"ARAY!" Nakasimangot niyang daing nang kurutin siya ni Aling Trina sa kanyang tagiliran.
"Ikaw talagang babae ka. Naku, kapag magsumbong 'yon kay sir, lagot ka na talaga. Hala, ipagpatuloy mo na iyang ginagawa mo."
"As if naman na matatakot ako," nakanguso niyang sagot kay Aling Trina. Ang totoo, naiinis lang siya sa tanong no'ng babae. Para kasi sa kanya ay sobrang napaka-nonsense lang.
Hindi niya alam kung ano'ng plano ng kanyang ama. Sa ngayon, nanatiling tikom ang kanyang bibig. Palaisipan sa kanya kung bakit pati sa sarili nitong anak na si Zavier na kapatid niya ay ayaw ipaalam nitong siya ang nawawalang anak ng mga ito. Nalilito tuloy siya. Naisip niya tuloy kung may sinasabi ba ang kanyang ama na hindi niya alam.
"Thess, pinapatawag ka ni Mr. Clinton."
"Ang ama ba o iyong aroganteng anak?" Kinakabahan niyang tanong sa kapwa niya kawaksi.
Lagot kung si Zavier ang nagpatawag sa kanya. Meaning lang no'n ay nagsumbong dito ang maarteng babae.
"Ang ama," nakangiting sagot nito sa kanya.
"Pinapa-kaba mo ako, ikaw ha?" palatak niya sabay sapo ng kanyang dibdib. Mabuti na lang at hindi si Zavier. Tamang-tama at may itatanong siya sa kanyang ama.
Muli siyang pumanhik sa grand staircase ng mansion at tinungo ang veranda kung nasaan ang ama. Naabutan niya itong nakatayo habang nakamasid sa malawak na karagatan.
"Ano pong kailangan niyo sa akin, Dad?" nakangiting tanong niya sa ama. Nakangiting napalingon naman ito sa kanya.
"May sasabihin ako sa'yo anak. Isang malupit na sekreto na karapatan mo ring malaman. Doon tayo sa office ko," tugon ng kanyang ama.
"Kinakabahan naman ako sa sasabihin mo, Dad."
"I know, pero kailangan mong malaman ang lahat bago man lamang ako pumanaw."
Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib nang marinig ang sinabi na iyon ng kanyang ama. Pumasok sila sa office na sinasabi nito. Naupo sila sa couch habang kaharap ang malaking flat screen TV.
"Ano po ba iyong malupit na sekretong sinasabi mo, Dad?" tanong niya sa ama.
"Ang totoo, hindi namin tunay na anak si Zavier ng mommy mo at lalong hindi kayo magkapatid. Anak si Zavier ng mga taong inakala namin na siyang pumatay sa Lolo't Lola mo. Pero huli na namin nalaman ang katotohanan, hija. Inaamin kong malupit ako noon at walang-awa kung pumatay ng tao. Pero alam ng Panginoon kung gaano ko iyon pinagsisihan lahat. Bumawi ako, maswerteng nabuhay ang anak nina Zandro at Verna, iyon nga ay si Zavier. Itinuring ko siyang parang tunay kong anak at ibinigay sa kanya ang lahat-lahat kahit alam kong kulang pa iyon sa kasalanang pagpatay ko sa mga magulang niya."
Hindi napansin ni Thess ang mga luhang kanina pa tumulo sa kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala. Hindi niya inaasahan na may masalimuot pa lang nakaraan na nangyayari.
"Dad... paano kung malaman ni Zavier ang katotohanan?" Kinakabahan kong sagot dito.
"Hindi iyon mangyayari. Hindi niya iyon maiisip na hindi ko siya tunay na anak," lumuluhang sagot ng kanyang ama sa kanya.
Naputol lamang ang pag-uusap nilang mag-ama nang mag-ring ang cellphone ni Thess. Agad niya itong sinagot. Ang kapatid niyang lalaki ang nasa kabilang linya. Nag-excuse muna siya sandali sa sariling ama at tinungo ang balcony.
"Napatawag ka?"
"Ate, salamat sa pinadala mo. Ang saya-saya namin lalo na si Inay," saad sa kanya ng kapatid na lalaki. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig na tila para itong umiiyak.
Nagtaka siya sa narinig mula sa kapatid. Hindi pa naman siya nagpapadala sa mga ito. "M—Mabuti naman, ikumusta mo na lang ako kina Inay at sa mga kapatid natin. Mahal na mahal ko kayo."
"Iyon lang ang pakay ko, ate. Sige na baka naka-istorbo na sa'yo ang gwapo mong kapatid," biro pa ng kapatid niyang lalaki. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Namiss niya tuloy ang mga kulitan nilang magkakapatid.
"Sige, ingat," aniya sa kapatid.
"Bye, ate." Saka naman pinatay sa kabilang linya ang tawag.
Nagpakawala siya ng isang marahas na hininga. Kung may dumating, sino ang nagpadala sa pamilya niya? Hindi pa naman siya nakapagpadala sa mga ito. Nagpasya siyang balikan ang ama.
"May problema ba?"
"Nagtaka lang kasi ako, Dad," saad ko sa aking ama.
"Nagtaka, saan naman?"
"May nagpadala raw kina Inay, iyong tumawag kanina kapatid ko 'yon, Dad" sagot ko rito.
Napansin niya ang kakaibang ngiti sa mga labi ng kanyang ama. "Ako ang nagpadala sa kanila. T'saka, plano kong ilipat sila sa mas magandang lugar. Kung okay lang sa'yo."
"P—Pero, Dad."
"No buts, deserved ng mga taong naging pamilya ng unica hija ko ang mga bagay na dapat hindi ipinagkait sa kanila."
Awtomatikong tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ng kanyang tunay na ama. "Daddy..."
"Shhh... narito lang ako at pakamamahalin ang mga taong mga mahal mo. Pero ipangako mo lang sa akin na walang makakaalam na alam mong isa kang Clinton."
"Pangako, Dad."
"Hindi ko pa kasi alam baka nasa paligid lang sa atin ang kaaway. Natatakot ako, hija. Lalo na at wala na akong lakas para protektahan ka pa."
"Palaban ang anak mong ito, Dad. Kaya ko silang patumbahin," biro niya sa sariling ama para alisin ang ano mang bumabagabag dito.
"Ikaw talaga, alam mo bang manang-mana ka sa ina mo, mahilig din iyon sa pagpapatawa sa'kin," nakangiting sagot ng kanyang ama sa kanya.
"Mas mapapanatag po ako kapag nakita ko kayong laging masaya," aniya sa sariling ama. Niyakap niya ito ng mahigpit.
Narinig nila kapwa ang katok sa pinto. Awtomatikong kapwa nila pinunasan ang mga ilang luha sa kanilang mga mata at inayos ang mga sarili ng bawat-isa, saka sila kumalas ng yakap sa isa't isa.
"Come in." Narinig niyang tugon ng kanyang amang si Mr. Clinton.
"Sir, nariyan na po si Atty. Papasukin ko po ba siya?" ani ng isang kawaksi.
"Sige," ani ng aking ama. "Ms. Padaong, dito ka muna," ani Mr. Clinton sa kanya.
"Yes, sir."
Kailangan nilang maging pormal sa harap ng mga taong nasa paligid nila. Ang ginagawa lang ni Thess ay ang sumabay sa agos sa looban ng mansion.
To ensure the safety of her father, she is taking necessary measures and making decisions with his well-being as the top priority.
Bilang kaisa-isang anak nito. Kailangan niyang maging mapagmatyag sa mga taong nakapaligid sa kanyang ama.