[DAREN] WALANG pasidlan ang aking tuwa habang pinagmamasdan ko ang aking anak na si Kurt Steven na mahimbing na natutulog sa kanyang kuna. Isang buwan na ng lumipas mula ng isilang siya. Ang araw ng kanyang pagsilang ang pinakamasayang araw sa'min ni Sheymie. Siya ang aking inspiration sa buhay siya ang aking lakas at pangarap. Kinuha ko ang cellphone ko at muli ko siyang kinuhanan ng litrato. Halos siya na nga lang ang laman ng photo Galery ko dahil gusto ko araw-araw may bago akong picture sa kanya. Patok rin sa mga fans ko ang mga pictures at video na in-upload ko sa tuwing gising siya. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Kumpleto ka na at wala ka ng mahihiling iba. Bumukas ang pinto ng silid namin at sumungaw doon si Sheymie. Galing siyang Mall at kasama niya si Mama para bumili ng ga