HALOS wala na akong makita dahil sa water falls ang mga mata ko. Hindi ko na magawang punasan ang mga luha ko dahil kailangan kong magmadali para makaalis sa bahay ni Daren. Basta ko na lang inilagay sa maleta ang mga damit ko at hindi ko na nagawang tupiin. g maayos. Napilitan akong umalis sa bahay ni Daren. Hindi ko na siya kayang makita pa dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa'kin. Narinig ko ang malakas na iyak ng anak namin kaya lumapit ako sa kanya. Parang nararamdaman niyang iiwanan ko na siya. "A-Anak… 'wag kang umiyak nandito naman ang Daddy mo. Hindi ka niya pababayaan." kausap ko sa anak namin. Marahan kong hinaplos ang maliit niyang mukha. Tumigil naman ito sa pag-iyak. Kinuha ko ang baby bottle milk niya para timplahan ko siya ng gatas. Pagkatapos ko siyang timplahan ay bin