siya sa babaing nakapameywang. Sopistikada, pero mukhang kamatis dahil pulang-pula ang pisngi.
Hindi ba ito nag-aral mag-make-up?
"Ikaw ba si Naarah Fontana?"
Napa-angat ang isang kilay niya ng marinig ang buong pangalan niya. Kilala siya nito? How come?
Hinagod nito ang kulay green nitong buhok. Sana all color green ang buhok.
"Ako nga po,"
"Good. Salamat sa pagbaba ng telepono kanina," may pagkasarkastikong saad nito. Ngumiti pa ito ng mapakla. Tumingin ito sa mga goons nitong kasama- este butler.
Nanlaki ang mata niya ng nagpumilit na pumasok ang mga ito at pumunta sa mesa niya.
"Teka, teka! Sino ba kayo, hoy! Pangit! Bitawan mo 'yan! Paninda ko 'yan, walang hiya ka!" sigaw niya ng kunin ng mga lalaki ang storage, na kinalalagyan ng mga paninda niya. Bumaling siya sa babaeng naninigarilyo na."Madam, naman. Sino ba kayo?"
Sinenyasan nito ang lalaki na bitawan ang paninda niya.
"’Di ba sabi ko sa'yo may utang ang ina mo na nagkakahalaga ng singkuwentamil? Bibigyan pa sana kita ng palugit, pero ang tapang mo! Binabaan mo pa ako!"
Napaawang siya ng labi. So, ito pala ang nakausap niya kanina?
Totoo ba talagang may utang ang ina niya?
"Mawalang galang na ho. Imposible pong may utang ang Nanay ko dahil sa awa ng Diyos, sumakabilang buhay na."
Tumawa ito ng pagak. "Alam ko. Alam ko." Umiling-iling pa ito. "Alam mo kung bakit natuluyan ang Nanay mo? Dahil sa ama mo, na nagmamakaawang ilabas siya sa kulungan. Dahil kung hindi, papatayin ka ng Tatay mo. Aba, ang galing ng Tatay mo, sariling anak, papatayin? Kaya, hayon mangutang ang uto-uto mong Nanay sa Daddy ko para maibigay sa ama mo. Ang kaso, hindi sapat ang inutang ng Nanay mo dahil ginto ang presyo ng mga pulis sa kulungan. Kawawang ina mo. Hindi rin nakalabas ang Tatay mo. Kaya siguro natuluyan na lang kasi wala ng maidagdag. Ngayon, alam mo na ang kuwento? Akin na ang perang kinita mo sa pagtitinda para mabawasan na!" anito sabay lahad ng kamay.
Hindi niya iyon pinansin dahil sa mga sinabi nitong rebelasyon sa pagkamatay ng ina niya.
So, kasalanan pala ng magaling niyang ama? At ginamit pa siya para perahan ang ina? Sukdulan na nga ang galit niya dito. Dinagdagan pa lalo nito! Ano na ba tawag do'n?
"Ano? Akina! Akala mo hindi alam ni Daddy na kumikita ka? Puwes nagkakamali ka. Marami siyang mata dito sa barangay na ito!"
Napatitig siya sa mata nito. Mukhang magsasabi ito ng totoo.
Biglang pumasok sa isip niya si Efren. Mukhang mapapayag siya ng wala sa oras kung totoo ngang may utang ang ina sa pamilya ng babaeng ito.
"Kailangan ko muna ng katibayan na nangutang nga ang Nanay ko sainyo," aniya sa seryosong tinig.
Siyempre, gusto niya ng katunayan. Nakapag-aral siya kaya hindi siya maloloko ng mga ito.
Lumingon ito sa isang lalaking matipuno. Nakasalamin ito. As if naman maaraw sa bahay niya. May inabot ito sa babae pagkuway inabot naman ng babae sa kan'ya.
"O,"
Mabilis na kinuha niya ang envelope. Dinahan-dahan pa niya iyon.
Laglag ang balikat niya nang makita ang pirma ng ina. Totoo nga na may utang ang ina niya! May mga naka-attached pang valid id's ng ina, at may pirma nito, at ng abogado.
Napapikit siya saka ibinalik iyon sa babae.
"Isang buwan. Bigyan niyo ako ng isang buwan para mabayaran ko ang utang ng Nanay ko. At kapag hindi ko pa nababayaran 'yan. Ibibigay ko lahat ng kinita ko sa loob ng isang kuwan pati puhunan ko, ibibigay ko."
Ngumiti ang babae. "Madali akong kausap, kaya sige, deal. Anak laban sa anak. Gusto ko 'to, Manuel." Bumaling ito sa lalaking nakasalamin. Ngumiti ito ng nakakaloko.
Pabagsak na naupo siya sa sofang kahoy nang umalis ang mga ito.
Kung buhay lang ang ama niya ngayon baka nakatikim ito ng galit niya. Kumukulo ang dugo niya ng mga sandaling iyon. 'Yon pala talaga ang dahilan kung bakit namatay ang ina niya.
Wala pang thirty-minutes mula ng umalis ang mga bwisita ay bumalik naman si Efren. May bitbit itong laptop.
Hindi niya akalaing magiging hulog ng langit ngayon si Efren. Kailangan niya ng pera.
Kinuha niya ang telepono sa mesa at pinindot ang camera ng telepono niya. Pinindot niya ang video icon saka kinuhanan si Efren. Itinago niya ang telepono saka itinutok sa sofa kung saan nakaupo ang binatang kapitbahay.
Ni-record niya lahat ang usapan. Nagulat ito sa pagpayag niya. At wala itong kaaalam-alam sa nangyari kanina.
“Fifty-fifty nga talaga, Arah. May isa akong salita.”
"Umayos ka, Efren. Gagawin kong impiyerno ang buhay mo kapag nagkataon. Wala na akong ibang pamilya ngayon, kaya, wala na akong kinatatakutan," banta niya dito. Sa totoo lang, sinabi niya lang para alam nitong palaban siya.
"Oo na." Tinawagan nito kapagkuwan ang boss nito.
Kinakabahang naupo siya sa laptop na dala nito. Panay ang kuskos niya ng mga palad niya. Nanlalamig ang kamay niya kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib niya dahil sa delikadong pinaggagawa nito. ‘Di bale, malaki naman ang kikitain niya, nila ni Efren.
Binisita niya muna ang website na pag-aari ng isang organisasyon, iyon ang sinasabi kanina ni Efren. Base sa kausap niya, na boss ni Efren, nabanggit nitong konektado ang website na iyon sa mga computer na nasa main headquarters ng organisasyong iyon. Kaya, nasisiguro niyang madali lang niya itong mapasok.
Akmang bubuksan niya ang command prompt ng biglang namatay ang laptop na dala ni Efren. Inis na binalingan niya ang binata.
"Ano ba 'yan! Wala pang dalawang minuto patay kaagad! Buti, wala pa tayo sa kalagitnaan ng laban!" inis na sabi niya sa binata. Kumamot lang ito sa ulo saka pilit na ngumiti.
"'Yong sa'yo na lang gamitin mo."
"Sira ka ba? Paano kung ma-trace ako, huh?"
"Hindi 'yan." May binigay itong USB. Naroon daw sa loob ang isang tool kung saan puwede niyang ma-hide ang IP address niya.
Tumayo siya at tinungo niya ang silid niya. Kinuha niya ang laptop, na ilang buwan ng nakatago. Binuksan niya ito pagdating sa sofa. Hinayaan niyang mag-boot iyon. Pagkatapos ay ininstall niya ang tool na nasa USB, na galing kay Efren. Kumunekta din siya sa Pocket Wifi na dala ng binata.
Tumayo siya saglit at lumapit sa mesa. Kinuha niya ang cellphone sa mesa at Bluetooth speaker. Kinonekta niya ang speaker sa telepono niya. Kaagad na sinalang niya ang paboritong tugtugin niya na kanta ni Gloc9 na Magda.
Hinanap niya sa system niya ang command prompt, gamit ang search engine pagkuwa'y pinindot ang enter para bumukas ang maliit na black screen.
Ilang sandali pa ay tutok na tutok na siya sa black screen ng laptop niya habang pumapailanlang ang kanta na Magda. Sumasabay ang ulo at bibig niya sa tipa niya sa keyboard.
Napangiti siya nang makapasok siya sa system ng mga ito ng walang kahirap-hirap. Sinabi niya iyon kay Efren. Tinawagan nito ang boss nito at pinakausap sa kan'ya. Mabilis na gumalaw ang mga daliri niya habang nakikinig sa utos nito.
Saktong patapos na siya mag-transfer sa USB ni Efren ng files na kailangan nito nang marinig ang chorus ng kanta. Sinabayan pa niya iyon. Ginahan siya bigla. Paborito niya talaga iyon.
Biglang humina ang internet niya kaya kinabahan siya. Hindi siya ngayon secure. Pakiramdam niya may nagpupumilit na pumigil sa ginagawa niya. Ini-expect na niya iyon kaya, tinipa niya sa screen ang isang command. Kaagad na hinarangan niya iyon. Lumakas ang internet connection niya.
Nagkatinginan sila ni Efren nang makitang 99.8% na ang pinapasa niya.
Kampante na siya kanina. Pero nagulat siya ng bumagal ang pag-transfer. Mabilis ang mga daliri niya na ini-enter ang isang command para pigilan ulit sa pangalawang pagkakataon.
Ilang sandali lang ay naging 100% iyon. Narinig niya ang pagpalatak ng binata sa likod niya sa tuwa. Nakahinga siya ng maluwag.
Muntik na! Tumingin siya sa relong pambisig niya. Tatlong minuto lang niyang nagawa, kagaya ng sa school nila.
Wala sa sariling tinipa niya ang isang command sa screen kasabay ng salitang MAGDA, na sa tingin niya ay nag-appear sa screen ng mga ito. Gusto lang niya magpakilala.
Pero natigilan siya nang makitang lumabas ang isang warning message kasabay niyon ang paglabas ng logo na may ahas…