[DAREN] "Anak." dahan-dahan kong kinalabit si Steven upang magising. Magkakatabi kaming tatlo sa kama ni Sheymie at nasa gitna namin ni Sheymie ang anak namin. Papungas-pungas pa si Steven ng magising. "Yes, Daddy." pabulong niyang sagot. Tiningnan ko si Sheymie. Nakayakap siya sa anak namin habang mahimbing siyang natutulog. "Remember our plan?" Tumango-tango si Steven at pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumangon at tumayo ako naman ang lumapit sa pagkakahiga. Inilagay ko ang kamay ni Sheymie sa bewang ko at ang kamay ko ay nakayakap din sa kanya. Nag thumbs up ako sa anak ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone niya at kinuhanan kaming dalawa ng Mommy. Kunwari ay tulog kaming dalawa ni Sheymie at si Steven talaga ang kumuha ng larawan namin. "I post it." wika ni Steven. "Good