Kabanata 3

1097 Words
"Ikaw ba ang bagong taga-linis ng aking kwarto, hija?" tanong ni Mr. Clinton sa kanya. Napansin niya ang gulat sa anyo nito. Pagdakay, bumaba ang tingin nito sa suot niyang kwintas. "Yes, sir." "Ang kwintas mong suot, sa'yo ba 'yan, hija?" tanong nito sa kanya. Kunot-noo na napahawak siya sa kwintas na suot. "Opo, bigay po ito sa akin ni nanay bata pa lamang ako." Lumapit siya rito kahit nag-atubili siya. Nagulat siya nang mapansin ang mga luha mula sa mga mata ni Mr. Clinton nang masilayan nitong mabuti ang kanyang kwintas. "Zariyah Clinton. Ang kaisa-isang anak kong babae na inilayo sa aming mag-asawa. Na siyang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko. Masyado siyang na-depressed dahil sa pagkawala ng anak naming babae." "Po?!" "Ikaw ang nawawala naming anak, hija." Halos hindi siya makahinga sa narinig. Imposible, anak siya ng nanay niya? Dinadaya ba siya ng kanyang ng pandinig? "Po, pero paano po iyon nangyari?" Nalilito niyang tanong dito. "Pakiusap, huwag mong ipaalam sa lahat. Huwag kang magtiwala sa sino man na narito sa mansion na ito. Ako at ikaw lang ang nakakaalam. Can you give me a few strands of your hair for a DNA test, sweetie?" Ewan niya ba, pero hindi niya napigilan ang sariling mga mata at kusang tumulo ang mga luha na nagmula roon. "Hindi ko po alam kung ano'ng sasabihin. Ang swerte ko naman po kung totoo man ito, Mr. Clinton." "Daddy," nakangiting pagtatama nito sa kanya. "Pakiusap, pakikuha no'ng maliit na album na 'yon at tingnan mo." Agad naman siyang tumalima sa sinabi nito. Kinuha niya sa study table ang isang photo album na itinuro nito. Dinala niya ito rito. "Heto po ba, D—Dad?" Atubiling tanong niya rito, dahilan para mapangiti ito sa sinabi niya. Kitang-kita niya ang kakaibang sigla sa anyo nito na kanina lang ay puno ng katamlayan. "It's such a wonderful feeling when you call me dad, sweetie." Ang bilis ng mga pangyayari. Isang katulong lang siya, pero hindi niya akalaing anak mayaman pala ang isang Thess? "Maniniwala lang po ako kung mag-match ang DNA-test natin, nakakahiya naman po kung nagkamali lang naman pala kayo." "Si Soledad Padaong ba ang babaeng kinikilala mong ina, hija?" tanong nito na siyang lubos niyang kinagulat. "O—opo," nautal niyang sagot dito. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Kilala niyo po si Nanay Soledad?" "Best friend siya ng ina mong si Zairah." "Siya po ang ina ko na lubos akong minamahal. At may mga kapatid akong lalaki." "Sila ang mga anak ni Soledad, hindi ba?" "Mga kapatid ko po sila." Naramdaman niya ang pagpatong ng mga kamay ng kanyang daddy sa kanyang mga kamay. Ngumiti ito sa kamya. Pagdakay, masuyong tinuyo nito ang kanyang mga luha gamit ang dalawang hinlalaki nito. Pagdakay, niyakap siya nito. "Maging masaya ka, dahil isa kang tagapag-mana ng lahat ng mga ari-arian natin, hija. Kasama ang kapatid mong si Zavier." Nakagat niya ang pangibabang-labi. Hindi niya matanggap sa puso niya na kapatid niya si Zavier. Kung kapatid niya pala ito, kailangan niyang supilin sa kung ano man itong nararamdaman niya para rito. "Saka na po ako lubos na magdiwang kung sakali mang totoo na ako nga po ang tunay niyong anak." "Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina, hija. At alam kong ako lang ang nakakaalam niyo'n. Lahat ng mga katulong ko kasi rito ay puro bago. Nasa Hacienda Zariyah ang ilang mga katulong na siyang nakakakita at tunay na nakakilala sa amin ng iyong ina." "Gano'n po ba?" "Kaya nang makita kita? Ang mommy mo agad ang nakikita ko sa katauhan mo," saad nito na ngayo'y nag-umpisang mangilid ang mga luha sa mga mata nito. *** Zavier POV "Sir, dumating na po ang P.I. na inutusan niyo." Awtomatikong na sorpresa siya. Sa tagal na hindi ito nagbigay sa kanya ang ilang impormasyon patungkol sa nawawala niyang kapatid na babae ay ngayon lang ito bumalik para ibalita ang personal nitong information, sana nga magandang balita ang hatid nito. "Let him in, Harold." Kasalukuyang narito na siya sa Clinton Corporation, sa sarili niyang opisina. As usual, subsob ulit siya sa trabaho. Umalis siya ng bahay para iwasan ang kakaibang init na hatid ng bago nilang kasambahay. "Yes, sir." Narinig niyang bumukas ang pinto, nag-angat siya ng tingin. Iniluwa doon ang P.I. na matagal na niyang hinihintay. Naramdaman niya ang excitement sa balitang nais nitong ibahagi. "Good news ang gusto kong marinig, kung wala rin namang nangyayari sa paghahanap mo kay Zariyah, then, pwede ka ng umalis." "Good news po ang hatid ko, sir." Iminuwestra niya ang couch para ito'y maupo roon. Tumayo siya mula sa sariling swivel chair. "So, ano'ng magandang balita, Mr. Racaza? "Narito po ang lahat na magpapatunay na siya ang nawawala niyong kapatid," sagot nito sa kanya at inilapag ang puting folder. Nagtagal ang titig niya roon. Ewan niya ba, pero totoong binundol ng malakas na kaba ang kanyang puso. Gustung-gusto niyang makita ang kanyang kapatid. Ilang taon na rin ang lumipas. Binuksan niya ang naturang folder. At napatda siya nang makita ang mukha ng babaeng kanina lang ay naging dahilan nang pagtigas ng kanyang p@gkalalaki ng walang kahirap-hirap. "Fūck!" Malutong niyang mura. "Is there any problem, sir?" "Is this really true?" Hindi niya matanggap na kapatid niya ang bagong maid nila na siyang kapatid niya pala. "Yes, sir. At patunay ang DNA-test na nariyan. 100 percent match...kaya lang, sila lang ni Mr. Clinton. Hindi po kayo nag-match ng iyong ama, sir." Nang sakupin ng mga mata niya ang naturang DNA test. Halu-halo ang kanyang nadarama. Una, nagulat siya dahil hindi sila nag-match ng kanyang ama. Masakit iyon sa parte niya. Pangalawa, masaya siya sa nalaman. Pangatlo, nasa malapit lang pala ang tunay na anak ng kanyang kinikilalang ama. "Ayokong may nakakaalam nito, do you understand, Mr. Racaza?" "Yes, sir." "Hindi ko alam na hindi pala ako totoong anak ng aking ama. Pakiusap, hanapin mo ang mga tunay kong mga magulang." "Yes, sir." Tumayo siya at nilapitan ang kanyang office table. Mula sa kanyang hunos, kinuha niya ang isang envelope na naglalaman ng pera para bayad sa serbisyo ng P.I. "Here, para sa'yo," ani niya sa P.I. Nakangiting inabot nito ang envelope mula sa kanya. Nakipagkamay siya rito. "Maraming salamat, Mr. Clinton." "Sanay makita mo rin ang mga tunay kong mga magulang, hindi ko akalaing hindi pala ako isang Clinton." "Ikinalulungkot ko po ang balitang iyan, sir. Pero, kahit gano'n naman po. Hindi ka naman po pinabayaan ni Mr. Clinton at hindi ka tinuring na iba." "Kaya nga, na siyang lubos ko namang ipinagpasalamat sa Panginoon," sagot niya rito. "Aalis na po ako, sir." "Sige."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD