Chapter One

2001 Words
          “YOUR excellencies, members of the House of Congress. Ladies and gentlemen, the President of the Republic of the Philippines, Javier Antonio De Vera,” pagpapakilala ng nakaupong House Speaker ng Kongreso.           Nagsitayuan ang lahat ng mga tao na naroroon sa loob at binigyan ang Pangulo ng bansa ng masigabong palakpakan.           “… mga mahal kong kababayan… magandang hapon po sa inyong lahat. It has been four years since I took my oath and our country had been into different war. Last year, our faith was tested by nature as super typhoon Rosana hit the central part of Luzon, took thousands of lives, maraming bahay at pamumuhay ang nasira. Pero dahil sa pagtutulungan ng pamahalaan at mga pribadong organisasyon at iba pang mga indibidwal na nagpadala ng tulong pinansiyal at tumulong sa atin sa ibang aspeto. Ang ating mga kababayan ay unti-unti nang nakakabangon mula sa bagyo ng nakaraan. Our government build free houses to all families who lost their homes. They were given financial assistance to start a new life and also helped the women to earn through our government’s livelihood programs…”           “And last year, through our National ID System, we launched our Direct Help Program. Ang programa kung saan direktang maipapadala ng Gobyerno ang financial at food assistance sa mga kababayan natin na apektado ng anuman kalamidad at direkta iyon papasok sa bank account nila o ipapadala sa mismong bahay nila ang checke. That’s why we encouraged every Filipinos, eighteen years old and above to register on our National ID System. Nang sa ganoon ay lahat kayo ay matulungan ng ating pamahalaan…”            “My gosh, tingnan mo si Pres, napaka-guwapo ano?” kinikilig na komento ng kasama sa trabaho ni Regina habang sabay-sabay silang nanonood ng State of the Nation Address ng Presidente ng Pilipinas.           Nagtatrabaho si Regina na Clerk sa City Hall ng Bayan ng Gonzaga sa Cagayan Valley. At bilang government employee, nakagawian na nilang manood ng SONA ng Pangulo taon-taon.           “Napakagaling pang Presidente! Imagine, sa apat na taon, napalakas niya ang ekonomiya ng Pilipinas. Maraming foreigner ang nag-invest sa bansa natin, dumagsa ang turista, bukod pa ‘yung mga The Green Project program niya,” sabi naman ni Beth, isa sa kasamahan niya doon sa city hall.           “Ano ka ba? Iyon ‘yung programa na nagsusulong para maibalik sa dati ang ganda ng mga kagubatan natin na nakalbo dahil sa illegal mining at mga real estate company na ‘yan na panay ang putol ng puno sa bundok para magpatayo ng subdivision! Sa unang taon pa lang ng pamumuno niya inumpisahan iyon, tingnan mo ang laki agad ng improvement ngayon,” paliwanag ni Lori, ang isa sa pinaka-close niya sa mga kasama sa trabaho.           Natatawa na napailing na lang si Regina. Pero totoo naman ang sinabi nito. Guwapo naman talaga ang namumuno ng bansa nila. Maaari niyang mahanay si President Javier De Vera sa mga Hollywood actors na nasa late thirties at forties na, gaya nila Tom Cruise, Leonardo DiCaprio, Brad Pitt, Johnny Depp at marami pang iba. Medyo mestisuhin ang features ng mukha nito, bahagyang maputi ang balat at medyo singkit ang mga mata, matangos ang ilong at natural na mapula ang mga labi. May hawig ito sa actor na si Albert Martinez. Ayon na rin sa research ng mga kasama niya sa trabaho na may crush sa presidente. Ang taas daw nito ay nasa five-eleven. And he was only forty years old when he won the position of the President on the National Election four years ago, at tinaguriang pangalawa sa pinakabatang pangulo sa kasaysayan ng bansa.           Pero bago ito naging Pangulo, Javier became the youngest Mayor of Manila at the age of twenty-eight years old. Dalawang termino itong nagsilbi sa lungsod ng Maynila bago tumakbong Senador nang sumunod na eleksiyon at pinalad na manalo at nagsilbi sa bayan ng anim na taon. Dahil sa magandang performance ni Javier bilang isang Senador. He was forty years old then, when he announced his candidacy for the President position. And the rest was history.            Tama ang sinabi ng mga kasamahan ni Regina. Si President Javier De Vera na yata ang pinakamagaling na namuno sa Pilipinas simula nang magkaisip siya. Siguro dahil bata pa ito kaya mas fresh ang ideas nito. Bukod sa nabanggit ng Presidente sa SONA nito at ng mga kaibigan niya. Marami pa itong nagawa sa bansa sa apat na taon pamumuno nito. Javier implemented strict curfew hours at night. Dahil doon ay mas nabawasan ang crime rate sa bansa. He launched livelihood programs for the women of the poor family. Sila ang mga pamilya na nakatira sa mga squatter’s area. Si Presidente mismo ang dumalo sa meeting at pinaliwanag na handa ang mga ito ng Gobyerno, pero sa pamamagitan ng livelihood program ay kailangan ng mga ito na tulungan ang sarili. Sa pagpayag ng Presidente na buksan sa mga foreign investors at businesses ang bansa. Kalakip niyon ay ang pangako ng mga ito na magiging priority ng mga ito na kunin ang mga manggagawang Pilipino dahil narito sila sa Pilipinas. Infrastructures such as road widening programs, improvement of Philippine Railway Transits, mas ginawang modern ang mga trains at mga stations. Mas pinahigpit din ang mga parusa sa mga kasong murder, rape at drug involve cases sa mga mapapatunayan guilty. At ang Direct Help program ng pangulo na naging mainit noon na usapan dahil maraming mambabatas ang tumutol ang isa sa pinakamagandang nagawa nito. Hindi na kasi dumadaan sa Local Government Unit ang tulong na nanggagaling sa gobyerno. Dahil doon ay nabawasan ang talamak na corruption na madalas nangyayari tuwing may kalamidad. Ibibigay na lang sa mga tao ay binubulsa pa ng mga kurakot na opisyal. Mabuti na lang at mas marami pa rin mambabatas ang pumabor sa panukalang iyon ng Pangulo kaya naipasa ang Direct Help Bill. Because of Javier’s great leadership, nakuha nito ang puso at tiwala ng mga Pilipino, lalo na ang mga millennials. That was just few of his great works as the President of this country. There are too many to mention.           “Alam mo sabi ni Kuya ko noon nabubuhay pa siya, mabait daw talaga ‘yan sa personal,” sabi ni Regina.           Bumuntong-hininga si Lori.           “Hay… kung magkaroon man ako ng chance… jojowain ko talaga ‘yan eh!”           Natawa ng malakas si Regina. “Kahit kelan ka talaga!”           Tumingin ito sa kanya. “Ikaw ba? Si Mamang Pulis, ano na status n’yo?”                  “Anong status ang sinasabi mo?!” natatawa pa rin na tanong niya.           “Girl, obvious naman na may gusto sa’yo ‘yong tao?”           Umiling si Regina. “Wala ‘yon, kaibigan ko lang siya.”           Ang tinutukoy ni Lori ay si Allan. Ang Pulis na may hawak sa kaso ng kanyang kapatid na si Rey. Si Allan ang tumawag sa kanya, limang taon na ang nakakalipas, para ibalita ang nangyari sa kapatid. Dahil sa haba ng tinatakbo ng kaso, naging malapit na magkaibigan sila ni Allan.           “Oh, sige kung ayaw mo sa kanya kay President Javier ka na lang!” sabad ni Beth, isa sa kasama nila sa trabaho.             “Single pa naman siya!” sabi naman ni Lori.         “Tumigil na nga kayong dalawa, imposible naman ‘yan sinasabi n’yo! Manood na lang tayo,” natatawang saway niya sa mga kaibigan.           Muling tinuon ni Regina ang mata sa TV screen. Bakas sa mukha ni Javier De Vera ang sinseridad sa paglingkod sa mga Filipino. Ngunit halata rin sa mga mata nito ang pagod at bigat ng responsibilidad bilang Pangulo ng Pilipinas. Bukod doon ay may naaaninag din siyang lungkot.           Muling nawala ang atensiyon niya sa panonood ng dumating ang Boss niya.           “Regina, approved na ‘yong leave mo.”           Nagliwanag ang mukha ni Regina. “Talaga po?!”           “Oo, puwede ka nang lumuwas ngayon Sabado.”           “Naku Ma’am, thank you po.”           Nakangiting tumango ito. “Sana ma-sentensyahan na ‘yong mga pumatay sa Kuya mo. Para makahinga na rin kayo ng maluwag,” sabi pa nito.           “Kaya nga po eh, malaki na rin ang nagagastos namin sa kaso ni Kuya. Tapos nagbabayad pa kami ng utang namin sa bangko para hindi mahila iyong lupa ni Tatay.”           Tinapik nito ang balikat niya. “Hayaan mo, matatapos din lahat ng iyan.”           Ngumiti siya saka tumango. “Sana nga.”             MABIGAT ang dibdib na naglalakad si Regina papunta sa Tayuman Station ng LRT. Kahapon siya dumating doon sa Maynila para sa hearing ng kaso ng Kuya niya. Limang taon na ang nakakalipas, matapos mamatay ng kanyang Kuya Rey. Alas-dos ng hapon nangyari ang pamamaril sa kapatid niya, kaya tirik na tirik pa rin ang araw at marami ang naging saksi sa pangyayari. May mga nakakuha rin ng ilang impormasyon tungkol sa sinasakyan na motor ng mga suspects. Matapos ang dalawang linggo, nahuli ang mga suspects matapos ang masusi at matiyagang pag-iimbestiga ni Allan.           Pero limang taon nang nakakulong ang mga suspects. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang kaso ng kapatid niya sa korte. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nasesentensyahan ang dalawang suspects. Minsan, hindi maiwasan ni Regina na makaramdam ng pagod. Hindi biro ang bumyahe ng labingdalawang oras paluwas ng Maynila at pabalik ng Cagayan sakay ng bus. Gusto na niyang matapos iyon para matahimik na rin silang naiwan ng kanyang Kuya Rey.           Naputol ang pag-iisip ni Regina matapos magulat nang biglang may nadapang lalaki sa gilid niya. Tutulungan pa sana niya ito pero may babae naman bigla rin yumapos sa braso niya.           “Kanina pa kita hinihintay, Ate! Akala ko male-late ka na naman eh!” sabi pa nito saka ngumiti.           Kunot ang noo at puno ng pagtatakang tumingin siya sa babae. Isang tingin pa lang ay alam na niyang teenager pa lang ito. Idagdag pa ang suot nitong school uniform, pero bukod doon ay tila pamilyar sa kanya ito.           “Excuse me, pero hin—”           “Makisakay ka na lang sa akin, Ate. Muntik ka nang dukutan ng lalaking iyon kanina. Buti nakita ko kaya tinulak ko siya,” bulong nito.           Agad niyang tiningnan ang backpack, bukas nga ang zipper niyon, nang tingnan ang laman sa loob. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang naroon pa rin ang wallet niya kasama ang pera pati ang cellphone.           “Naku, maraming salamat ha?”           Matipid na ngumiti ang teenager. “Wala ‘yon, hindi ka taga-rito sa Maynila, no? Ingat ka, may mga magnanakaw at snatcher diyan sa paligid mo.”           “Oo sige, salamat ulit.”           “Sige, una na ako,” biglang paalam nito.           “Ay s-sandali lang, anong pangalan mo?”           Ngumiti sa kanya ang maamong mukha ng teenager. “Marcela, pero makakalimutan mo rin naman ako. Mamaya lang aalis na ako dito,” makahulugang sabi nito.           Nang matitigan ang mukha ng dalagita, saka naging malinaw kung saan niya ito nakita. Ang kaharap niya ay walang iba kung hindi ang nag-iisang anak ng Presidente ng Pilipinas. Tama, Marcela nga ang pangalan nito. Mas maganda ito sa personal kumpara sa TV, pero sa murang edad ay naka-heavy make up na ito. Balitang-balita sa TV ang pagiging rebelde nito. Madalas ay kumakalat ang video nito sa social media na nasa mall kahit na oras ng klase o kaya naman ay nakikipag-away. Ilang beses na rin nabalita na tinatakasan nito ang mga PSG nito at maging ang paninigarilyo sa murang edad ay nalaman pa ng media. At isa si Marcela sa ginagamit ng mga anti-supporter ng Presidente. Ayon sa mga ito, paano nito pamumunuan ang bansa kung ang sariling anak nito ay hindi nito magawang mapatino? Pero kung siya ang tatanungin, base sa mga nakita niyang malaki at magandang pagbabago ng Pilipinas simula nang si Presidente Javier De Vera ang namuno. Nasisigurado niyang malalim ang ugat ng naging problema ng mag-ama.           “Hindi ba ikaw si—”           Hindi na naituloy ni Regina ang sasabihin nang bigla itong napalingon. Nang tumingin siya sa bandang likuran nito, natanaw niya na tila may papalapit na mga lalaking naka-uniporme at papunta sa gawi nila.           “Sige una na ako,” biglang nagmamadaling paalam nito sabay takbo.           “Sandali lang!” habol pa niya pero hindi na lumingon pa ang babae. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD