Chapter 11

1309 Words
MULA sa pagbabasa ng pocketbook ay narinig ni Aya ang pagkalabog nang kung anuman sa labas ng kanilang silid. Tulog na ang kanyang asawa dahil pasado alas diyes na. Hindi pa siya makatulog kaya siya nagbabasa. Sumulyap siya kay Don Martin na payapa ang pagtaas-baba ng dibdib. Mabuti naman at hindi ito nagising sa ingay ng narinig niya. Hindi na sana niya papansinin ang kalabog ng maulit iyon. Nagsalubong ang mga kilay niya ay ibinaba ang pocketbook. Ipinasya niyang tingnan ang kung anumang narinig. Inilagay niya ang pocketbook sa ibabaw ng bedside table katabi ng lamp shade sa side niya at umalis ng kama. Walang ingay na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid. Hindi pa siya masyadong nakakahakbang mula sa pinto ay nakita niya si Elijah na hindi makagulapay sa kalasingan. Pilit nitong binabalanse ang sarili at kumukuha ng suporta sa pader habang pasuray-suray na naglalakad. Marahil ang naririnig niyang kalabog kanina ay ang pagtama nito sa mga pintong nadaraanan. Hindi na nag-iisip na mabilis niya itong nilapitan. Muntik na itong mangudngod sa sahig kundi lang sa maagap niyang pagsalo rito. Mabuti nalang din at may carpet. Hindi ito mabubukulan kung sakali mang tuluyan itong mangudngod. Nabigatan siya sa binata kaya bahagya silang natumba. Mabuti nalang at nakasandal siya sa pader kundi ay siguradong pipi siya kapag nadaganan siya nito. “Ang bigat naman ng lalaking ito! Iinom-inom, hindi naman pala kaya.” Nagrereklamong palatak niya habang pilit itong itinatayo. Nang makatayo ay inalalayan ulit niya ito at kahit ilang beses silang muntikang matumba ay narating pa rin nila ang pinto ng silid nito na halos katapat lang ng silid nilang mag-asawa. Pagbukas niya ng pinto ay tuluyan itong bumagsak sa loob. Salamat sa makapal at malambot na carpet, wala itong bukol. “Ang lakas ng loob mong uminom, hindi mo naman pala kayang pumunta sa silid mong diretso ang lakad mo.” Napapasimangot niyang turan. Sa tingin niya ay hindi na niya ito kayang itayo dahil parang nakatulog na ito. Kaya ang ginawa niya ay hinila nalang niya ito hanggang sa marating nila ang kama nito. Hinihingal na siya ng tuluyan niya itong maihiga sa kama. Tinanggal na rin niya ang sapatos nito dahil hindi maatim ng kunsensiya niya kung matutulog itong hindi kumportable. Ayaw naman na niyang manggising pa ng kasambahay para lamang ipaayos ang itsura ng binata. E kung tutuusin ay hindi naman na dapat niya iyon ginagawa. In the first place, dapat ay hinayaan nalang niya itong sa hallway matulog. Kiber ba niya. Pero dahil isa siyang mabuting madrasta ay hindi niya iyon ginawa. Kaya heto siya ngayon at tinutulungan ang mahal niyang step-son. Dahan-dahan ang naging kilos ni Aya. Ayaw niyang malalaman nitong siya ang gumawaga niyon dito. Pagkatapos ng sapatos ay ang damit naman ng binata ang sinimulan niyang hubarin. Tumigil pa siya sandali dahil sa tingin niya ay hindi na niya iyon dapat gawin pa. Mukhang wala naman itong suka o ano. Amoy alak lang talaga ito. Tama na iyong dinala niya ito sa silid nito. Bakit ba naiisip pa niyang alisin ang damit nito? Akmang aalis na siya at iiwan itong ganoon pero malakas ang urge na nagbubulong sa kanyang ituloy ang ginagawa. Na hindi naman niya maintindihan kung bakit. Ibinalik niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib nito bago pa magbago ang isip niya. At nagsimulang kumilos ang kanyang mga kamay. Pigil-pigil niya ang paghinga habang isa-isang kinakalas ang butones sa damit nito. Nasa kalagitnaan na siya ng butones ng suot nitong polo at bahagya ng lumalabas ang dibdib nito nang mabaling ang tingin niya sa mukha nito. Nabitin sa ere ang ginagawa niyang pagkalas at sandaling tumigil. “Alam mo, ang guwapo mo na sana. Pero sobra ang kasungitan mo.” Paanas niyang sabi sa binata kahit alam niyang hindi nito naririnig. Sabagay ay hindi naman niya sasabihin ang mga salitang iyon kung gising si Elijah. “Kung marunog ka lang ngumiti ay tatanggapin ko nang guwapo ka.” Nangingiting ipinagpatuloy niya ang pagkalas ng butones hanggang sa mahubad na niya ang polo nito. Sa tulong ng liwanag ng lamp shade sa gilid ng higaan nito na tanging sinindi niya ay nakita niya ang hubad-baro nitong katawan. Nahigit niya ang paghinga ng masilayan ang kakisigan ng binata. Makisig na makisig ito at siksik sa laman ang katawan. Hinding malaking-malaki ang katawan nito kagaya ng mga lalaking babad sa gym sa halip ay eksaktong lapad lamang at swak na swak ang pagkaka-korteng V ng katawan nito. Nasa tamang lugar ang mga muscles nito at ang pinong balbon sa dibdib ay bumagay dito. Nang tumuon ang tingin niya sa impis nitong tiyan ay napakagat-labi siya. Wala siyang makita ni munti mang taba o bilbil sa tiyan nito. At ang mga abs nito, nakakapaglaway. Parang gusto niyang kumuha ng mantekilya sa kusina at ipalaman sa tiyan nito. Kung hindi lang niya kaagad napigilan ang sarili ay baka humaplos na ang kamay niya sa dibdib at abs nito. At dahil sa naisip ay mabilis niyang kinagalitan ang sarili. Tumigil ka nga Aya! Sansala niya sa sarili. Hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan. Anak siya ng asawa mo! Sita niya sa sarili. Nakagat nanaman niya ang labi. Tama. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganon. Hindi dapat siya nagpapatansya sa katawan ng anak ng asawa niya! My God! Ano ba ang naiisip niya at pumapasok sa kukote niya ang ganitong bagay? Hindi na siya nahiya kay Don Martin. Pero bakit hindi niya mapigilan ang sarili? Bakit malakas ang boses na nagbubulong sa kanyang haplusin ang katawan nito? Damhin ang init na nagmumula rito. Isang beses lang Aya. Ngayon lang naman. Tulog naman siya at walang makakaalam. Isang malupitang sikreto ang gagawin mong ito. Sulsol naman ng demonyong bahagi ng isip niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Ah! Hindi na maganda ito. Dinadarang at dinadaya siya ng nakikita niya. Pinaglalaruan siya ng perpektong katawan ng binata. Dapat na siyang umalis doon bago pa siya makagawa ng isang bagay na pagsisisihan niya sa huli. Bago pa siya makalimot ay mabilis na siyang tumayo. Pero ganoon nalang ang pagkatigalgal niya nang maramdaman ang mahigpit na hawak sa kanyang braso. Muling lumipad ang tingin niya kay Elijah. “Aya…” paanas na sabi nito. Nagsalubong ang mga kilay niya. Tulog ba ito o gising? Nakapikit naman ito. Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. Kung pagbabasehan ang pagkakahawak nito sa kanya ay para naman itong gising. Pero nakapikit ito at mukha pa ring tulog. O baka naman nananaginip ito? Bumalik siya sa pagkakaupo. “Kiss me Aya….” Paungol ulit na sabi ng binata. Nakagat niya ang labi. Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Pinagmasdan niya itong mabuti. Sa tingin niya ay nanaginip nga ito. Kung hindi ba naman ay siguradong hindi siya nito sasabihan ng ganoon. At kung gising ito ay baka sininghalan na siya dahil nasa loob siya ng silid nito. Ilang sandaling tinitigan niya ang mukha ng binata. Napakaguwapo talaga nito. At kapag nagkakilala lang sila sa ibang paraan ay siguradong magkakagusto siya rito. Ang mga sumunod niyang kilos ay hindi na niya namalayan pa. Masyado siyang naeengkanto sa itsura ng binata. Hindi niya namalayan ang pagtaas ng kanyang palad. Nakita nalang niya ang sariling hinahaplos ang mukha nito. Subalit hindi niya iyon itinigil. Tulog naman ito. Naging payapa na ulit ang paghinga nito. Wala itong malalaman sa kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Isang bagay ang pumasok sa kanyang isip. Napigil niya ang paghinga. Dahan-dahan ang pagbaba ng kanyang mukha hanggang sa dumampi ang labi niya sa malambot niyang labi. Naamoy pa niya ang alak dito. Sandali lang iyon. Pagkatapos ay tuluyan na siyang tumayo at lumabas sa kuwarto ni Jordan. Para siyang aatakehin sa puso ng makapasok sa silid nilang mag-asawa. Ilang sandali siyang tulala at nakasandal sa pinto. Diyos ko Aya! Ano ang nagawa mo? Nababaliw ka na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD