π‘ͺ𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑢𝒏𝒆 : π‘―π’Šπ’“π’‚π’‘

1354 Words
Halos mangiyak-ngiyak si Faeleen habang nakatingin sa bond paper, kung saan nakasulat doon if magkano ang kanyang balance sa pinapasukang paaralan. Graduating na siya sa susunod na semestre, kaya lahat ng kanyang balance kailangan na niyang bayaran. Natapat pang wala pa siyang pera, dahil binayaran niya yung inuupahan nitong apartment. Tapos kinuha pa ng tiyahin niya yung natira na dapat pambayad ng kanyang tuition fee. Tinupi niya ang bond paper bago pumasok sa apartment, hindi alam ni Faeleen kung anong mararamdaman dahil sobrang kalat ng sala. Ang mga pinagkainan at damit ay nagkalat sa sahig at sofa. β€œOh nandito ka na pala, yung mga hugasan mo doon sa lababo ang dami!” Mataray na bungad sa kanya ng tiyahin, huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Pagod siya galing paaralan tapos yung mga pinagkainan nila ay hindi man lang hinugasan. β€œPagod po ako galing school sana man lang hinugasan niyo na.” Halos pabulong niyang sabi, magkasalubong ang kilay ng ginang na tumingin kay Faeleen. β€œNagrereklamo ka ba? Huwag mo akong artehan Faeleen! Anong pakialam ko kung pagod ka? Kumilos ka na dyan para makapag luto ka na nagugutom na ako!” Sigaw sa kanya ng ginang, simula noong namatay ang kanyang magulang ang kapatid ng ama niya yung tumayo nitong guardian. Hindi alam ni Faeleen kung hanggang kailan siya magbabayad ng utang na loob sa tiyahin. Halos mag kanda-kuba na siya kaka-trabaho para lang may mapakain at maibigay siyang pera. Dahil kung wala itong maibigay, pinagbubuhatan siya ng kamay pero kahit na siya'y sinasaktan mahal niya pa rin ang kanyang tiyahin. Kung hindi dahil dito ay baka pagala-gala lang siya sa lansangan ngayon. β€œAno pang tinatΓ nga mo Faeleen? Hindi ka kikilos?” Muling sigaw sa kanya dahilan para matauhan siya. β€œKikilos na po.” Agad niyang sagot bago pumunta sa kusina. Inilapag niya yung bag sa upuan. Hindi na mapigilan ni Faeleen ang kanyang luha, simula bata siya wala na itong ibang naranasan kundi maghirap. Mas tinitibayan niya pa ang kanyang loob, dahil kung hindi siya maging matatag. She will also be in a difficult financial situation. One of the motivations driving her to complete her education is to escape from her aunt and pursue a peaceful life, particularly to break free from the torment she experiences at the hands of her aunt. Pagkatapos niyang hugasan ang pinagkainan ng tiyahin at pinsan niya. Inasikaso na ni Faeleen ang kanyang iluluto na hapunan nila. Imbis na magpapahinga pa sana ito bago pumasok sa part-time job niya, hindi na diretso na lamang siya mamaya doon pagkatapos niyang magluto. Habang abala siya sa pagluluto, pumasok sa kusina ang kanyang pinsan. Napataas ng kilay si Addison at inirapan ang pinsan niya. β€œWala kang pasok ng bukas diba? Paki laba mo nga yung mga maruruming damit ko.” Mataray niyang sabi kay Faeleen. β€œIkaw na ang bahala doon, kailangan matuyo bago mag-alis singko ng gabi dahilan kailangan ko yon!” Dagdag pa nitong sabi bago talikuran si Faeleen. Humigpit ang hawak niya sa sandok dahil sa inis, hindi sila close ng kanyang pinsan dahil wala itong ibang ginawa kundi bullyhin siya. At kung ituring siya’y parang katulong, minsan na silang nag-aaway na dalawa pero siya pa itong naging masama. Kaya simula noong hindi na niya pinapatulan si Addison, dahil kahit kasalanan ng pinsan niya’y siya pa rin ang magsisisi. Nang matapos na siyang magluto, nilagyan niya ng pagkain yung tupperware para kanyang baon sa trabaho. β€œAuntie luto na po ang hapunan.” Magalang niyang sabi pero tila walang narinig ang mag-ina. Kaya pumasok na siya sa kanyang kwarto, ginawa niya lamang ito dahil ang kanyang dating silid si Addison na yung gumagamit. Tanging karton lang ang nagsisilbing sapin sa higaan niyang malamig na sahig. Nagpalit na ng pang trabaho si Faeleen, maaga pa naman pero mas gusto na niyang umalis kesa mag-stay sa apartment. Kinuha na niya yung bag at nilagay doon ang kanyang baon. β€œAalis na po ako Auntie,” paalam ni Faeleen. β€œWala na akong pera, hindi ako makapag tongits sa labas. Baka meron ka dyan?!” Mataray na tanong ng tiyahin. β€œKaka bigay ko lang po ng per—” Hindi siya pinatapos ng tiyahin niyang makasagot. β€œKulang yung binigay mo sa akin! Nagrereklamo ka ba? Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil sa akin baka palaboy ka ngayon!” Galit na sabi ng ginang sa kanya. β€œMag-advance na lang po ako ng sahod mamaya sa trabaho, sa ngayon wala akong maibibigay.” Inirapan lang siya ng kanyang tiyahin, lumabas na ng apartment si Faeleen. Napahinto siya sa paglalakad dahil naalala niya ang kaibigan, her closest companion since they were in elementary school. In the past, she had come to her friend to borrow money, but now she is seeking assistance in finding a new part-time job. Sumakay siya ng tricycle, sinabi nito ang address ng kaibigan niya. Simula noong tumira silang mag-ina sa apartment ni Faeleen. Wala ng naitatabing pera ang dalaga, dahil kapag hindi limang libo yung naibibigay nito sa tiyahin masasakit na salita. The lady is insulting her. She is now worried where she will get five thousand to give to her, because she has lost her part-time job. Pagdating ni Faeleen sa apartment ng kaibigan, huminga muna siya ng malalim bago umakyat ng hagdan. Matagal siyang nakatitig sa pinto ng apartment ni Selene, because she gathers courage. Paulit-ulit na kinatok ni Faeleen ang pintuan ng apartment ng kaibigan. Mabilis na binuksan ni Selene yung pinto at napakunot ang noo nang makita si Faeleen. β€œSel kailangan ko ng tulong mo,” naiiyak na sabi niya sa kaibigan, lalo namang nagtaka si Selene dahil ang masayahing Faeleen ay kulang na lang umiyak na sa kanyang harapan. β€œAnong problema Fae? Pasok ka.” Hinila niya ang kaibigan papasok sa kanyang apartment. Ngayon lang ulit sila nagkita dahil pareho silang abala sa kanilang sariling buhay. β€œKamusta? Anong meron?” Sunod-sunod na tanong ni Selene, pansin niyang pumayat lalo ang kaibigan. β€œNangangailangan ako ng bagong trabaho upang mabayaran ang natitirang halaga ng aking matrikula.” Mababakas sa mukha ni Faeleen na problemado talaga siya. Ilang araw na kasi siyang naghahanap ng iba pang trabaho pero hindi sila tumatanggap ng part-time job. β€œKahit anong trabaho ba ang gusto mo?” Seryoso na tanong ni Selene, wala siyang ibang alam na trabaho kundi ang trabaho niya. Pwede niyang ipasok ito sa bar, kung saan alam niyang masasagot lahat ng pangangailangan ng kaibigan. β€œKahit ano Sel, kailangan ko ng pera hindi ako makaka-graduate kapag 'di ko mabayaran yung mga balance ko noong nakaraang taon.” Mangiyak-ngiyak na sagot ni Faeleen desperada na siya, matagal niyang hinintay yung pagkakataong ito ang makatapos sa pag-aaral. Highschool pa lamang si Faeleen ay pumasok na ito sa trabaho. Kahit pagod na ito ay hindi siya pwedeng sumuko, dahil pinangako niya sa kanyang magulang na magsusumikap siya para makapagtapos sa pag-aaral. β€œSige ipapasok kita kung saan ako nagtatrabaho, kailangan mo dito ng lakas at kapal ng mukha. Lalo na ang tibay ng sikmura dahil kapag pumayag si boss. Mas masahol pa sa demonyo ang mga nakakasalamuha mo.” Paliwanag niya kay Faeleen, hindi maiwasang mapalunok ng sariling laway ang dalaga dahil sa nalaman. Napansin naman iyon ni Selene, napailing siya bago muling nagsalita. β€œSasabihin ko kay boss na waitress ka lang, update kita bukas kung pumayag siya.” Nakikita niya kasi sa mga mata ni Faeleen ang pag-aalinlangan. β€œMaiwan na kita dito papasok na ako, kapag pumayag si boss sumama ka sa akin bukas ng gabi.” Nakangiti niyang sabi kay Faeleen, tumango naman siya bilang tugon. Ngumiti muna si Selene bago tuluyang lumabas sa apartment niya. Napabuntong-hininga naman si Faeleen bago humiga sa sofa. Matagal siyang nakatitig sa kisame bago tuluyang bumangon. Kailangan na niyang umalis dahil may part-time job pa siyang papasukan. Napatingin siya sa langit habang naghihintay ng masasakyan. Mama papa, tulungan niyo po ako dahil pagod na pagod na po ang anak ninyo. Kailangan na kailangan ko kayo ngayon, nahihirapan na po ako mama papa! TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD