Kabanata 6

1230 Words
"DAD, uminom ka na muna ng gamot mo," nakangiting ani Thess sa sariling ama na ngayo'y nakaupo malapit sa bintana habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. "Kanina ko pa nga hinihintay iyan, hija. Oo nga pala, nabalitaan ko mula kay Aling Trina na hindi raw kayo magka-sundo ng kapatid mong si Zavier?" Napayuko siya sa narinig mula sa ama. "Napaka-arogante at akala mo kung sino," inis niyang sagot sa sariling ama. "Hindi ko masisisi si Zavier, hija. Likas siyang arogante. Pagpasensiyahan mo na sana ang kapatid mo o ang Kuya Zavier mo." "Patawad, Dad. Pero kung sila makapagbigay ng mahabang pasensiya sa damuho kong kapatid, ibahin ako ng Zavier na iyon at talagang matitikman niya ang lupit ng kamao ko." Narinig ni Thess ang mahinang tawa ng sariling ama. Inilapag niya ang tray kung saan naroon ang isang basong tubig at gamot ng ama. Nagngingitngit pa siya sa sobrang inis. Lalo na ng maalala niya ang muntik ng may mangyari sa kanila ng binata. *** "Sir, nariyan na po iyong lalaking hinihintay ninyo," ani ng isang kawaksi kay Zavier. "Papasukin mo rito," utos niya sa kawaksi. "Yes, sir." Marahas na nagpakawala siya ng isang marahas na hininga. Kinakabahan siya sa katotohanan. Anong connection ng mga Clinton sa pagkamatay ng kanyang mga magulang? Muli, bumukas ang pinto ng office/library na kinaroroonan niya at iniluwa roon ang Private Investigator na inutusan niya. "Sir," ani ng P.I. sa kanya. "Hindi po maganda ang nakalap kong balita patungkol sa pagkasawi ng buhay ng inyong mga magulang...at dalawang kapatid na lalaki." Awtomatikong nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Mababakas ang kakaibang inis sa kanyang baritonong boses habang matamang nakatitig sa P.I. Tumikhim muna ang P.I. saka ito lumapit sa gawi niya at inilapag sa mismong office table niya ang dala nitong brown envelope. "Nariyan po ang lahat ng inyong mga dapat na malaman, sir." Nagpakawala siya ng isang marahas na hininga saka binuksan ng tuluyan ang naturang envelope para kunin ang ilang impormasyon na nakalap. Laglag ang panga ni Zavier sa katotohanang isinampal sa kanya ng kapalaran kasabay ng pag-igting ng kanyang mga panga at pagkuyom ng kanyang mga kamao. "Magbabayad sila sa ginawa nila, dāmn it!" Galit niyang tugon. Mula sa kanyang hunos ay kinuha niya ang tseke at isinulat doon ang halaga na dapat ibayad sa P.I., pinirmahan niya iyon saka niya ibinigay dito. "Siguraduhin mo lang na walang makakaalam nito. Hindi ko mapapatawad ang mga taong naging dahilan sa pagkamatay ng mga magulang ko at kapatid." "Y—Yes, sir." Bakas sa anyo ng naturang P.I. ang takot sa mapanganib na awra ng lalaking kaharap. "Narito ang tseke, salamat. Pwede ka ng umalis," utos niya sa P.I., halata sa anyo nito ang labis na takot. Sino ba naman ang hindi natatakot sa isang Zavier Clinton. Makapangyarihan at kaya niyang bilhin ang batas pumabor lang sa kanya ang batas. "S—Salamat po, sir." Pagkaalis ng P.I. ay saka inis na ibinato ni Zavier ang lahat ng mga nakalagay sa kanyang office table. "Dāmn it!" Ilang taon na ba siyang niloloko ng mga Clinton? Hindi siya papayag na hindi makaganti sa kawalang-hiyaan na ginawa ng mga ito sa pag-m******e sa kanyang buong pamilya sa pamamagitan ng pagsunog ng sarili nilang mansion para kamkamin lahat ng kanilang ari-arian ng mga Clinton? Saka niya naalala ang mala-tigreng si Thess. Si Thess ang siyang magbabayad ng sakit at pait na ginawa ng mga magulang nito sa buo niyang pamilya. "Mga hayop!" Galit niyang sigaw. Pulang-pula ang kanyang mga mata dahil sa luha at sa puso niyang punong-puno ng galit at pagkamuhi para sa mga Clinton, na siyang inakala niyang may malaking utang na loob pero isang kasinungalingan pala ang lahat. Narinig niya ang malakas na sunud-sunod na katok mula sa kanyang pinto. "Sir, okay lang po ba kayo riyan?" Narinig niyang tanong ni Aling Trina. "Shut up!" Sigaw niya na nanggagalaiti pa. *** "Aling Trina, ano 'yong parang may nabasag?" takang-tanong ni Thess habang kunot-noo na nakatitig kay Aling Trina. "Mukhang bad trip na naman ang amo natin. Baka may problema na naman siguro sa opisina," sagot ni Aling Trina sa kanya. "Gano'n pala 'yan kapag bad trip? Naku, mabuti na lang pala at hindi po kayo pumasok sa loob at baka matamaan kayo kung sakaling ibato niya ang mamahalin niyang laptop na may guhit na apple sa likod." "Ikaw talaga kahit anu-ano pa iyang sinasabi mo," saway sa akin ni Aling Trina. Kung alam lang sana nito ang totoo na isa akong heredera ng mansion na ito. "Alam niyo po bang mali iyang nambabato ng gamit? Naku, ang sarap tuloy pumasok at saluhin ang mga ibinabato ni sir. Kung sakali mang iyong laptop ay masalo ko, hindi ko na ibibigay sa kanya at ibibigay ko talaga sa mga kapatid kong lalaki." Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Thess. "Ikaw talaga, sige na bumalik ka na sa trabaho ron sa kusina at nang hindi tayo mahuli ni Sir dito na pinag-chismisan siya." "Alam mo Aling Trina, ang bagay diyan sa amo natin, pakainin ng ice cream. Malamig hindi po ba ang ice cream? Pwede po iyon kay, Mr. Clinton at nang lumamig ang ulo ng taong 'yan." Bumalik na nga siya sa trabaho niya sa kusina. Nag-umpisa na siyang magtadtad ng ilang mga dapat tadtarin dahil tutulong siyang magluto ng ulam para sa kanyang daddy. "Mabuti naman at healthy food ang pinapakain niyo kay Sr. Clinton, ang meaning nga pala ng Senior tinutukoy ko ang ama ni Mr. Clinton," nakangiting ani niya sa mga kawaksi na ngayo'y kunot-noo na nakatitig sa kanyang nakangiting mukha. "Ikaw talaga Thess anu-ano lang 'yang naiisip mong kalokohan. Pero in fairness hindi ka boring na kasama. Alam mo 'yon, nakakatuwa kang kasama." "Salamat po, dapat kasi happy lang tayo kahit na sabihing ang hirap na. Kailangan ko talagang aliwin ang sarili ko lalo na at malayo ako sa mga mahal ko sa buhay. Hindi po madali ang mawalay sa kanila lalo na at hindi ka sanay." "Tama ka, minsan nakakalungkot din." "Kaya nga, kaya tayo i-enjoy natin ang ating trabaho kahit na sabihing mahirap at nangulila tayo sa ating mga mahal sa buhay. Isipin lang nating para sa kanila ang lahat ng mga ginagawa natin," tugon niya sa mga kasamahan. Naputol lamang ang kanilang pag-uusap nang biglang may nag-interrupt na isang babae. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Thess. Naisip niya kung sino na naman kaya ang babaeng ito? "I'm looking for, Mr. Zavier Clinton. Narito ba siya?" tanong nito sa kanila, sabay pukol kay Thess ng tila mapanghusgang tingin. Aba't in-head to foot ba naman siya ng bruha. "Kailan ka pa po nakakita ng may-ari ng bahay na nasa kusina?" Pamilosopa niya sa babae dahilan para mapatitig sa kanya ang magandang babae. Awtomatikong tumaas ang isang kilay nito. "And who do you think you are?" Mataray nitong tanong sa kanya. "Ikaw talaga," ani Aling Trina kay Thess at hinarap ang elegante at mukhang mataray na babae. "Pasensiya na po kayo kay Thess, nagbibiro lang po talaga siya, ma'am." "I don't care, her words cut like a knife. If it were up to me, I would gladly sever it," inis na sagot ng magandang babae, umirap ito at galit na tinalikuran sila nito. "Madapa ka sanang bruha ka," mahinang tugon ni Thess sa maarte at mataray na babae. "Ikaw talaga," saway ni Aling Trina kay Thess.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD