Kanina pa panay ang text ni Maggy pero ni Isang reply wala man lang sagot galing sa boyfriend n'ya. Ngayon ang 1 years anniversary nila at plano sana n'yang sabayan ang proposal nito. Kahapon kasi accidente n'ya itong nakita sa isang mall na nabili ito ng sing-sing. Kaya naman n'ya nalaman na engagement ring iyon talagang sinadya pa n'yang itanong sa saleslady at bumili na din s'ya ng isang mamahaling rilo pang regalo sa nobyo. Kaya super excited s'ya ng tawagan siya nito kagabi na magkita daw sila sa isang restaurant sa Pasig pero pinalitan n'ya ang venue at niyaya ito sa Ayala.
Sa isang Hotel and Restaurant na pag-aari ng pinsan n'yang si Dale, nag pareserve na din s'ya ng isang suite room para sa kanila dahil handa na s'yang isuko ang bataan sa boyfriend na si Thirdy since 1-year naman na silang mag jowa. It's a long-distance relationship. Isa kasing piloto si Thirdy kaya sa loob ng 1-year na relationship nila halos iilang beses lang sila nagkikita kung di pa s'ya mag tatravel abroad hindi pa n'ya ito makakasama. Lagi kasi itong may flight kaya bihirang-bihira itong nasa Pilipinas, nakilala n'ya ito during noon kasagsagan ng broken hearted pa s'ya dahil kay Travis. Madalas silang magkausap sa phone ni Thirdy at nakagaanan niya agad ito ng loob. Kaya agad n'ya itong sinagot kahit sa vcall lang sila nag ligawan at naging mag boyfriend, na kuwento n'ya rito ang tungkol sa ginawa sa kanya ni Travis.
At dahil nag ka phobia s'ya kay Travis inalam din muna n'ya kung binata si Thirdy at legit naman binata ito. Hindi man ito kasing guwapo ni Travis marami din naman itong magaganda katangian kaya nagustuhan din n'ya ito. Kaya naman kung aalukin na s'ya nito ng kasal hindi na s'ya mag dadalawang isip mag ye-yes na agad s'ya dahil sa edad niya hindi na dapat nag papakipot. Kasal naman na ang Ate Raine at alam naman ng parents n'ya ang tungkol kay Thirdy. Gusto na nga ng mga ito makilala sa personal ang nobyo kaso wala pa silang maaayos na schedule dahil kapag may free na schedule ang parents n'ya si Thirdy naman ang wala time. Minsan nga sabi ng Papa n'ya hindi daw s'ya totoong mahal ng bf n'ya iwan na daw n'ya dahil wala daw future na nag iintday sa kanila. Pero s'yempre galit lang ang papa n'ya dahil nga hindi na magkaroon ng time si Thirdy to meet her family.
"Sorry! I'm late medyo traffic." napangiti naman si Maggy ng makita na ang nobyo sa wakas after 30 minutes n'yang nag-intay.
"Traffic ba?"
"Oo, nag kamali kasi ng intindi sa akin yung grab driver kaya nag kamali kami ng route. Sorry order na ba tayo?" tanong pa nito ngumiti naman s'ya na tumango habang kabado s'ya. Habang kumakain sila kapansin-pansin na panay ang tingin nito sa cellphone nito at panay ang dutdot dun na sabi nito ang visor daw nito dahil ang dami daw piloto na hindi pumasok at nahihirapan daw ang mga flight ang dami na daw na cancel. Medyo kinabahan s'ya baka makabira nanaman ito ng alis ng hindi nag popropose sa kanya. Ilang minuto pa nag excuse muna ito na mag tutungo sa men's room.
At ewan ba n'ya out of curiosity sinundan n'ya ito dahil pakiramdam n'ya may problema kaya unease si Thirdy hindi naman ito ganun kapag nag dadate sila. Lagi itong naka focus sa kanya nakikinig sa mga kuwento n'ya kaso lagi nalang epal ang trabaho nito kaya bigla-bigla alis ito. Pag dating sa labas ng pinto ng banyo ng mga boys dinig n'ya ang boses ni Thirdy na may kausap pero hindi n'ya marinig ng ayos ng lalapit pa sana s'ya para makinig isang lalaki ang lumabas sa mens room na ikinagulat n'ya.
"Travis."
"Let's go!" wika nito na hinawakan s'ya sa kamay at sapilitan na hinila palabas ng restaurant.
"Travis ano ba!" inis na puwersahan na binawi n'ya ang kamay rito na nabitawan naman ng binata.
"He's cheating on you." sigaw pa ni Travis, pagak naman natumawa si Maggy.
"Hindi ka niniwala, sige bumalik ka at pag balik mo sa loob wala na ang boyfriend mo at makakatanggap ka ng tawag or call from him saying na sorry may problema lang sa airline call you back later." turan pa ni Travis na sinamaan lang n'ya ng tingin saka bumalik sa loob ng restaurant. Ngunit inabutan n'ya na inaayos na ng waiter ang table nila at wala na nga si Thirdy na nag mamadali daw umalis ang kasama n'ya right after daw na lumabas s'ya pero bakit hindi n'ya ito nakitang lumbas wala naman ibang labasan sa hotel. Kaya binalikan n'ya ito sa banyo at nag lakas loob ng pumasok sa loob ng banyo na ikinagulat ng mga lalaking naroon pero wala na nga si Thirdy.
Sakto naman labas n'ya ng banyo tumunog ang cellphone n'ya nag text nga si Thirdy tulad ng eksaktong sinabi ni Travis na after 1 year muli n'yang nakita at sinira pa nito ang date n'ya. Kung hindi lang sana s'ya nito kinaladkad palabas ng hotel hindi sana naka-alis si Thirdy ng hindi nakakapag paalam ng maayos sa kanya. Kaya naman agad n'yang tinawagan ang nobyo pero unattended ang number nito kaya nakakaramdam s'ya ng galit kung kanino hindi pa s'ya sigurado. Kaya naman dere-deretso s'yang lumabas sa hotel pupuntahan n'ya si Thirdy sa condo nitong inuupahan na medyo malayo dahil nasa Cubao pa pero hindi puwede na basta na lang ito aalis nanaman ng hindi nakapag propose sa kanya.
Napahinto s'ya sa pag lalakad patungo sa kotse n'ya ng makita si Travis na naroon at parang hinihintay s'ya. Malalaking hakbang na nilapitan n'ya ito para sana sampalin pero napigilan nito ang isang kamay n'ya. Kaya naman umagat naman ang kaliwang kamay n'ya na pinigilan nito ulit.
"Wala akong kasalanan sa'yo kaya hindi mo ako puwedeng sampa___ahhhhh damn it!" kagat labing napa uklo si Travis na sinapo ang harapan na tinuhod ng dalaga.
"Sa susunod wag kang makikialam sa buhay ko! Dahil hindi mo na yan pakikinabangan sa susunod kapag nag krus ulit ang landas natin." wika ni Maggy na nilampasan si Travis.
"Teka nga muna!" mabilis na itinulak ni Travis ang pinto pasarado ng buksan na ni Maggy ang driver seat ng kotse n'ya.
"Mag-usap muna tayo please."
"Mag-usap tungkol saan sa wheather?"
"Look, balak ko naman sabihin sa'yo ang marital status ko noon______."
"Tumahimik ka! Hindi ba masyado naman ng late para mag paliwanag ka pa huh, and beside wala na akong paki-alam sa'yo. Kaya tabi." nandidilat ang mata na tinabig ni Maggy si Travis na nakakapamura lang talaga na dahil nakakapikon talaga ang kaguwapuhan nito.
"Annulled na ang kasal ko. Binata na ulit ako?"
"So, anong paki-alam ko?"
"Sinasabi ko lang para naman mabura na sa isip mo na niloloko kita." pagak naman na tumawa si Maggy.
"Wala ka ng pakialam kung anong iniisip ko sa'yo. Importante guwapo ka pa rin sa paningin ko period."
"Hindi na babalik ang boyfriend mo maniwala ka sa akin."
"Ows talaga ba! O puwes hindi rin kita babalikan kaya alis."
"Hindi naman naging tayo bakit mo ako babalikan?" tanong naman ni Travis na napaisip naman si Maggy oo nga naman napaka assumera naman pala n'ya.
"Hindi rin naman ako lumapit sa'yo para ligawan ka ulit, nag-alala lang ako dahil nakita kita kasama ng lalaki sa banyo and I heard he's talking to someone na parang asawa n'ya."
"Alam mo gusto kitang murahin ng sobrang lutong yung tipong lalagutok sa noo mo yung laway na tatalsik sa bibig ko." wika ni Maggy.
"Totoo ang sinasabi ko, ayoko lang na ma disappoint ka ulit at ma ____."
"And who told you that I would believe you? Whatever words come out of your beautiful lips, hindi ko na paniniwalaan kaya move aside kung ayaw mong sumigaw ako dito at ipadampot ka sa pulis." umatras naman si Travis na umalis na sa pag kakaharang sa pinto ng kotse n'ya.
"Suit yourself if you don't want to believe me. I was just being kind because it seems like you're easily fooled by men." lalo naman sumimangot si Maggy.
"Tama mabilis ako mauto at maloko ng lalaki pero bakit? Tingin mo maloloko mo pa ulit ako. Subukan mo ng maipakulan na kita at titiyakin ko na kahit anong skincare ang ipahid mo sa mukha mo hindi na mag niningning ang kaguwapuhan mo." wika pa ni Maggy sabay pasok sa loob ng kotse n'ya at mabilis na s'yang umalis sa lugar. Habang nag pupuyos pa rin ang kalooban habang pilit pa rin tinatawagan si Thirdy na unattended pa rin.