NAGPAKAWALA lang ng isang malakas na halakhak si Zavier. At least, naka-score siya. Isang halik sa isang malakas na pagtuhod nito sa kanyang alaga. "Next time ulit, Ms. Padaong," nakakalokong tugon niya rito. "Asshöle!" Singhal nito sa kanya. "Yeah, pero yummy," pang-aasar pa niya rito sabay kindat. Saka siya ngingiting lumabas ng kwarto nito. "Kapal mo!" "Gwapo naman. Pakitimpla mo nga pala ako ng kape pagkatapos mo riyan. Work at home lang muna ako since nagka-injury ka." Tinungo niya ang kanyang study table at hinarap na muli ang trabaho. Napansin niyang maraming email si Trixie para sa kanya regarding sa ilang mga investors na kailangan niyang atupagin. Napasulyap siya kay Thess na kalalabas lang ng kwarto nito. Nagpalit na ito ng damit. Nakasuot ito ng peach dress hanggang t