Final Chapter

3299 Words
Sa tulong ni Dale at sa pagpupursige na rin ni Vane, lalo na sa suporta ng pamilya nya, tuluyan na nga syang gumaling at nakakalakad ng maayos. Balik trabaho na rin sya at balik banda. Pero kahit na gaano pa sya ka busy, hindi pa rin nya pinababayaan ang relasyon nila ni Dale.. Kaso ang problema ay na kay Dale, dahil wala na itong oras sa kanya. Masyado itong abala sa hospital at madalang na lang kung magpakita sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit palaging mainit ang ulo ni Vane, Hanggang sa... 'Paging Nurse Dale Mondragon, please proceed to ER immediately' "Hoy Dale, bilisan mo na baka emergency yon!" Ani Rita ang co nurse nya. Natataranta namang tumalima si Dale. Lakad takbo ang ginawa nya marating lang agad ang ER. Tinambol ang dibdib nya sa kaba ng masulyapan ang mga magulang ni Vane sa waiting area sa labas ng ER. Lalo pang lumakas ang kaba nya ng sinalubong sya ni Shanaya at niyakap. "A - ano pong nangyari Ate? Bakit po kayo narito, sino pong pasyente?" Kandautal niyang tanong sa Ate ni Vane. Hindi pa nasasagot ni Shanaya ang tanong nya ng lumabas ang doctor galing ER. Agad syang nakita nito at sinabihang pumasok na sa loob ng ER dahil kulang ang nurse sa loob. "Nurse Mondragon, Doctor Galvez needs your assistance inside." "Sige po Doc, papasok na po ako." Sa katarantahan ni hindi na nya nagawang mag paalam sa pamilya ni Vane, basta pumasok na lang sya sa loob ng ER. Ng nasa loob na sya kaagad na umikot ang mata nya para hanapin si Dr. Galvez, nakita naman nya kaagad ito sa sulok at may ginagamot na pasyente. Kinuha nyang mga gamit nya sa nurse station saka lumapit at tumabi sa Doctor. Sinulyapan nya ang pasyente na unconscious. Sa pag aakalang namamalik mata lang sya, kaagad nyang kinusot ang mga mata. Pero hindi nagbago ang hitsura ng lalaking nakahiga sa stretcher at nirerevive ng Doctor. "Vane.." Biglang bumalon ang luha sa kanyang mga mata at agad nanlabong paningin nya. Nanginig ang katawan at nawalan ng lakas ang mga kamay nya kaya nabitawan nyang gamit panggamot na hawak hawak nya. "He's stable now, nurse Cruz, tell his family that Mr.Del Valle will transfer in his private room. Thank you." Narinig nyang sabi ng Doctor sa kasamahan nyang nurse. Bumaling si Dr. Galvez kay Dale, ngumiti ito at tinapik ang balikat nya. "Take care of him Nurse Mondragon, his condition is not good." Hindi makapagsalita si Dale, tulala lang syang nakatingin kay Vane na wala pa ring malay. Nakaalis ng Doctor at ngayon ay tinutulak na ng mga kasamahan nya ang stretcher patungo sa private room ni Dale. Nanginginig ang mga tuhod nya na dahan dahan humakbang patungo sa upoan na nakita nya sa gilid ng ER. Umupo sya dun at tahimik na umiyak, sinisikap nyang pakalmahin ang kanyang sarili. Matagal syang nanatili doon hanggang sa makita nya ang pares ng sapatos na nakatayo sa harapan nya. Umangat ang paningin nya dito at nakita nya ang mga magulang ni Vane. "Dale iho, pwede ka ba naming makausap? in private sana kung ok lang sayo." "Tita Sophie." Malungkot na ngumiti ito sa kanya at ganun din sya kahit mabigat ang pakiramdam nya. kaagad nyang inayos ang hitsura nya, saka tumayo at sumunod sa mag asawa. Magkaharap silang nakaupo ngayon sa isang mamahaling restaurant. Tahimik lang si Dale habang nagpapaliwag ang Ina ni Vane. Puro lang sya tango at tipid na ngingiti kung kinakailangan. "Dale, bukas 4am magkita kita tayo sa airport. Dadaanan ka nila Shanaya sa bahay nyo. Huwag kang mag alala ok ng lahat naayos na namin, ang presensya mo na lang ang kailangan." Yun lang ang naintindihan nya sa lahat ng paliwanag ng Ina ni Vane. "Sige po Tita, mauuna na po ako sa inyo, maghahanda pa po kasi ako. Tito Ed, salamat po." 'Grabe naman ang araw na ito sakin hah!' Pagkadating nya sa bahay nila agad syang pumasok sa kwarto nya, kaagad na nakita nyang Ina na patapos ng magligpit ng mga gamit nya. "O, Nay, ano pong ginagawa nyu dito sa kwarto ko?" "Aba'y nililigpit ang mga gamit na dadalhin mo pa Spain." 'Hala! bakit alam ni Nanay ang tungkol dun? Sinong nagsabi sa kanya ng tungkol dito?' Nasagot ang mga tanong ni Dale ng pumasok ang Ate Monica nya sa kwarto. "Dale, naayos na namin ang lahat, magpahinga kana lang para may lakas ka bukas." Agad nyang nilapitan ang kapatid saka bumulong dito. "Ate, sinabi mo ba kay Nanay ang tungkol samin ni Vane?" "Alam na nya matagal na hahaha." "Hala! bakit? Ahm.. paano nya nalaman?" Napaigtad si Dale ng biglang magsalita ang Nanay nila na nasa likuran na pala nilang dalawa. "Kasi, Anak kita! kahit hindi mo sabihin sakin nararamdaman ko yun. Kuuu ikaw talagang bata ka, nakuha mo pang maglihim sakin ha?" Nahihiyang yumakap si Dale sa kanyang lna. Nakangiti naman ang Ate Monica nya na napa thumbs up at nakiyakap na rin sa kanila. "Sorry po Nay ha! Kala ko kasi magagalit ka kapag nalaman mo ang tungkol samin ni Vane." "Sus, ang drama mo!, syempre kung san ka masaya susuportahan ka namin, pamilya ka namin eh, mahal ka namin." "Kaya Dale, magpakain kana. Tara labas tayo." Yaya ni Monica, sabay hila sa kanila palabas ng bahay. Napakasaya ni Dale dahil may pamilya syang mapagmahal at maunawain. NAIA.. naka boarding na si Dale at Shanaya. Nagtataka sya mula pa kanina kung bakit dalawa lang sila, eh sa pagkakatanda nya kasama ang mga magulang nito. "Ate Shanaya, sila Tito at Tita bakit wala pa? " Hindi nya mapigilang itanong. "Ah, nauna na sila kahapon, kasi kinailangang may makasama si Vane sa private plane patungong Spain. Payo ng Doctor, kasi masilan pang lagay ng kapatid ko. Kaya hahabol na lang tayo dun." Natahimik na lang si Dale at naghintay na tawagin ang flight nila. Hindi pa rin sya mapalagay, sa bawat oras na lumilipas ay nadadagdagan ang pag aalala nya. At dahil sa pagod nakatulog sya ng hindi nya na mapigil ang antok. Ginising na lang sya ni Shanaya ng nakalapag ng eroplano sa Barcelona. "Dale, umuwi muna tayo sa bahay para makapaghinga. Mamayang gabi na lang tayo pupunta ng hospital, ok lang ba sayo?" Gustong gusto na sana nyang dumeretso sila ng hospital pero nahihiya syang pilitin si Shanaya, Kaya napatango na lang sya. Pagkalabas nila ng airport agad nyang nakita ang itim na sasakyang nakaabang na sa kanila. Agad na bumaba ang driver na walang iba kundi ang asawa ni Shanaya. "Hi honey,." Hinalikan nito ang asawa. Saka bumaling sa kanya. "Hello Dale, let's go!" Kinuha nito ang maleta ng asawa at naglakad na sila patungong sasakyan nito. Nasa backseat si Dale, samantalang magkatabi naman si Shanaya at asawa nito ang driver. "Ang ganda naman ng mansion nyo Ate Shanaya." Nalulula na si Dale sa natutuklasang yaman nila Vane, hindi nya inakala na ganito kayaman ang mga Del Valle. "Correction Dale, Mansion natin ito, kasi pamilya na tayo diba?" Napangiti na lang si Dale sa sinabi ni Shanaya, napaka swerte nya na maging parte ng pamilya nito , kasi mababait at hindi matapobre ang angkan ni Vane. "Halika na, hatid na kita sa room mo para makapagpahinga kana rin. At mamayang gabi siguradong busy ka." Ngumiti ito ng makahulugan na ipinagtaka naman ni Dale. Pero hindi na sya nagtanong pa, ayaw na nyang mag isip pa ng kung ano ano kasi mangyayari din naman ang dapat mangyari eh. Sumapit ang gabi. Pumipili na ng maisusuot nya si Dale ng marinig ang mahinang katok sa pinto. Saka ito bumukas at pumasok si Shanaya. May dala itong laundry bag at iniabot sa kanya. "Dale, pwede bang ito na lang muna ang suotin mo? Kasi magpapasama sana ako sayo sa dinner meeting ng ka business partner ni Daddy dito. Ok lang ba?" Makakatanggi ba sya sa mabait na kapatid ni Vane? Syempre hindi! Dahil napamahal na sa kanya ang pamilyang ito. "Oo naman Ate, magdadala na lang ako ng extra kong damit para may pamalit ako pag nagpunta na tayo sa hospital." Sa tuwa ni Shanaya nayakap nya pa si Dale.. 'Ang sayaaa, umaayon ang lahat sa plano. Nakakatuwa namaannn!.' Napapalakpak pa sya at patalon talon na ipinagtataka talaga ni Dale. 'Parang sobra naman ang saya ni Ate, bakit kaya? siguro VIP itong ka dinner meeting namin mamaya.' "Thank you so much Dale, see you later." Naiiling na lang si Dale, pagkalabas ni Shanaya agad na syang nagbihis. 'Aba ang ganda naman ng ternong suit na ito, bagay na bagay sa kapogian ko.' Sinipat nyang maigi ang damit na hawak, napapalatak na lang sya ng maisip kung gaanu ito kamahal. Matapos makapag ayos, agad syang bumaba sa sala kung saan naghihintay na sa kanya si Shanaya. Napakaganda ng suot nitong seme gown. Kaagad silang umalis at nagtungo sa isang hotel, dahil dito daw naghihintay ang ka dinner meeting nila. "Yes, we're on our way, no worries just relax ok! Bye." Napabaling sya kay Shanaya ng maibaba na nito ang Cellphone na hawak. "Late na po ba tayo Ate?" "No, mainipin lang talaga ang taong yun." Hindi na ulit nagsalita pa si Dale, hanggang makarating na sila sa hotel. Ng makapasok sila sa loob deretso na sila agad sa isang exclusive restaurant sa loob mismo ng hotel. Naka angkla ang braso ni Shanaya sa braso nya. Kaya sumusunod lang sya sa bawat paghakbang nito. Bigla itong huminto sa isang bakanteng mesa at pinauna syang umupo doon saka nagpaalam na sasaglit lang sa washroom para mag retouch ng make up. Tahimik na naghintay lang si Dale, palingon lingon pa sya sa paligid. Hanggang sa dumako ang mga mata nya sa entablado kung saan may apat na lalakeng abala sa pag aayos ng kanilang gamit at kanya kanyang pwesto para tumugtog. 'Banda? Hmmm parang pamilyar sakin ang apat na lalakeng ito sa stage, parang nakita ko na sila diko lang matandaan kung saan!' Nagsimula ng tumugtog ang banda, instrumental lang muna, maya maya nagbago ng beat nito at may nag umpisa ng kumanta. 'Bakit parang pamilyar ang boses ng kumakanta.' Hindi mapalagay si Dale panay ang lingon at gala ng tingin nya. Nag umpisa na syang kabahan at namawis na rin kahit fully air-condition naman ang lugar. "Vane! Ikaw ba yang kumakanta?" Bulong nya sa nanginginig na boses. Namumuo ng mga luha nya sa mga mata, at tuluyan ng pumatak ang mga ito ng lumabas na ang kumakanta at tumayo sa gitna ng entablo,. Nakangiti itong titig na titig sa kanya. "P - paanong nangyari ito? Imposible!" Napahawak sya sa dibdib nya ng nahirapan syang huminga. Agad na tinampal nya ng malakas ang dibdib habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha. "T - totoo ba talaga ito? Baka panaginip lang itong lahat? Diyos ko, sana hindi ito isang panaginip lang!" May biglang lumitaw na kopita ng tubig sa harapan ni Dale, napatingala sya para tingnan kung sino. Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang Nanay nyang may hawak ng kopita. At sa likuran nito ay ang dalawa nyang kapatid at ang kanyang Ama. May tumapik sa balikat nya at ng nilingon nya ito, ang pamilya ni Vane kaagad ang bumungad sa kanya. 'Anong nangyayari? Paanong nandito kayong lahat?' Nasagot ang mga tanong nya ng magsalita si Vane na nasa stage pa rin kasamang mga kabanda nitong Boyzone. Napabaling ang lahat ng pansin nila kay Vane na ang tingin ay sa kanya lang. "To the one who has never left my side, Ladies and Gentleman, I want you all to meet my partner and love of my life.. Dale Mondragon." Nagpalakpakan ang pamilya nila at iilang bisita. na lahat ay tanging kilala lang nilang dalawa. "They say soulmates do not have to be romantic or s****l. They say a person who is the other half of your soul can easily be a friend or a family member. For me, you are both. I believe our souls have been intertwined for millennia, long before we were born. As you know, cosmologically we complete each other. In my darkest times you have been my light. In my weakest times, you were my strength. Even now, in the most confusing place in my life you have taken on the role of my guide. I only hope that I have been these things to you. You would travel to unknown places for me, and have. If I could arrange the universe to your desire, I would. Thank you for being my cosmic force and my overall favorite part of life." Napatutop ng kanyang bibig si Dale, habang tuloy lang ang pagpatak ng kanyang mga luha. Samantalang nakangiti naman si Vane na deretso ang tingin sa kanya habang nagsasalita. "You bring out the best in me. I am not the same person with you as I am with everyone else. With you, I am 100% free. Only the purest souls can completely make the most troubled feel welcome. All the fluffy words aside: thank you. For existing. For being. For listening. For your time. Best friends. Soul mates. Partners. Whatever you want to call it. You are the light to my life and I will always love you." Nag umpisang maglakad si Vane pababa ng stage patungo sa kinaroroonan nya. Ang nagtataka nyang mukha ay nadagdagan pa ng makitang maayos naman itong nakakalakad, malinis walang kasugat sugat ni konting galos. Sabi ng pamilya ni Vane naaksidente ito habang nagmamaneho ng lasing galing Boyzone bar. Hindi naman pala totoo, paniwalang paniwala pa naman sya. Kasi, paano naman nya ipapaliwanag ang mga tagpo sa hospital na ang lahat ng nakasalamuha nya dun ay natural ang kilos diba? Naputol ang pag iisip nya ng nakatayo na ngayon si Vane sa harapan nya. Nakangiti itong inabot ang kamay nyang nanlalamig at nanginginig. Dinala nito ang kamay nya sa labi at masuyong hinalikan ito. Habang titig na titig naman sya dito. "I am thankful for the time fate given me to be with you. I don't know until when but this is still a blessing that I will not waste for "future" will happen any minute. I value every second that we're together. It's a precious time, a gold one that I will cherish until the day that I stop loving you. Dale Mondragon, will you marry me?" Hawak pa rin ni Vane ang kamay ni Dale, hinihintay nya ang sagot nito. Pero nakatitig lang ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. Pinagpag pagpag nyang kamay nito at pinisil pisil. "Dale, hey! na surprise ba kita ng sobra at naging estatwa kana ? "Surprise!" Sabay sabay na sigaw ng mga bisita nila. Pinakamalakas na sigaw ay sa pamilya ni Vane at pamilya nya. Masayang masaya ang lahat, nakangiti at nagpapalakpakan. Tulala pa rin si Dale, sunod sunod na pumapatak ang luha nito sa kanyang pisngi. Sinapo ni Vane ang mukha ni Dale at hinalikan ang magkabila nitong pisngi na basa ng mga luha. "Sssshhh, sorry na! kung corny ang proposal ko, tsss, idea kasi to ni Ate Shanaya eh! Kasi para dito na daw tayo magpakasal, legal dito eh!" Tuloy parin ang pagluha ni Dale, hindi lang naman sya nasurprise, kundi masayang masaya din sya. Parang ang hirap lang paniwalaan na may forever sila ni Vane. Napayakap sya bigla dito ng mahigpit. "Hoy Dale, ano ng sagot mo sa sinabi ko sayo ha?" Kinakabahang tanong ni Vane sa tahimik na si Dale habang nakayakap lang sa kanya. "Dapat magalit ako sayo, dahil niloko mo ako sa pekeng aksidente mo, wag mo ng uulitin yun ha! Talagang iiwanan kita kapag naulit pa yon." Napangiwi si Vane at niyakap sya ng mahigpit, saka hinalikan sa nuo at nakangiting nangako. "Promise hindi na! O, ano ng sagot mo?" Kinakabahang hinintay ni Vane ang pagbuka ng bigbig ni Dale. "Para ba namang kaya kitang tiisin, syempre yes na yes ang sagot ko, mahal kita eh." "Woooohh! Ate Shanaya! ok naaa...!" Sigaw ni Vane sa kapatid na biglang nawala sa tabi ng asawa nito. At sa pagbalik may kasama na itong Judge na magkakasal sa kanilang dalawa. "Ikaw talaga! Palagi mo na lang akong binibigla!" Kinurot ni Dale sa tagiliran si Vane. Ng maintindihan nyang lahat ng pangyayari. Tumatawa namang umiilag lang si Vane sa mga atake nya. Walang mapaglagyan ang kaligayahang nadarama ni Dale. Habang isa isang tinitingnan ang mga mahal nya sa buhay. Naisip nyang napakaswerte nya dahil may mga pamilya silang maunawain at mapagmahal. Niyakap at hinalikan nya si Vane na tumatawa pa rin. "I love you Vane del Valle, with all my heart." "I love you more Dale Mondragon." ?❤ Vane & Dale ? Love Story ❤???? Hindi naman talaga natin kailangan ng perfect partner. Ang kailangan lang naman ng bawat isa satin ay yong taong kakayanin tayong intindihin sa mga panahon na kahit tayo di natin maintindihan ang sarili natin. Yong taong kahit mainit ang ulo natin at nasisigawan/nasusungitan na natin sila andyan pa rin. Yong taong kahit maraming tao ang nagsasabing di kayo bagay gagawin lang niya ay hahawakan yong kamay mo tapos sasabihin "hindi naman sila yong magkasama at nagmamahal, tayo diba? Kaya wag kang papa apekto." Yong tao na kahit sa mahirap na sitwasyon di ka iiwanan, yong bang pag down na down ka na nandyan pa rin siya para sayo. At yong taong kahit ilang beses mo na sinubukang hiwalayan nandyan pa rin para sayo. Yon bang pag feeling mo walang wala ka na down na down ka na pero siya nandyan pa rin kahit na ikaw sumuko na, siya lumalaban pa rin kasi mahal na mahal ka niya. Akala ko dati ang Bisexual Relationship kadalasan luha at sakit ang nakakamtan. Yung tipong wala kang ibang hangad kundi ang makilala ang isang taong tatangap sayo hindi dahil sa kung ano merun ka kundi sa tanggap ka kung sino ka. Napakasakit isipin na iba ang tingin sayo ng mga matang nakapalibot sayo. Ang husgahan ka kahit di ka naman talaga nila kilala. Pero minsan dumadating din ang panahon na may isang taong magbibigay sayo ng dahilan na mali pala ang yung paniniwala. Sa dinami dami man ng taong ayaw sayo sa mundo may isa paring tao ang handang samahan ka, tanggapin ka, mahalin ka ng walang dahilan... "Love means to accept for no reason" Pero ang tanong... Hanggang kailan? Hanggang saan? ...kaya ka niyang samahan sayong kasiyahan? Baka maging isa lang siyang shooting star, na akala mo nahulog na talaga siya sayo yun pala dumaan lang siya sa buhay mo para paasahin ang lahat ng mga wishes mo. Love is life... May saya at may lungkot May oras na madadapa ka at dapat bumangon... Wala yan sa kasarian kundi nasa kalooban kung paano ka nakikisalamuha sa iba para tanggapin ka. Lahat ay may karapatang magmahal at mahalin. Love yourself so others will love you.. Respect yourself so others will respect you.. Walang perpekto sa mundo, Walang mali sa pag-ibig Kung ang hangin nga di natin nakikita pero nararamdaman natin.. tao pa kaya? Ang dapat lang ay ipakita natin sa ating mga sarili na hindi tayo naiiba kundi ipakita natin sa lahat na pantay pantay ang tao sa mundo. Higit sa lahat kaya nating magmahal ng tapat. ❤???? "You give me reasons to smile good times to laugh about but most of all you give me memories I could never forget." ? Vane Del Valle ? ❤???? "From this day forward, You shall not walk alone. My heart will be your shelter, And my arms will be your home." ?Dale Mondragon ? "Life is like a book, everything has come to an end. Of course, every story should have an ending but every ending awaits a new beginning. It is not the end but it is just the beginning of another chapter in our life." ==THE END== ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD