Chapter 02

1129 Words
Author's note: Hi! This chapter maybe cringey bcoz I wrote it a long time a go na so expect jeje typings and jeje scenes here. ______________________________________ Nagising ako ng 9am, pupunta kasi sila Vien tsaka Frans dito ng 11am, nagtagal ako ng isang oras sa banyo, nagsuot lang ako ng Maong short atsaka oversized t-shirt. Saktong 11 dumating si Vien dito, nasa iisang subdivision lang kasi bahay namin, minsan nga dun ako natutulog okaya sya natutulog dito samin. "Oh? wala pa si Frans?" salubong nya sakin. "Hindi, andito na, try mong halughugin buong bahay para makita mo sya, nagtagu-taguan kasi kami kanina e," sarkastiko kong sabi. "Oh! Sige sandali lang, pahinga lang ako, kapagod maglakad" umupo sya sa sofa namin. "Paki sabi nalang na sya taya, ha? thanks" tsaka ko sya inirapan. Ilang sandali lang ang nagdaan dumating na si Frans, "Sorry late, yung pinsan ko kasi kinausap kopa" pagpapaumanhin nya "Okay lang, ano, tara na akyat na tayo dun sa kwarto ko" aya ko sakanila. "Si Kuya Ari, Cass, nasan?" tanong ni Vien. "Ah, kasama ata si ate Aianna." Girlfriend ni kuya si ate Aianna, magtatagal na rin yung dalawang yon, sana all. "Baka 9 months nalang may pamangkin na tayo, ha" humalakhak si Vien. "Ulol, baka ikaw pa mauna kesa kay Kuya Ari." ako naman ngayon ang humalakhak. "Sino yung Kuya Ari?" tanong ni Frans. "Ah, Kuya kong ugok, mamaya makikita mo rin yon," nakangiting sagot ko. "Ah, okay." simpleng saad nya. Nakarating na kami sa kwarto ko, pastel color lang lahat ng laman, ayaw ko yung mga bright kase wala lang, bakit, may angal kayo? Humilata agad si Vien sa kama ko, habang si Frans naman nakatayo lang sa may tabi ng pintuan, "Huy Frans, wag ka mahiya, tignan mo yang babaitang yan walang hiya, gumaya ka na lang diyan." sabi ko. "Vien oh! walang hiya ka daw sabi ni Casleigh." pagsusumbong nya kay Vien. "Hayaan mo na, totoo naman eh" oh, tignan n'yo, inamin rin. "Ay ang honest naman ng babaing yan, sana all" ani ni Frans. "Oo, sa sobrang honest nga niyan ilang beses ng umamin sa crush nya, sa dami ng mga yon wala ni isa ang nagcrushback sa kanya, kawawang bata hahahaha" pagkukwento ko. "At least umamin, e ikaw? hindi kapa umaamin kaya 'di ka nagkakajowa" aniya. "May ex kaya ako. Oh ikaw Frans, umamin ka ba? hahaha" tanong ko. "Yes, umamin na 'ko, gusto rin ata ako nun, mga grade 7 palang kasi ako kaya puppy love muna" pagamin nya. "Ay, ano ba yan, bakit ka kincrushback, ang unfair naman nakakailang amin ako tas wala ni isang nagcrushback sa 'kin, favorite ka, no?" pabirong sabi ni Vien. "Malay mo sa susunod na confession mo, gusto ka na rin hahahaha, maghintay na lang tayo ng lalake, depende sayo kung gusto mo babae" biro ni Frans. "Okay na sana eh, may pa word of wisdom na kaso may katarantaduhan pa rin" tumawa na kaming lahat. Nagkwentuhan lang kami about sa life ganern, lovelife, ay wala pala kaming lahat non, naputol lang ang usapan namin nung may tumawag kay Frans, pansin nyo? laging napuputol usapan namin dahil dyan sa tarantadong pinsan nya na call ng call e. "Oh? ikaw ulit! bakit nanaman?" iritadong sagot ni Frans. Naghintay na lang kami na matapos yung call ni Frans tsaka kami umalis para pumuntang mall, nakakaboring daw e, nagbook na lang kami ng Grab katamad magantay ng taxi. "Mamaya papasundo na lang tayo sa pinsan ko, wala ring magawa yun sa buhay." biglang saad ni Frans. "Lalake ba Frans?" "Yeah," "Gwapo ba? Anong pangalan?" ayan nanaman si Vien, lahat na lang. "Darious Jaxen Barcellano" ang uto-u***g Frans sinagot naman si Vien, hay. "Reto mo dyan si Izara, baka yan na yung kaforever mo, Cass, kung hindi yun yung nakaagaw mo na lang sa SB kahapon." "Izara? Andami mo naman nickname, Cass." Nalilitong saad ni Frans. "Ganon talaga, dami kong pangalan eh." "Wait! DJ ba pangalan ng kaagawan mo sa SB kahapon?" biglang tanong ni Frans. "Oo, pano mo nalaman?" takang tanong ko. "A-ano nandun ako sa SB non, n-nakapila." alanganin nyang sagot. "Okay, tara na andito na tayo." Bumaba na kami ng Grab tsaka pumasok sa loob ng mall, kesa naman kasi pumasok sa labas ng mall, ano? "Forever 21 muna tayo mga gaga" yaya ni Frans. "H&M muna, girl" si Vien naman. "Alam nyo, parehas nating mapupuntahan yang shop na sinasabi mo, kaya mauna na tayo sa Zalora." ako naman ang sumabat. "Sige, Zalora na muna." mabuti naman at sumangayon yung dalawa. Pumunta na kami ng Zalora, Forever 21, at H&M para bumili ng damit. Nang matapos na kaming magbayad pumunta kami sa starbucks. "Anong order nyo? Ako na magoorder" sabi ni Vien. "S'mores parin, Vien" "Ay destiny, parehas ng favorite. Baka pati size ng brief tsaka panty niyo magkaparehas ha?" Bulong ni Frans na hindi ko narinig. "Anong sabi mo, Frans?" tanong ko. "Wala, sabi ko Pink Drink sa'kin." "Ang g**o sa bi wala tapos sabi nya sinabi nya na pink drink. Ha? Ani daw? 'Di ko gets." Nalikito kong saad. Umalis na si Vien para umorder. Nang makarating sya pumunta na kami ng parking lot para hintayin yung pinsan ni Frans. Mahigit sampung minuto na kaming naghihintay dito pero wala pa rin pinsan nya, "Sure bang pupunta yung kumag na yon, Frans?" iritang tanong ko. "Darating yon." Ilang minuto pa ang lumipas bago may dumating na kotse sa harap namin. Hindi ko pa sya nakikita kasi tinted yung sasakyan nya pero nabigla ako nung ibaba nya yung bintana ng sasakyan, "Sorry nalate, trafic kase" Luh, puta? Bakit siya? Bakit pinsan ni Frans 'to? Nak ng pating naman oh! Punyeta bhie. Bakit sa dami-rami ng tao sa mundo itong lalaki pa na 'to naging pinsan ni Frans?! Narinig ko namang bumulong si Frans, "Talaga lang, ha?" Pinanlisikan naman sya ng mata ng kanyang pinsan. "Alam nyo tara na kaya, nangangalay na ako rito e!" Sigaw ko sakanila. "Ah, Cass, ikaw na sa shotgun seat, may paguusapan lang kami ni Frans." utos ni Vien. Binigyan ko naman sila ng nagtatakang tingin, "Oh! S-sige" utal kong sagot. Binuhay na ni DJ ata pangalan, yung sasakyan. Nilagay ko muna yung inumin ko sa drink holder malapit sa gear stick para kunin yung phone ko sa bag, nang kunin ko na yon sa kasamaang palad, dumapo ang kamay ko sa gear stick kung saan naka lagay ang kamay nya, ang ending hawakan kami ng kamay. "S-sorry, di ko s-sadya." utal kong saad. Tumango na lang sya bilang sagot. Nakarating na kami sa bahay at nagpaalam na, "Sa susunod ulit. Byee!" paalam ni Frans. Nakarating na kami sa bahay 'di ko parin nakakalimutan yung kahihiyan ko kanina. Shuta ka kasi Casleigh Izara Mylea! ang likot ng punyetang kamay mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD