Author's note: Hi! This chapter maybe cringey bcoz I wrote it a long time a go na so expect jeje typings and jeje scenes here.
______________________________________
"Kuya, ang pangit mo," sabi ko kay kuya Ari na nasa harap ko ngayon
"Akala mo naman ang ganda mo, ha? magkapatid tayo, Izara." sagot naman ni Kuya
"hindi lahat ng magkapatid magkamukha, 'di lahat ng magkamukha magkapatid, kuya" sabay kindat ko sa kanya.
umarte pa sya na nasusuka dahil sa pagkindat ko, kinikilig lang yan hahaha.
"Yuck, kindat kindat kapa kala mo naman bagay mo, iw." nandidiring saad nya.
"Maka yuck parang hindi moko kapatid, ah?"
"Hind talaga, ampon ka lang, nakita ka lang daw nila Mommy sa harap ng pinto" utut mo ampon, kuya Ari.
"Kuya punta muna ako ng Evia, kasama ko si Vien" paalam ko kay kuya Ari, sakanya ako nagpapaalam kase wala sila mama tsaka papa
Namatay na kasi si Daddy, one year ago, si Mommy naman nasa bang bansa, nurse sya doon.
"Uwing maaga, Izara." yey, pinayagan ako hehe.
Naligo nako at nagsuot ng cream colored cargo pants atsaka white croptop hoodie, nagdala rin ako ng black belt bag para paglagyan ng cellphone at wallet alangang ilagay ko sarili ko sa loob, nagsuot rin pala ako ng white sketchers.
Nagtaxi nalang ako papuntang Evia kase si Kuya Ari lang may kotse, unfair diba? charot lang ma.
Pumunta muna ako starbucks kasi ikaw ang star ng buhay ko, nag order ako ng S'mores Frappuccino, umupo ako sapang apat na upuan kase yun nalang yung available,by the way DJ pinakabit kong pangalan kase ilovedaniel HAHAHA.
Nang tawagin yung DJ agad akong pumunta sa counter pero ng kukunin ko na sana yung order ko may kumuha ring lalake, "Hey akin yan, S'mores Frappuccino inorder ko" sabi ko sakanya
"Ako rin." malamig nyang tugon
Ano ba tong lalaking to, pogi sana kaso ayaw ko dito, "Oh? ako unang nagorder, Mister"
"How did you know?" malamig parin ang tono nya.
"Kase may isip ako, ungas k-" 'di ko na natuloy yung sasabihin ko nung nagsilata yung barista, "Ahm, Ma'am, Sir, eto po oh S'mores din po tsaka DJ rin pangalan" sabi ng barista habang nakaangat yung inumin
Kinuha ko nalang yung hawak ng barista tsaka pumunta na dun sa upuan ko baka mapatay ko tong lalaking yon, nakakairita yon, buti dumating agad si Vien na naka soot ng Faded jeans and light blue croptop tapos may nakapatong na mahabang polo.
"Mukhang pasan mo lahat ng problema sa mundo ah? kunot na kunot yang noo mo" kung dumting ka kase ng maagang ungas ka kaw sana nagorder tas diko makikita yung lalaking yon,
"Magorder kana lang ng makaalis tayo agad dito." bored kong sagot sakanya, "Order morin pala ako ng Snack box" dagdag kopa bago umalis si Vien
Nakabalik naman agad si Vien at ilang minuto lang ang nakalipas dumating na yung pagkain namin,
"Oh Cas, ano nangyare sayo kanina? mukhang badtrip na badtrip ka ha? Parang yung mga umamin sa crush tapos 'di man lang pinansin hahaha" tanong sakin ni Vien.
"Sino ba namang di mababadtrip don sa lalaking yon?!" singhal ko sa kanya.
"Anong ginawa sayo, girl? hinalikan kaba?" malisyosang tanong ni Vien.
"Lul, kanina kasi pinalagay kong pangalan sa inumin ko DJ tapos nagorder ako ng S'mores Frappuccino, e DJ rin ang pangalan nya tsaka S'mores Frappuccino din inorder, nung kinukuha ko na yung order ko kukunin nya rin, nakaka badtrip di'ba?" pagrereklamo ko sakanya
"Weh? inis kana don? Gwapo ba? Anong pangalan? baka ka-forever mona yon, sabihin mo sa wedding vows nyo 'Nung inagawan moko ng inumin sa Starbucks, I know that you're the one' HAHAHAHAHAHA" sunod sunod nyang sabi.
"Yuck, kung gusto mo asawahin mo yung lalaking yon," tsaka ko sya inirapan.
"Maka yuck ka wagas ha? 'di nako magtataka kung yun yung makakatuluyan mo HAHAHA" makahulugang sabi ng pinsan kong baliw.
Nagusap na lang kami tungkol sa school, Arki yung course ko tapos si Vien Arki den gaya-gaya yan e. Naputol ang usapan namin noong may babaeng naka Skirt tapos nakatuck-in yung oversized shirt na nagapproach sa amin.
"Ahm, hello? pwede ba akong makiupo dyan? yan nalang kasi vacant e, tsaka wala naman ata kayong hinihintay, right?" nakangiting tugon nya.
Tinignan naman ako ni Vien para itanong kung okay lang ba, tumago na lang ako bulang sagot,
"Ah, okay lang sige, bored narin tong kasama e, kailangan ko ng bagong kachikahan, sawa na'ko dito." ani Ven sa babae.
Pagkaupo nung babae nagsalita na si Vien, "Anong pangalan mo?" tanong nya.
"Francille Reazen Mendoza" wow ha? maganda yung pangalan "Kayo?" dagdag nya
Ako ang unang nagsalita, "Casley Izara Mylea Arcilla" pagkatapos kong magsalita ay nagsalita na rin si Vien, "Xavienna Louisse Arcilla"
"Wow, magkapatid kayo?" curious nyang tanong
"No, magpinsan lang, magkapatid kasi mga papa namin" pagpapaliwanag ko
"Collage ka na ba?" tanong naman ni Vien,
"Ah, yes, Arki yung course ko, kayo ba?" sabi ni Francille,
"Ayun! Arki din kami ni Vien" nakangiting tugon ko.
"Talaga? 'di yan scam?"
"Hindi gaga, Sa Trace Collage kame ikaw ba?"
"Malapit lapit lang naman pala ah? sa UMak ako e" sagot nya
"Pwede pala tayo magtambay sa bahay nila Cass bukas, Sunday." suhestiyon ni Vien.
"Puta bakit samin?" singhal ko.
"Kasi sabi ko, ano? palag ka?" hamon nya
"Sige, tambay tayo bukas kila Cass. Cass na rin itatawag ko sa'yo, ha?" nahihiyang saad ni Francille.
"Ano ka ba, oo naman! e ikaw? ano pwede namin itawag sayo? ang haba ng Francille okaya Reazen e" sagot ko.
"Frans nalang itawag nyo sa akin, tas sayo Vein diba?" pagtukoy nya kay Vien.
"Oo, kung gusto mo mas-" hindi na natuloy ni Vien yung sasabihin nya nung nagrung yung cellphone ni Frans,
"Oh! My dearest cousin, tapos kana ba?" tanong nya sa kausap nya.
"Osige papunta na 'ko" tsaka nya pinatay yung call.
"Cas, Vien, una na 'ko ha? mainit ata ulo ng pinsan ko ngayon, nagmamadali e" paalam nya
"Ha? Osige kita nalang tayo bukas, text ko sayo yung Address" sabi ni Vien
"Buhbye!" sigaw nya habang naglalakad palayo sa amin, kumaway nalang kami pabalik sa kanya.
Magaan pakiramdam ko sa babaeng 'yon.
"Uwi narin tayo, Vien katamad na" sabi ko kay Vien
"Oh, sige. Tara na"
Lumabas na kami ng SB tsaka pumunta sa parking Lot, pagkatapos hinatid na ako ni Vien.