bc

The President's Affair (SPG)

book_age18+
18.8K
FOLLOW
157.5K
READ
sex
age gap
powerful
drama
bxg
heavy
serious
passionate
wild
like
intro-logo
Blurb

At the age of forty-four, Javier Antonio De Vera was elected as the second youngest President of Republic of the Philippines. Ngunit sa kabila ng magandang pamumuno niya sa bansa, tila hindi niya magawang pamunuan ang sariling pamilya. He felt that everything is falling apart. His wife suddenly died five years ago because of Food Poisoning. Simula noon ay napabayaan niya ang kanyang nag-iisang anak na si Marcela dahilan para lumayo ang loob nito at magrebelde.

All these years, Javier didn’t know that Marcela is dealing with Depression at her young age of fifteen. At parang isang anghel na pinadala ng langit ang dalagang si Regina sa kanilang mag-ama nang minsan magtangkang magpakamatay ang kanyang anak. Sa pagdating nito sa buhay nila. Nagmistula itong tulay na nagdugtong muli sa kanilang mag-ama. She takes care of them as if they are her family. Sa laki ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ni Javier, bilang Leader ng bansa. Nagagawa ni Regina na pawiin ang lahat ng alalahanin at pagod niya.

They find themselves one day falling so fast and deeply with each other. Tinanggal ni Regina ang lungkot niya sa buhay. Kapag kasama niya ang dalaga, pinaparamdam nito na hindi siya ang Presidente ng Pilipinas kung hindi isang ordinaryong lalaking nakakapagpaligaya dito. Binuhay nito ang puso niyang nakalimutan na yata umibig. Pero hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Kinailangan nilang ilihim ang kanilang relasyon dahil na rin sa estado niya sa bansa. Hanggang sa dumating ang isang tao mula sa nakaraan niya. Nabuhay ang lihim niyang tinatago sa pagkamatay ng asawa at hindi niya nagawang protektahan si Regina nang madamay ito sa gulo ng buhay niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
IMPORTANT REMINDER:         This story is already completed. Basahin n'yo na hangga't libre pa dahil baka i-lock ito ng Dreame anytime. Pero kahit naman i-lock nila, I promise hindi masasayang ang coins n'yo. Thank you so much. Happy Reading!  ~The Author  HALOS magiba ang pinto ng Emergency Room ng hospital nang itulak iyon ni Regina at agad na tumakbo papasok. Sa bawat hakbang ng kanyang mga paa ay siyang malakas na pagkabog ng dibdib niya, habang ang mga luha ay panay ang pag-agos.           “Kuya!” malakas na sigaw niya nang marating ang kama kung saan nakahiga ang hindi na gumagalaw na katawan ng kapatid.           Sa paghabol niya ng bawat paghinga ay biglang huminto ang kanyang mundo matapos masaksihan ang nadatnan doon sa ospital. Ang dahan-dahan pagtakip ng kumot sa katawan ng kapatid. Litong-lito na nilapitan niya ang doctor.           “T-Teka po… D-Doc… kapatid ko po siya… b-bakit n’yo siya tinatakpan ng kumot? Doc? A-Ano na po ang lagay niya?”           Alam ni Regina ang sagot sa kanyang mga tanong. Pero tila ayaw i-proseso ng isip niya ang katotohanan. Hindi niya matanggap. Paano na sa isang iglap ay binawian ng buhay ang Kuya niya? Dahil isang oras pa lang ang nakakaraan ay kausap pa niya ito. Hindi iyon totoo. Isang masamang panaginip lang lahat ng iyon.           “I’m sorry, Ma’am. Pero dead on arrival po ang kapatid ninyo. I’m so sorry.”           Parang tuluyan nanghina ang tuhod ni Regina at napasalampak na lang ng upo sa semento habang tulala at panay ang agos ng luha sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay tila nalalamukos ng mariin ang kanyang puso.           “Ah Miss, ako ‘yong tumawag sa inyo kanina. Dito muna tayo sa labas, may mga itatanong lang ako sa’yo habang inaasikaso nila ang katawan ng biktima. Kaano-ano mo siya?”           Tulalang napalingon na lang si Regina sa pulis habang nakaalalay ito sa kanya sa pagtayo pati sa paglalakad. Dinala siya nito sa hallway at doon in-interview.           “Kuya ko ho.”           Tumango-tango ang pulis habang nagsusulat sa maliit na notepad nitong hawak.           “Anong pangalan mo?”           “Regina. Maria Regina Sol Luna.”           “Ilang taon ka na?”           “Twenty-four.”           Muli siyang lumingon sa pulis. “Sir, ano po bang nangyari sa Kuya ko?”           Bumuntong-hininga ito. “Binaril siya ng riding in tandem habang naglalakad at kinuha ang bag nito. Robbery ang nakikita namin dahilan.”           Doon siya napahagulgol ng husto. Halos mahigit isang oras pa lang ang nakakaraan nang huli silang mag-usap ng kanyang Kuya Rey. Ang sabi pa nito ay nagpa-plano itong umuwi sa probinsiya nila sa Cagayan para madalaw doon ang mga magulang nila at mayroon din daw itong gustong sabihin sa kanila. Masaya at masigla pa ito nang magkausap sila isang oras lang ang nakakalipas. Nasa school siya nang matanggap ang tawag mula sa Pulis na kausap ngayon gamit ang number ng Kuya niya. Pakiramdam ni Regina ay pinagsakluban siya ng langit at lupa matapos marinig ang balita. Ang akala pa nga niya ay scammer noong una at simpleng na-snatch lang ang phone ng kapatid. Pero nang banggitin na ng kausap ang pangalan ng ospital. Doon siya nakaramdam ng kaba. Sa isang iglap, ninakaw hindi lang ang mga gamit ng kapatid. Kung hindi maging ang buhay nito at ang pangarap nito para sa pamilya nila.           “Ah Miss, dito ka lang muna ha? May itatanong lang ako sa mga doctor na tumingin sa kapatid mo.”           Tango lang ang sinagot niya dito. At habang umiiyak ay kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang mga magulang.           “Itay, si Kuya po… wala na siya… na-hold-up po pagkatapos ay kinuha ang bag saka binaril…”           Halos madurog ang puso ni Regina nang marinig ang malakas na palahaw ng iyak ng mga magulang sa kabilang linya. Wala siyang magawa nang sandaling iyon kung hindi ang muling mapaupo doon sa gilid ng hallway na iyon. Hindi alintana na pinagtitinginan siya ng ibang tao. Natakpan niya ng mga palad ang mukha at doon muling humagulgol.           “Kuya… paano na kami nila Nanay? Paano na ako? Mag-isa na lang ako ngayon dito sa Maynila…” sabi pa niya habang umiiyak.           Mayamaya, saglit siyang natigilan matapos marinig na tila may umiiyak din sa di kalayuan. Nang tumingin siya sa bandang kaliwa. Nakita ni Regina ang isang lalaki, gaya niya ay nakasalampak dito ito ng upo sa semento at nakayakap ang mga braso sa tuhod at doon tinungo ang ulo habang umiiyak. Naisip niya marahil ay pareho sila ng pinagdaraanan. Hindi na niya pinansin iyon pagkatapos at pinagpatuloy ang pagdadalamhati sa pumanaw na kapatid.           Ilang sandali pa ay may dumating na dalawa pang lalaki at lumapit sa lalaking nakaupo sa semento. Hindi na siya nag-abalang lingunin pa ito dahil ka-text na ni Regina ng mga sandaling iyon ang kanyang pinsan na nakatira katabi lang ng bahay nila sa probinsiya. Nakikiusap siya na alalayan ang mga magulang.           “Mukhang nag-iisa ka, sa tingin ko mas kailangan mo ‘to…”           Natigilan si Regina at napatingin sa panyo na inabot sa kanya ng kung sino. Kinuha niya iyon at nagtataka na napatitig na lang siya sa panyo. Nang maalala ang nagbigay, agad siyang lumingon pero nakatayo na ang lalaki sa tabi niya at likod na lang nito ang kanyang nakita kasama ang dalawang lalaking lumapit dito.           “Salamat,” bulong niya habang sinusundan ng tingin ang papalayo nang lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing Don Montemayor

read
206.9K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

Game of Pleasure: Triv Sauler

read
672.1K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
456.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
36.4K
bc

Mistakes (Montemayor Series3)

read
368.2K
bc

My Husband's Mistress

read
300.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook