CHAPTER 06

1603 Words
Meshell Kinabukasan maaga pa lang bisita ko na si Ethan, na matagal ko ng manliligaw at si Meding, na akala mo bibitayin ako sa oras na iyon, na kailangan nilang abutan ako sa bahay. Bago umalis patungo sa farm ng mga Levesque. "Meshell... kailan ka babalik?" tanong ng bestfriend kong malungkot ang mukha. "Hindi pa nga ako nakaka alis tanong agad kailan babalik?" nakahalukipkip kong sagot sa kaibigan ko. "Wala na kasi ako maganda bestfriend kapag umalis ka rito," aniya. "Babalik ako s'yempre dadalawin kita. Hindi ko matiis na hindi ko kayo makita ni Tatay ano," "May dala akong pandesal, besh. Meron ka bang kape?" ani sa akin sabay angat nito sa supot ng tinapay upang ipakita sa akin. "Pasok kayo hoi. Meron pa naman kape. Sandali ha? Dito muna kayo ipagtitimpla ko kayo," sagot ko kay Meding, ngunit inawat ako at siya ang nagpresenta. "Ako na Meshell. Samahan mo na lang si Ethan at may sasabihin yata kaya binulabog ako ng maaga sa bahay upang pumarito," Sanay naman ang bestfriend kong kumilos sa maliit naming bahay hinayaan ko. Nang makaalis si Meding, namayani ang nakabibingi katahimikan sa amin ni Ethan. Hindi rin ako nakatiis ako ang unang nagsalita kinumusta ko siya. "Kumusta pala ang pag-aaral? Naks ilang months na lang graduating na sila," “Meshell, bakit hindi mo sa akin sinabi?" tila may tampo ang boses nito. Malalim na buntong-hininga ang ginawa ko pagkatapos ay tipid siyang nginitian. Nabaanag ko ang malungkot niyang mata habang pinagmamasdan ako. Ayaw ko naman na problema namin ni Tatay, ay ipapaako ko sa kanya. “Sabi ko naman sa'yo dati pa nakahanda akong tulungan ka kung nagsabi ka lang na meron kayong problema ni mang Cardo," “No Ethan. Hindi mo obligasyon ‘yon. Tsaka hindi ko rin matatanggap kung sakali dahil wala akong pambayad sa'yo." “Edi, magpakasal ka sa akin para bayad ka na,” maagap n'yang sagot sa akin. Napatitig ako kay Ethan. Ayaw ko lang singhalan ito dahil sa sagot niya. Sira-ulo ‘to. Akala ko handang tumulong iyon pala meron kapalit. Kasal naman wala bang ibang solusyon sa problema ko kun'di ang magpakasal kapag may utang. Mabuti na lang at hindi ako sa kaniya nagsabi sa problema ko dahil iyon din pala ang hihingiin niya. “I'm sorry…” maya-maya ay saad nito. Nag sink in siguro sa isipan niya na mali ang nasabi niya sa akin dahil sa pagtahimik ko. Tipid ko siyang nginitian upang ipabatid na wala lang 'yon sa akin naiintindihan ko siya. “Meshell–” “Okay lang. Alam ko naman na joke mo lang iyon hehe,” ani ko pa at tinapik pa siya sa balikat. “Salamat akala ko nagalit ka." Nagliwanag na ang mukha nito kaysa kanina nag-aalala. "Pero sayang talaga, Meshell. ‘di hamak mas masarap ako roon kay Mr. Levesque," muling niyang sabi. “Paano ka naka sigurado?" seryoso pa ako. Napatitig ito sa akin animo seryoso ako sa sinabi ko. Pabiro ko siyang pinalo sa balikat. "Woi! Ethan. Ano bang iniisip mo?" naiiling kong tanong sa kaniya. “W-wala, M-meshell. Oo nga pala ingat ka sa biyahe," Lihim ko siyang inirapan. What the–iniisip ba nito na papatol ako kay Mr. Troy Levesque? Kaya naman pala hindi ko siya magustuhan dahil may nakatagong ugali. Mabuti naman habang maaga nakilala ko ito. "Meshell?" patanong niyang tawag sa akin. Matagal kasi akong sumagot sa kaniya. “Ahehe...Oo naman, Ethan. Salamat sa concern," Yumuko ito hindi na ulit nasundan ang salita niya. Kinuhit ko. “Ang lalim naman ng iniisip mo," wika ko. “Wala malungkot lang ako dahil tuluyan akong nawalan ng pag-asa sa'yo,” “Maraming may gusto sa'yo, Ethan. Diba sabi ko naman sa'yo? ‘wag mong sayangin ang panahon mo sa akin. Noon at ngayon ganoon pa rin ang isasagot ko sa'yo,” saad ko kaya nag-iwas ito ng tingin. Matagal ko na rin itong manliligaw. Kaya nga lang ayaw ko itong paasahin dahil hanggang kaibigan lang talaga ang damdamin ko rito, hindi talaga ako magkagusto sa kaniya kahit na guwapo ito katunayan ay maraming kadalagahan ang nagkandarapa sa binata sa aming baryo. Ngunit sa akin lang talaga nakatuon ang atensyon nito na paulit-ulit kong binabasted. “Ouch! Sakit noon. Buti pa si Mr. Levesque, asawa ka na. Samantalang ako matagal akong nag-antay bigo parin,” “Ethan!” “Ok, ako lang talaga ang makulit,” aniya. Napailing ako habang nakatingin sa kaniya. Mabuti na lang sumingit ang bestfriend ko na galing kusina kumuha ng kape. “Ops, kape muna tayo. Ethan daanin mo na lang ‘yan sa kape, maiinitan pa sikmura mo. Besh ito sa'yo,” inabot niya ang isa. “Cheers para sa bagong buhay ng BFF ko. Huhuhu, besh sobra kitang mamimiss,” sabay sabi nito. Napa bungisngis ako dahil halata ko na umaarte lang ang kaibigan ko. Alam kasi ni Meding ang totoo. Siya at si Tatay lang, ang taong pinagkakatiwalaan ko, kaya hindi ito nag-alala sa akin. Unlike kanina pagdating ko sa bahay nila ng dumaan ako galing sa bahay nila Mr. Levesque, kaagad ako niyakap ng mahigpit. Huminahon lang ito ng mag kwento ako sa kanya. “Besh, nariyan na ang sasakyan,” bulong ni Meding, pinuntahan ako sa kusina dahil niligpit ko ang pinag gamitan mag kape. Hindi pa kasi umuwi sila ni Ethan. Kung hindi nga lang magmumukhang pinagtatabuyan ko kanina ko pa pinaalis si Ethan. Hindi kasi kami maka bwelo ni, Meding sa kakikayan dahil nasa harapan lang namin ito ayaw umuwi. “Patapos ko na ito besh,” “Naroon na si Mang Cardo. Naku besh baka sinusundo ka na tungo farm. Hayss sobra kitang mamimis,” malungkot ang mukha nito. “Siguro naman may signal doon lagi akong tatawag sa'yo. Sure ako meron ‘yon internet dahil mayaman. Unli tawag na ako sa'yo sa messenger mo kaya ‘wag ka na ma sad, papangit ka sige ka,” “Mag-ingat ka roon,” sa halip na sagot nito sa akin. “Opo na lang,” biro ko kaya sumimangot ito. “Tara na nga baka nainip na mag-antay 'yong sundo ko,” Driver ang naabutan namin sa sala. Paglabas namin ni Meding sa kusina. Kausap nito si Tatay, pagkakita sa akin ay tumayo na at narinig ko nagpaalam na kay Tatay. “Anak naisakay ko na ang traveling bag mo sa sasakyan. Iniwan ko lang ang slingbag mo nasa silid mo pa,” “Hindi naman po kayo excited Itay noh?” pinaseryoso ko ang mukha ko. Napatingin silang lahat sa akin. “Salamat Tatay.” Bawi ko. Hindi ko na tiningnan ang laglag nilang panga dahil tumalikod ako upang pumasok sa k'warto ko kinuha ang bag ko. “Tatay, aalis na po ako,” tinaasan ko pa ito ng kilay dahil nagpunas ng luha. “Kayong dalawa ni Meding, Tatay akala n'yo sa ibang bansa ang tungo ko samantala one hour lang naman po patungong farm,” wika ko pinagtatawanan sila. “Besh…” “Hoy! Anong hikbi-hikbi mo r’yan Meding,” Napa hagikhik ako dahil sinunggaban ako ng yakap sila ni Tatay. Nakita ko nakatingin din si Ethan, nginitian ko. Sa totoo isa ito sa mamimiss ko ang bonding namin ni Meding at ni Tatay. Sa Sta. Elena pa kabilang bayan pa kasi ang farm ng mga Levesque. Sikat ang apelyido nila sa kabilang bayan. Ewan ko bakit itong si Troy Levesque, dito napadpad sa bayan namin. Hindi roon sa balwarte ng pamilya nito. Pero sabi ni Tatay, dahil daw side ito ng Mama ni Mr. Troy, dating mayor ang ama ng Mama nito yumao, kaya siguro pinili na rito manirahan kaysa roon sa balwarte ng ama. Kwento pa ni Tatay, dahil ayaw yata ni Mr. Troy, sa naging asawa ng Papa nito. Kaya ayaw daw manatili sa farm. Hanggang doon lang kasi ang alam ni Tatay. “Pagdating natin sa farm, oo at hindi lang ang isasagot mo,” Sa kasagsagan ng biyahe namin ‘yon ang unang salita ni Mr. Levesque at nakaka shock pa. Pesteng ‘to. Paano? Hirap noon yes or no gagong ito. “Do you hear me?” “Of course. Hindi ako bingi Mr. Troy,” “Also alisin mo ang pag address mo ng Mr. Ms. Meshell, call me Troy, baka makalimutan mo,” “Hindi po.” “Good! Mabuti at mabilis kang kausap,” “Dahil sa panggigipit mo nakalimutan mo?" supla ko sa kaniya. “Basta pagdating doon ay iwasan mong maging madaldal at maging pilosopo.” “Pilosopo lang po ako kung ma attitude ang kausap ko Mr. Levesque,” “Baguhin mo kahit gano'n ang prinsipyo mo,” “Ano? Ang dami mong mga kondisyon po,” laban ko sa kaniya. “Diba gusto mong matubos ang bahay at lupa n'yo–” “Wait, wait…maduga ka Mr. Levesque. Akala ko po aayusin n'yo na ngayon–” “May isang salita ako, natubos ko na subalit ang titulo nasa akin pa," sabi nito na animo walang value para sa kaniya ang bahay at lupa namin. “Mr. Troy. Wala sa usapan natin ‘yan! Dapat ibigay mo iyon sa Tatay ko,” masamang tingin ko sa kaniya. "If I see that you're acting well, I'll give that. Naiintindihan mo naman siguro ako," Inis na tinitigan ko siya. "Hindi ho ako tanga Mr. Troy. Ito lang din ang sasabihin ko rin sa'yo. 'wag mo akong lalansiin dahil sanay ito sa hirap baka ang kayamanan mo na inaasam ay biglang maglaho," Tinawanan lang ako ng loko ngunit hindi ako nagpakita ng pagkapikon. Dapat malaman nito na hindi niya ako basta-basta mauuto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD