Episode 7-Meet the mother

1898 Words
Hindi na alam ni Maggy ang gagawin habang palabas ng airline kung saan nag tatrabaho si Thirdy at ayon sa mga ito naka leave daw si Thirdy ng isang buwan sabi ng mga flight attendant na kilala n'ya. Pero bakit hindi sinabi ng nobya at bakit hindi pa rin n'ya ito ma contact. Para itong bulang biglang nag laho bakit pa ito bumili ng engagement ring kung pagtataguan lang pala s'ya nito. Ni hindi man lang din yata nito na alala na anniversary nila ng isang araw. Ni emojies wala sana manlang mag text ito para naman hindi s'ya parang tanga nag hahanap rito na nag-aalala. Isang lugar na lang ang puwede n'yang puntahan na baka sakaling may alam kung nasaan si Thirdy ang pinsan nitong meron isang malaking computer shop. Kaya naman after sa airport dun na s'ya dumertso dahil pakiramdam n'ya hindi na s'ya makakatulog kung 'di pa n'ya malalaman kung saan si Thirdy. Ngunit kahit ang pinsan nito hindi din daw alam pero sinabihan s'ya na kung hindi na daw nag paparamdam sa kanya si Thirdy wag na daw n'yang habulin dahil masyado daw s'yang maganda para mag habol ng isang lalaki. Hindi naman s'ya nag hahabol e, ang gusto lang naman n'ya makausap ito ng maayos kung ano ba talaga ang status nila kung ayaw na nito mag sabi na lang hindi yung pinag tataguan pa s'ya. Marinig lang n'ya na ayaw na nito fine lalayo s'ya at wala itong maririnig na kahit ano sa kanya. "Ayaw mo pa rin talagang maniwala sa mga sinabi ko." napalingon si Maggy ng makita nanaman si Travis. "Hanggat hindi nakikita ng mga mata ko at hindi si Thirdy ang nag sasabi sa akin ng lahat hindi ako maniniwala sa'yo." "So, hanggang kelan mo balak mag paikot-ikot sa kakahanap sa kanya. Ni hindi ka nga yata n'ya tinatawagan hindi ba masyado ka naman nag papakatanga." "Wala kang paki-alam." "Hindi sila kasal ng babaeng kinakasama n'ya pero dalawa na ang anak nila at kaya umalis s'ya kagabi dahil na nganak yung babaeng kinakasama n'ya. Ano pa bang gusto mong malaman ha! Address kung saan sila nakatira?" "Bakit mo ba ginagawa to?" "Sinabi ko na sa'yo diba, kaya tumigil ka na." "Ayoko kong tumigil kung ikaw lang ang mag-uutos sa akin. Titigil ako kung si Thirdy ang mag sasabi." "Damn it! Kilala ko si Theodor Pascual de third." gigil ng sigaw ni Travis na ikinagulat ni Maggy na napatingin rito. Huminga ng malalim si Travis na napayuko na nasapo ang noo bago muling tumingin ng deretso sa dalaga. "Hindi ka n'ya mahal at kahit kelan hindi ka n'ya mamahalin. He just used you to temporarily forget, but he lost the bet with the woman na kinasama n'ya." "Anong pustahan?" "Na kapag nabuntis ka ni Thirdy maghihiwalay sila pero in the end yung babae ang nag buntis. Hindi totoo na lagi s'yang may flight nasa bahay lang s'ya palagi taking care of the woman he chose over you at ang anak nila." "Paano mo nakilala si Thirdy." "Wag mo ng alamin, kaya tama na. You don't deserve someone like him. Kung gusto mo talaga na mag ka boyfriend yung talagang mamahalin ka at walang sabit tutulungan kita." wika pa ni Travis napatingin naman si Maggy sa guwapong doctor. "Kung gusto mong makatulong dalahin mo ako kay Thirdy." "Ano ba Margarette." angil ni Travis na bigla ng napikon. "Ano pa ba ang gusto mong marinig!" "Wala kang karapatan na sigawan ako, kung talagang totoo ang sinabi mo puwes makipag hiwalay sa akin ng maayos si Theodor. Kung ikaw ang inuutusan n'ya na makipag hiwalay puwes pakisabi sa kanya hindi ako titigil hanggang hindi s'ya humaharap sa akin." galit na tinabig ni Maggy si Travis saka na ito iniwan dahil pakiramdam n'ya sasabog na ang utak n'ya sa pag-iisip at hindi na n'ya alam kung ano ba ang nangyayari. - - - - - - - "Mag text ka naman kahit isa lang, bakit hindi mo sinabi sa akin na kilala mo pala si Travis? Todo kuwento ako sa'yo ng tungkol sa kanya pero hindi mo man lang sinabi na kilala mo s'ya. Ano ba talagang problema Babe? Maraming sinabi sa akin si Travis pero hindi naman totoo ang lahat ng iyon diba Babe, mahal mo naman ako diba? Please naman sumagot ka naman." text pa ni Maggy habang nasa nurse information s'ya. Mula pa kanina s'ya text ng text kay Thirdy, ilang araw na s'yang puro text pero ni isa walang reply rito kaya na iiyak na lang s'ya dala ng frustation at inis na din. "Excuse me! Ikaw si Doctor Margarette Razon," napalingon si Maggy ng isang ginang na mataba pero matangkad mukha itong korean dahil sa kulay ng balat sa pagkakasingkit ng mata. "Busy ka ba mamayang gabi?" "Po? Ako po ba ang kinakausap n'yo?" alangan na nag palingon-lingon pa si Maggy sa loob ng nursing information wala tao roon maliban sa kanya. "Unless hindi ikaw si Dra. Maggy." turan pa nito na papahiya naman na pinahid ni Maggy ng panyo ang mga pisngi na umayos ng harap sa ginang. Tiningnan pa s'ya nito mula ulo hanggang paa bago muling ibinalik sa mukha n'ya. "May son is giving you a hard time, I heard ikaw ang girlfriends n'ya na ayaw iharap sa amin. I saw you kasama ng anak ko sa hotel." Natuptop naman ni Maggy ang bibig at nag mamadaling lumabas ng nursing information at nag yuko ng ulo. "Hello po ako po si Margarette Razon." huminga naman ng malalim ang ginang saka ngumiti kahit papaano. "I keep forcing him to get married pero ayaw pa n'ya. Ikaw ba ayaw mo pa rin bang pakasalan ang anak ko?" "Gusto po!" mabilis na sagot ni Maggy. "Actually, mag popropose na po sana s'ya sa akin nung sa hotel kaso nag kaproblema lang po." "Kung ganun pumunta ka sa bahay mamayang gabi aayusin ko ang kasal n'yo." "Ahm ma'am sorry po pero puwede po bang bukas na lang po ng gabi? Meron po kasi ako schedule ngayon ng CS okay lang po." tumango naman ang ginang. "Then iintayin kita sa bahay tomorrow night. Can I have a pen and a paper." utos pa nito nag mamadali naman kumuha si Maggy ng papel at ballpen. Isinulat naman ng ginang ang address nito bago nag paalam napangiti naman si Maggy na napahinga ng maluwag dahil sa wakas makakaharap na n'ya si Thirdy. Hindi na n'ya ipipilit ang sarili kung ayaw talaga nito pero gusto lang talaga n'yang marinig ang explanation nito iyon lang wala ng iba. ***************** "Ahh!" lagutok na sa ulo ni Theo ang box na bitbit ni Travis ng tumaan s'ya sa sala at makita ang lalaking tunay na nag papakulo ng dugo n'ya. "Kuya." reklamo naman na Arlyn. "May sarili kayong bahay diba anong ginagawa nyo dito." "Si Mommy ang may gusto na dito muna kami since ka papanganak ko pa lang." "Umalis ka sa harapan ko baka paliparin kita palabas ng bahay." "Anong bang problema mo kuya, wala naman ginagawa s'yo si Theo ah!" napatingin naman si Travis sa kapatid bago kay Theo ang lalaking hinahanting ni Maggy. Na brother-in-law n'ya na hilaw wala s'yang kaalam-alam na dinigahan pala ng animal na lalaking ito si Maggy at kilala ni Arlyn si Maggy. At alam naman ni Theo na magkakilala sila ni Maggy kung hindi pa n'ya ito na corner at aksidente n'yang nakita ang picture ni Maggy sa cellphone nito hindi n'ya malalaman na si Maggy pala ang babaeng pinag-tatalunan ng kapatid n'ya ang ng mayabang nitong asawa kuno. Kung di lang s'ya na aawa sa dalawang pamangkin n'ya binalian n'ya ng buto ang lalaking ito kaya naman binigyan n'ya ito na ultimatum na kapag hindi nito iniwan si Maggy, isusumbong n'ya ito sa Mama n'ya at tuluyan na itong hindi makapag palipad ng eroplano at hindi na makita ang mga anak nito. Ayaw ng ina n'ya na ipakasal ang dalawa dahil wala din tiwala ang ina n'ya sa lalaki na nakuha ng kapatid n'ya kaya pumayag ang ina na mag sama na lang ang mga ito at kapag nag kasawaan saka mag hiwalay ng wala daw hassle. "Ano bang nakita mo sa lalaking yan at hindi mo maiwan-iwan." ibinaba ni Travis ang box na bitbit na may laman na mga new product na inutos sa kanya ng ina na kunin sa kumpanya at iuwi sa bahay ng mga ito. "Hindi mo ako maiintindihan kahit sabihin ko pa sa'yo dahil hindi ka pa naman totoong na iin love saka mo na ako tanungin kuya kapag na in love ka na ng totoo." "In love? Bakit tingin mo ba mahal ka ng ugok na ito." literal na sinapok na ni Travis ang bayaw na hilaw na masama na ang tingin nito sa kanya. "Ano papalag ka!" hamon pa ni Travis. "Umalis ka na lang kung dito ka pa mag-aasal kalye, nakita mong may dalawang batang natutulog ang ingay-ingay mo." "bakit hinayaan n'yong tumira ang dalawang yan dito?" "Pinuntahan mo ba yung babaeng pina dadate ko sa'yo?" tumarak naman ang mata ni Travis. "Sinasabi ko sa'yo hindi kita titigilan hanggat hindi ka ulit nag-aasawa. Akala mo ba hindi ko alam na lagi kang pinupuntahan ni Ailyn sa clinic mo at pilit kang inuuto at binibilog ang ulo mo." "Ito na po yung mga item na pinakuha n'yo aalis na po ako." ani Travis na paalis na ulit ng mag salita muli ng ina ng nasa kalagitnaan na s'ya ng sala. "Ibebenta ko ang bahay sa Ayala, mag hanap ka ng bahay na matitirahan mo." "Mama." bulalas ni Travis. "Binigay ko sa'yo ang bahay na yun dahil sabi susundin mo lahat ng utos ko pero hindi ka sumusunod kaya say goodbye to that house." irap na wika ng ina na tumalikod na ulit na umakyat sa hagdan na hinabol naman agad ni Travis. "Hindi n'yo puwedeng ibenta ang bahay na yun, iyon ang una natin bahay." "May usapan tayo hindi ka tumupad kaya pasensyahan tayo.' wika pa ng ina na naka pasok na sa silid nito at nag lock kaya hindi na nakasunod pa ni Travis na napapamura. Kailangan na n'yang makahanap ng babaeng magiging girlfriend at ipakikilala sa inang babaeng pakakasalan. Sumablay na s'ya kay Maggy ito dapat ang ipakikilala n'ya pero nabulilyaso ang unang atttempt n'ya noon dahil kay Ailyn na nasundan sila sa boracay kaya na purnada ang mga plano n'ya. Ang balak n'yang 2nd attempt hindi nanaman na tuloy dahil ang animal na si Theo nakilala si Maggy at binalak pang gawin kept woman ng gago buti na lang na laman agad n'ya. Wala s'yang maisip na ibang babae maliban kay Maggy, Feeling kasi n'ya safe s'ya Maggy kesa sa ibang babaen na pag papagapin n'yang fiancee' n'ya para tigilan ng ina ang bahay na tinitirahan n'ya. Kaialngan n'ya si Maggy at hindi ibang babae kailangan makumbinsi n'ya itong pumayag. He likes her because she's jolly at masarap kausap pero hindi n'ya ito gusto in romantically way pero kung pipili lang din s'ya ng babaeng pag papanggap na mamahalin n'ya mas okay na si Maggy. Sana lang mapapayag n'ya ito kahit alam n'yang imposible lalo pa at ang init talaga ng dugo nito sa kanya lalo pa sigurado kung malalaman nitong bayaw n'ya ang thirdy na hinahanap nito. Hay! hindi puwedeng mawala sa kanya ang bahay nila noon. Kaya gagawin n'ya ang lahat para manatiling sa kanya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD