Meshell Hindi ko muna inalis ang mga gamit ko sa bag na kinuha ko galing sa silid ni Troy. Long sleeve ko lang na turtleneck ang kinuha ko at nagpaalam muna kay Manang Perlita, magbihis ako sa banyo. “Manang ano po ang iluluto mo mamaya?” saad ko pa ng tapos na akong magbihis nasa harapan na niya. Niyaya kasi ako ni Manang Perlita, bumaba kaysa maghapon dito magtambay sa silid ni Vladimir, sasama na lamang ako. “Relyenong bangus, hija. May gulay na Monggo. Kapag biyernes kasi habit na ni Ma'am Tamara, magpaluto noon.” “Wow…pero dapat po diba tanghalian ‘yon hindi hapunan? Sarap nga noong Monggo with tinapa ang sahog. Manang alam mo po ang tinapang Isda?” tinanong ko pa baka lang hindi kilala ni Manang. “Oo naman Meshell, waray naman ang magulang ko, waray upay,” biro pa nito. “Kapag