Dahan-dahan kong inaalis ang pagkakayakap sa'kin ni Daren habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kumot na nakabalot sa hubad kong katawan. Nakakainis dahil sa pagod ko sa honeymoon namin kagabi hindi ko na nagawang magbihis ng damit. Siguradong sasakit ang tiyan ko dahil natulog akong hubad. Nang mai-alis ko ang kamay ni Daren ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo. Ayaw kong magising siya dahil ayokong makita niya ako sa ganitong itsura. Pagpasok ko ng banyo ay humarap ako sa salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko. Hindi man lang ako natakot o kaya nandiri kay Daren nang hinahalikan niya ako bagkus ay tumutugon pa ako sa kanya. Napahawak ako sa labi kong hinalikan niya pagkuway kagat labi ako. Para kasing nag flashback sa isip ko ang bawat halik niya sa'kin pagkatapos hinaplos