"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay James. Nakasakay ako sa loob ng kotse niya dahil sinundo niya ako matapos ang Mall show namin sa Cavite nina Daren at Lian. "Sasamahan na kita sa kilala kong judge para matulungan kang magfile ng annulment mo." tugon ni James. Hindi siya lumingon sa'kin dahil siya ang nagda-driver. Natahimik ako. Bigla ko kasing naalala ang anak kong si Steven dahil siguradong magagalit siya sa'kin kapag nalaman niyang makikipaghiwalay na ako sa Daddy niya. "Bakit natahimik ka? Nagbago na ba ang desisyon mo?" wika ni Daren. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi." "Isipin mo ang kaligayahan mo 'wag mong isipin ang anak mo dahil nandiyan naman ang ex-husband mo para bantayan siya." "Ayoko lang magalit sa'kin ang anak ko." Hininto ni James ang pagdrive niya at huma
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books