ABALA si Aya sa pagbabasa ng pocketbook sa isang panig ng mansiyon. Kumportable siyang nakahiga sa mahabang sofa kipkip ang isang malambot na throw pillow at doon nakapatong ang kanyang mga kamay hawak ang pocketbook. Magaan ang kanyang pakiramdam. Wala si Elijah ng umagang iyon dahil nagpunta ito sa kumpanya. Sinisimulan na nitong ayusin ang pag-take over sa pamamahala roon sa hiling na rin ni Don Martin bago ito umalis. Kanina ay katatatapos lang din nilang mag-usap na mag-asawa. Nagkumustahan sila. Ibinalita niya rito ang pagbabago ng pakikutngo sa kanya ng anak nito na ikinatuwa ng matanda. Mananatili pa raw si Don Martin sa ibang bansa ng ilang araw dahil sa mga kailangan nitong gawin. Malapit na niyang makapangalahati ang binabasang libro ng tumunog ang kanyang cellphone. Hinagilap